Pristine
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? K-Kumusta ka? Nahuli daw ba ang may gawa?" pagkatanong non sa akin ni Esther ay hinawakan niya ako sa mga braso ko. Mukhang tinitingnan niya kung nakatamo ba ako ng sugat.
Pero dahil nga nakarating rin agad si Elijah ay wala naman akong kahit anong paso na natamo. Nahirapa lang ako na makahinga dahil napupuno na ng usok ang nasusunog na comfort room kahapon.
"Kaaway na naman ng lolo mo ang nag-utos?" dagdag na tanong niya pa sa akin. Nasa mukha niya ang pag-aalala. Salubong rin ang mga kilay niya at napabuntong hininga siya ng malalim nang hindi ako sumagot.
Mamaya ko pa dapat talaga sasabihin kay Esther ang nangyari sa akin kahapon pagkatapos ng klase namin pero narinig na niya 'to na binanggit ng ibang mga estudyante pagkapasok pa lang daw niya sa university. Kaya ito, pagkarating ko ay inulan na niya ako kaagad ng mga tanong.
"Before we talked about what happened to me, ikaw? Magaling ka na ba para pumasok ngayon? Kahapon ka lang nagkasakit, ah?" ako naman ang nagtanong sa kaniya at ang naging tingin naman niya sa akin ay parang hindi siya makapaniwala.
"You asked me as if I was the one trapped in that burning room. Ghad, Pristine. Sobrang nakakatakot 'yon."
Napaupo siya sa silya sa tabi ko at ngumiti naman ako ng tipid. It actually feels good to see her like this, to feel that he's genuinely worried about me. Hindi ko 'to madalas maramdaman, ang pagmamalasakit at pag-aalala ng isang kaibigan dahil siya nga ang unang naging malapit sa akin.
"Okay ako, Esther. Eli saved me bago pa man ako maabot ng apoy."
"And thank goodness that he was there to save you! Paano kung tulad ng dati ay nasa labas lang sila ni Kio? Mabuti na lang at malapit lang si Elijah dahil paano kung wala?" now she sounds like she's scolding me that I didn't make Eli and Kio stay outside the comfort room.
Napanguso ako at humawak sa braso niya. "Esther, i'm fine," I even spread my arms for her to see that I'm okay.
"Okay na okay naa ko ngayon. Ilang beses ko ba sasabihin na okay ako? Do you want me to jump in front of you? Dance? What sing?" malalayo na at walang konekta sa pinag-uusapan namin ang mga sinasabi ko para lang malayo ang topic sa nangyari sa akin kahapon.
"Pristine," iiling-iling na lang na tawag niya sa akin.
"I'm safe at hindi na 'yon mauulit," sagot ko naman na sinagot lang niya ng pagbuntong hininga.
I looked outside. I couldn't see Kio and Elijah because they were standing in the corner, guarding me. They had strict orders now not to leave my side no matter where I went. Sa totoo lang ay unang-una ang ayaw naman talaga na gawin ni Eli a iwan ako na mag-isa, ako lang ang nagsabi kahapon na sa cafeteria na lang niya ako hintayin hanggang matapos ang klase ko.
And I didn't realize that the culprit would seize that chance to execute his plan. Napasama pa tuloy si Elijah.
Pero hindi naman siya pinagsabihan ng papa, wala rin akong narinig na hindi magandang salita nang kinausap siya ng aking ama kaninang umaga. Because my father understood that it wasn't Elijah's fault why I was alone. Dahil utos rin niya nang nakaraan na maaari rin na bumalik si Eli dito sa mansion dahil nga para sa papa ay safe sa university at mahigpit ang security.
Nagpakampante rin kami. Napanatag dahil sa halos isang taon, walang kahit anong trahedya ang nangyari sa akin--sa amin ng papa.
Ito rin ang unang beses na may ganitong pangyayari sa Pennington University. The president apologized personally to us. Kasama ko na dumating ang papa kanina dito dahil inimbitahan rin siya ng presidente. That wasn't needed actually, I mean na humingi ito ng tawad. Dapat nga kami ang gumawa non dahil nadamay pa ang magandang reputasyon ng university sa gulo ng pamilya namin.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...