"Aminin mo, kinilig ka, 'no?"
Sinamaan ko ng tingin si Kio. Naglalakad kami ngayon palabas, tapos na kasi ako na mag-almusal. At iyang linya niya na 'yan ay kanina niya pa 'yan sinasabi simula nang lumabas ako ng silid ko. Mahina lang naman 'yong kaming dalawa lang ang makakarinig.
Sa aming dalawa ay parang mas siya pa ang kinilig sa bulaklak. Tuloy pakiramdam ko hindi naman siya seryoso doon sa payo niya sa akin na huwag akong maging marupok, na huwag basta bibigay kay Elijah.
Parang kulang na lang rin siya ang magsabi na patawarin ko na, eh.
"Saan mo inilagay ang mga bulaklak? Baka naman ipa-frame mo pa 'yon kapag natuyo, ha? Kung ako 'yon naku, baka ipa-preserve ko pa kasi--"
"Stop it," nilingon ko siya sandali at pinaningkitan ko pang lalo ng mga mata. Ang lakas rin niya mang-asar.
"Naku. Mag-thank you naman sa akin! Dahil 'yan sa pagtitiis mo kaya nage-effort na si boss! Kaso mga ilang percent na lang ba 'yang pagi-ignore mo sa kaniya? Ako kasi alam ko any time bibigay ka na rin. Imagine mo may pa-flowers pa na ganito tapos effort na effort dahil bawat bulaklak ay piling-pili pa. Grabe 'no? Akalain mo na may itinatago rin pa lang pagiging romantic si Elijah."
He's really talkative. Iyon ang isa sa ikinatuwa ko sa kaniya noong una, pero ngayon ay hindi na. Napailing ako at hindi na lang pinansin si Kio. Nang makalabas kami ng mansion ay napatingin ako kaagad sa dalawang sasakyan.
At tama nga ako ng hinala. Elijah wasn't at the dining room earlier because he's waiting here at the parking lot. Is he waiting to see which car I'll get into? Is he also expecting me to ride with him?
I gulped when he looked at me. He was back in his suit and tie uniform as my bodyguard. Ibig sabihin ay mananatili talaga siya sa mansion sa kabila ng alam na ng mga nakatataas sa kaniya ang nararamdaman ko.
They're not going to replace him.
"Kio, let's go," sabi ko. Alam ko na narinig 'yon ni Elijah dahil tumuwid ang pagkakatayo niya at ang mga kamay ay napakuyom.
It's not that I want to ignore him after he gave me flowers, oo at gusto ko na rin siyang makausap tungkol sa aming dalawa. But I want to see more. I want to know what he will do to earn my forgiveness.
"Uy, sure ka? Sa akin ka sasakay? Kanina pa ata naghihintay diyan si Elijah."
"Don't ask me more questions, Kio. O gusto mo ikaw na lang ang sumakay kay Elijah at ako ang magmamaneho ng sasakyan hanggang sa university?"
Napangiwi siya sa isinagot ko at napakamot pa sa batok niya. Iniabot niya sa akin ang bag ko at inalalayan niya rin ako ng hawak sa braso nang papasok na sa sasakyan. Sa gilid ng mga mata ko ay nakatingin sa amin si Eli, I felt like he wants to go near me, pero pinipigilan lang niya ang sarili. Nang nasa loob na ako ng kotse ay tinanaw ko siya sa sideview mirror. Medyo nakaramdam ako ng awa nang manatili siyang nakatayo at nakatingin sa aming sasakyan.
"Nakakatakot ka pag nagsusungit. Hindi rin bagay sa 'yo ang magsuplada," Kio said. He got into the car and started the engine. Ako ay nanatili na nakatingin sa salamin, kay Eli na nakatanaw pa rin sa amin.
Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko dahil nakalabas na ang sasakyan sa mansion. Isn't he going to follow us?
"Kio, about Eli... if he's back in the mansion, then your leaders allowed him to return despite knowing that he might have feelings for me?"
Tumingin siya sa akin sandali mula sa salamin at ibinalik rin ang pansin sa daan.
"It seems like they agreed. I feel like Elijah had already been given a decision that night at the gala. Kahit ako nga ay gusto ko na malaman, pero hindi naman maganda na si Elijah ang tanungin ko baka tutukan pa ako ng baril non. Alam ko naman na mainit ang dugo sa akin paano ay puro ako ang tinatawa mo."
I looked down and nodded at him. If that's the case then... I can now feel at ease. Hindi ko na rin kailangan na makiusap pa sa nakatataas sa kanila para lang mapanatili si Eli sa tabi ko. At sinabi naman niya sa akin na hindi na siya aalis... even after all the things that happened, may parte ko na nagtitiwala pa rin sa kaniya na hindi nga niya ako iiwan.
"Good mood ka na?" tanong ni Kio na ikinasama ko ulit ng tingin sa kaniya.
"Don't worry. If ever man na alisin si Boss Elijah, hindi naman 'yon basta papayag na hindi na kayo magkita. Pag nangyari 'yon ay naku, kaka-excite! Medyo may thrill ang love story ninyo kapag ganoon. Imagine, isang prinsesa na nakakulong sa isang mataas na kastilyo at isang prinsipe na gagawin ang lahat upang maakyat lamang ang prinsesa at makita."
Napailing ako sa kaniya habang nakangiti. Tumingin na lang rin ako sa labas ng bintana.
"Fan ka pala ng mga fairytale. Siguro favorite mo si Rapunzel?" tanong ko habang ang pansin ay nasa labas pa rin ng bintana and when I looked at the sideview mirror, I bit my lower lip when I noticed the car behind us.
Eli...
Sumunod siya. Akala ko ay hindi...
"How did you know? Oo paborito ko nga si Rapunzel! Pero yung kakambal ko naman ay ang beauty and the beast!"
Hindi ko na pinansin pa ang sagot ni Kio dahil nagsalumbaba ako habang nakatingin sa kotse sa likod. At hindi ko na namalayan ang oras at hindi ko na rin napansin kung nasaan kami dahil nakatuon lang doon ang atensyon ko. Nakahinto na rin pala kami sa may dirty market at nakabili na ng mga prutas si Kio. I didn't even notice that the car had stopped and that he went out to buy fruits.
"You have money with you? Sorry. Hindi mo naman sa akin sinabi," sagot ko sa kaniya.
"Hindi na kita inabala kung anong mga prutas ang bibilhin. Kasi alam ko na nasa ibang mundo ka na naman kung saan ikaw at si Elijah lang ang naroon."
"Kio..." sita ko sa kaniya.
Iniabot niya sa akin ang isang supot na malaki, laman ang mga prutas. Pagkatapos ay may isa pang supot na may mga tinapay naman. Mayroon rin nakastyro na mukhang pagkain dahil mainit. Napangiti rin ako dahil may mga gamot na rin. Aba, kumpleto nang lahat.
"Okay na ang mga ito. Pumunta na tayo kay Esther. Siguradong hindi pa siya kumakain at umiinom ng gamot."
He nodded at me, pero bago niya paandarin ang sasakyan ay tumunog ang cellphone niya, ang ngiti sa mga labi niya ay nawala at napatingin siya sa likod namin--kay Elijah. Hindi naman ito lumabas ng kotse, nakahinto lang rin.
"What's wrong, Kio?" tanong ko, napatingin na rin tuloy ako sa likod namin.
"Why?" I asked again. Napabuntong hininga naman siya at pinaandar na ang sasakyan pero hindi pa naman kami nakakaalis ay kinuha niya ang cellphone niya at iniharap sa akin ang screen non.
At nang mabasa ko ang mensahe--message ni Eli sa kaniya ay nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dalawa 'yon, magkasunod.
"I'll cut your fingers if you touch her again, Alesandrino."
"Malapit na rin maubos ang pasensiya ko sa 'yo sa pagiging malapit mo. I thought I had already made it clear what you should and shouldn't do. Mamaya ay mag-uusap tayong dalawa."
Nang ibaba ni Kio ang cellphone niya ay sinilip ko siya. Nakanguso. I chuckled, which made him glare at me.
"Kanina pa pala 'yong mensahe na 'yon at nasundan lang ulit ng pagbabanta. Siguro nung inalalayan kita pagkapasok ng kotse. Hay naku, Pristine, ang manliligaw mo masyado kung makabakod sa 'yo, mamumutol pa ng mga daliri," napailing pa siya at marahas na napabuntong hininga.
"Uhm, gusto mo ba na samahan kita kapag kinausap ka mamaya ni Eli? I'll also explain, na palagi mo naman rin akong inaalalayan," pang-aasar 'yon na nakuha naman niya kasi sinamaan niya ako ng tingin.
"Huwag na! At baka mas mapadali pa ang buhay ko!" he whined.
I laughed. Talagang natawa ako lalo na at yung itsura niya ay halatang problemado at kabado sa mangyayaring pag-uusap sa pagitan nila ni Elijah mamaya.
"Ngayon hindi na ako natutuwa sa mga payo ko sa 'yo. Gusto ko na lang maging marupok ka at nang humaba pa ang pamamalagi ko sa mundong 'to."
"Kio!" mas lumakas ang tawa ako sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomansaSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...