Chapter 68

111 3 1
                                    

Elijah

I was just standing here, looking at Pristine as she walked up the stairs to go to her room. She wasn't smiling. Disappointment and annoyance were written on her face because of what happened earlier. Hindi rin siya sa akin sumakay pauwi dito sa mansion, at kahit na labag sa loob ko na kay Kio siya magpahatid pauwi ay hindi na ako nagpumilit.

She was hurt because of what I said to her friend, but I won't take it back, and I don't regret it.

"Hindi mo ba susundan, boss?"

Hindi ako nag-abala na lingunin si Kio nang marinig ko siya na nagsalita sa likod ko. Nakatingin pa rin ako kay Pristine na nakaliko na, she turned to me and even rolled her eyes that made me smile a little. We'll talk later, baby.

Mamaya na ako manunuyo. Baka mas magalit kung ngayon ako magpupumilit.

I know Pristine will be angry that her friend is under investigation, but we can't exclude her just because they're close. The man who started the fire, under Halyago's orders, might have other accomplices. Imposibleng ito lang anginutusan.

Masyado akong nakampante na walang makakapasok dito sa university. Nagpakalat na rin ako ng mga agent dito para makasiguro. I need to make sure that Pristine is safe from any danger. Ayoko nang maulit pa ang nangyari sa kaniya kahapon.

"Do you think she's really mad at me?" tanong ko kay Kio.

"Eh, oo. Naunawaan kita, at nauunawaan ko rin naman si Pristine kung bakit siya nagalit. Kasi tuwang-tuwa siya kay Esther. Iba yung naging saya niya nung unang beses na kausapin siya nito. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit nagalit siya sa 'yo. Takot lang rin siguro na iwasan siya ni Esther o hindi na pasinin pa. Pareho naman natin alam na unang kaibigan ni Pristine yung si Estrella Lee, eh. Saka na hirap siya makipagkaibigan."

I nod. But still, I won't take back my words. Hindi ako hihingi ng tawad kahit pa inosente ang babaeng 'yon. Maaaring ilang beses rin na magalit sa akin ang baby ko sa mga ganitong desisyon, But if it's for her safety, I will wholeheartedly accept her anger.

"You told me Estrella Lee was the one who approached Pristine. Did you notice anything suspicious about her while I was away?"

Kio already reported to me the same day that woman got close to Pristine. Inalala ko rin ang mga nakaraang araw na nakita ko ito, inisip kung may kahina-hinalang kilos pero wala akong napansin. She seems like a normal student, at hindi katulad ng nahuli namin ay mayroong background ng pamilya itong si Estrella Lee. Her details are complete, from her parents' names to her province and the school she attended before.

"Wala naman. Nakakabuwisit lang yung kakulitan at kadaldalan. Saka, pakiramdam ko na naawa rin siya kay Pristine."

Awa.

I really don't like Pristine having friends. It's a selfish decision on my part because I feel like I'll lose her attention, bukod doon ay gusto ko nasa akin lang ang pansin niya and I know I'm enough for her. But that changed when I saw she was hurt because no one wanted to talk to her, even about school subjects. Naramdaman ko 'yon, pati yung pagyuko niya sa tuwing makakakita ng mga grupo na magkakasama at nagtatawanan. Nasa mga mata niya ang lungkot, ang inggit.

"Kung may napansin naman rin ako na kakaiba, ipapaalam ko agad sa 'yo. Pero yun nga... wala pa naman. Saka para sa akin kasi, hindi ganoon kakilala ni Estrella Lee si Halyago, hindi rin kasi ito galing sa mayaman na pamilya tulad ng mga kaklase nila. Ano rin ba ang dahilan bakit walang lumalapit sa university kay Pristine? Hindi ba at dahil pinagbawalan ng mga magulang ang mga ito dahil sa takot madawit sa matandang Vera Esperanza?"

Halyago was the main reason why Pristine is an outcast.

I could see how much she wanted to have friends, and it saddened her that she couldn't even make one. She even avoided the topic whenever her father asked if she had any. At nang magkaroon na nga siya ng kaibigan, nakita ko kung gaano siya naging masaya. Pero kailangan ko pa rin makasiguro, at kung may mali sa babaeng 'yon, hindi ako magdadalang isip na burahin siya sa buhay  ni Pristine.

"Si Ma'am Kamila ba? May nasabi tungkol kay Esther?" tanong ni Kio. Umiling ako dahil hindi ko pa ulit ito nakakausap. Ang alam ko rin ay umalis na naman ito ng bansa. Dad messaged me early this morning, tinatanong kung may nabanggit sa akin ang mom na aalis dahil hindi daw ito sumasagot sa mga tawag at mensahe niya.

That only means one thing. She's no longer in the country.

Ilang buwan na naman kaya siyang mawawala? Hindi ba at dapat manatili muna siya dito sa Pilipinas dahil sa nangyayari sa mga Vera Esperanza. I noticed that she was bothered when she learned that Halyago ordered the fire at the university, yet she left again without giving me proper orders what I should do.

Ang sinabi lang niya ay kung may gagawin ako, ipaalam ko muna sa kaniya.

Kung may mangyari man, I don't think I can wait for her.

"I think she will be busy again in Moscow."

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na tumango si Kio. Sumandal rin siya sa pader. Nang may mapadaan naman na dalawang tauhan ay nagbigay galang ang mga ito sa amin at yumuko. Umikot ang tingin ko sa buong lugar, sa labas kung nasaan may mga nagtatrabaho. Lahat na ng mga narito sa mansion ay mula na sa security company. Ang bawat kasambahay kahit mga hardinero rin ay isa-isa na inenterrogate nang nakaraang buwan.

It was Pierre Vera Esperanza's order. He felt that even in their own house, they're not safe.

Because Halyago was also the enemy.

Malaki pa rin ang respeto ni Pierre sa ama, at kung hindi ako nakinig sa mom at napangunahan ako ng galit ay baka nga ginamit pa ni Halyago na dahilan ang pagturo ko sa kaniya para mapaalis ako bilang bodyguard ni Pristine. Things will get worse.

"Tandaan mo, Clementine, tuso ang matandang 'yon. Kailangan mo rin mag-ingat dahil hindi ka man niya mapatay-patay ay babaliktarin ka niyan kay Pierre. Pagmumukhain kang masama para mapatalsik lang tulad ng ginagawa niya ngayon. Nagsimula na siya sa sunog."

He has a lot of time and money to waste for someone like me, huh?

"Boss Elijah, si Pristine."

Nang marinig ko ang sinabi ni Kio ay napatayo ako ng tuwid at sinundan ko ang tinitingnan niya. And there, I saw my baby walking toward the back garden. She was wearing a floral pink strap dress that hugged her body, reaching halfway down her legs. Her hair was tied up, and she was holding a book.

Even though we were close and I knew she saw us, she didn't stop to look o kahit ang lumapit sandali at bumati. I noticed that she had her lips slightly pursed, and her beautiful face showed irritation.

Napahimas na lang ako sa noo ko nang makaramdam ng kaunting kaba dahil mukhang mahihirapan ako ngayon na makausap siya.

She's really mad.

"Ganoon ba talaga kahalaga ang Estrella Lee na 'yon?" tanong ko. Medyo nakakaramdam ako ng inis sa babaeng 'yon. Lalo pa at ito ang dahilan kung bakit galit sa akin ngayon ang baby ko.

"Eh, oo, boss. Pero sure na sure naman ako na mas matimbang ka, mas mahalaga, mas love, at hindi rin makakatiis iyang si Pristine, kita mo mamaya ay--"

"Gaano ka kasigurado na hindi niya ako matitiis?" pagharap ko kay Kio. Seryoso ko siyang tiningnan habang nakahalukipkip. Nahuli ko naman ang paglunok niya, umiwas rin siya ng tingin at napakamot sa kaniyang batok.

"A-Ahm... kapag ba nagkamali ako ng sagot ay walang parusa?"

"Depende," mabilis ko na tugon.

Nathimik na siya pagkatapos non. Nang Bumalik naman ang pansin ko sa direksyon na tinungo ni Pristine ay saka ako humakbang at naglakad. Pero bago ako tuluyan na makaalis ay nagsalita akong muli kay Kio.

"Don't let anyone go to the back garden. Mag-uusap kami ng baby ko."

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon