Chapter 71

108 3 0
                                    




I am so embarassed! Halos tatlong oras na akong nagkukulong sa kwarto ko at hindi na ako lumabas pagkatapos ng nasabi ko kay Elijah kanina.  I can't believe those words came out of my mouth because I was so annoyed. I mean, it's not okay to say that, especially since h-he's my boyfriend! Maaaring iba ang isipin niya dahil don!

Ugh, Pristine Felize!

I also can't get Eli's expression out of my mind. If it were a different situation and I hadn't embarrassed myself, I might say he had a cute look on his face—kasi talagang nagulat siya kaso... k-kahihiyan talaga ang nasabi ko. Kahit ngayon, nananayo ang mga balahibo ko kapag naaalala ko.

"Aahh!" I groaned in frustration.

"Really, Pristine? Pregnant? Ano na lang ang iispin ni Elijah? Mas pagbabawalan ka rin nun lalo na magbasa ng mga ganun klaseng libro."

Inis na inis ako sa sarili ko. Nang lingunin ko ang libro na binabasa ko ay mas naibaon ko ang mukha ko sa unan habang nakadapa sa kama ko. Hindi ko na ata maipagpapatuloy lalo ang pagbabasa dahil iba na ang maiisip ko.

"N-Nakakahiya talaga..." ungot ko at iginilid pakaliwa ang ulo ko. Nakasimangot habang inaalala si Elijah. Nandoon pa kaya siya sa back garden?

"Paano ko haharapin si Eli? S-Saka, anong sasabihin kong paliwanag tungkol doon sa dahilan ko?"

Oh, huwag ko na lang ungkatin? Umakto na lang ako na parang walang nangyari? Napabangon ako at napabuntong hininga. Nang tumayo ako ay pumunta ako sa vanity mirror at tumingin sa salamin. Napaawang ang mga labi ko dahil pulang-pula ang buong mukha ko.

"Next time, learn to be calm, Pristine. Huwag ka nang makipagmatigasan kay Elijah at kapag binawal ka, sumunod ka na lang."

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim, inilapat ko rin ang palad ko sa dibdib ko. Talagang lumabas lang sa bibig ko ang mga salitang 'yon, dahil na rin kasi sa inis ko kay Eli dahil sa pag-agaw niya ng libro.

"You both know that you didn't mean anything else. Siguradong ganoon rin si Elijah. Hindi niya bibigyan ng ibang meaning 'yon."

Yes... and he knows me.

Tumango ako sa sarili ko at inayos kong muli ang mukha ko sa salamin para maghanda na lumabas. Pati ang buhok ko na gulo-gulo na. Nang tumingin ako sa oras ay mag-a-alas singko na. Ang tagal ko rin nagmumukmok dito dahil sa nangyari.

Nang masiguro ko na maayos na ang itsura ko ay saka naman ako lumabas ng bedroom dala ang libro at ibinalik 'yon sa lalagyanan ng mga books ko, sa tabi ng ibang mga hiniram ko kay Esther. Napagdikit ko ng mariin ang mga labi ko dahil mukhang saglit ko lang maeenjoy ang mga libro na 'to.

Habang inaayos ko 'yon ay nakarinig naman ako ng katok. Napapitlag ako at namilog ang mga mata ko. Una kong naisip ay si Elijah, na baka nagpasya na itong sumunod sa akin pero nang marinig ko ang boses ng nasa labas ay napalapit ako doon. Nakahinga ako ng maluwag.

It's papa.

"Anak, are you busy?"

Binuksan ko ang pinto at nakangiti na tumingin sa papa pero nang makita ko kung sino ang nasa likod niya at nakasandal sa tapat ng pinto ko ay napalunok ako. It's Elijah! K-Kanina pa kaya siya dito sa tapat ng silid ko?

His face was still the same. Blank and emotionless. Pero kapag kaming dalawa ay hindi naman siya ganoon. Siguro dahil nandito ang papa.

"P-Pa... uhm, hindi naman po," pagbalik ko ng atensyon sa aking ama. He's smiling also at me.

"Can we talk? Masyado akong naging busy. Gusto ko na sanang pag-usapan natin ang paghahanda sa nalalapit na kaarawan mo, anak. Hindi ba at ang sinabi mo a few months ago na cruise ship? Pero iba ang gusto ng lolo mo."

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon