Narito ako sa labas, nakaupo sa wooden bench habang nakatingin sa paligid. Malamig ang hangin, at malilim ang kinalalagyan ko dahil sa mga nakapalibot na puno. Wala akong magawa kundi manatili muna rito. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Elijah sa dining area, nagpaalam siya na may pupuntahan sandali. I could see in his eyes that he didn't want to leave me here alone in his house dahil nakatitig lang siya sa akin kahit ilang segundo na ang lumipas mula nang magpaalam siya. Wala naman akong pangamba, kasi nga teritoryo niya 'to. Pero ang tingin niya kanina, kung saan man siya pupunta, parang gusto niya akong isama.
Ang sabi niya, uuwi siya sa bahay nila—sa pamilya niya. Bigla naman akong na-curious nang sabihin niya 'yon. Naisip ko ang mga magulang niya, kung ano ba ang ugali ng mga ito, ang itsura. Kasi ang huling nabanggit niya tungkol sa mga ito ay noong umuwi ang kaniyang ina at ang 'hindi normal' na argumento, na ibig sabihin ay nami-miss lang daw ng mga magulang niya ang isa't isa.
Nakaramdam naman ako ng pag-aalala. I've never seen Elijah with a scratch on his face for almost a year of guarding me, pero nung umuwi siya no'n mula sa bahay ng kaniyang mga magulang, may kaunting galos na siya.
Sana naman mamaya ay wala.
"Mami-meet ko rin kaya ang parents niya? A-At ano kaya ang masasabi nila tungkol sa amin ni Eli? Will they agree with our relationship?"
Ang dami kong tanong. Sa totoo lang, ang dami ko ring pangamba. Sana naman ay maging pabor sa aming dalawa ang mga magulang niya, para kahit papaano ay hindi na madagdagan ang mga iniisip namin ni Elijah. Ayoko talagang mag-isip ng kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap—iniiwasan ko dahil pakiramdam ko, masisira lang no'n ang relasyon namin ngayon. Pero kasi, hindi rin naman pwedeng ipagsawalang-bahala ang mga maaaring maging problema.
Inaalala ko rin ngayon ang papa. Kagabi pa siya hindi mawala sa isipan ko, at kung itinuloy niya ba ang pagkausap sa lolo.
I hope he's fine.
Pakiramdam ko ay malaki ang magiging pagbabago pag bumalik na ako sa mansion at harapin siyang muli. Hindi naman rin kasi maaaring manatili ako ng matagal dito kahit gustuhin ko pa. Alam ko na mas magiging delikado ang sitwasyon namin ni Elijah. Hindi ibig sabihin na nalaman ko na isa rin pala siyang delikadong tao na kayang tapatan ang lolo ay magpapadalos-dalos na lang ako sa desisyon ko.
Gusto ko pa rin piliin yung sa tingin kong walang masyadong masasaktan na nakapaligid sa aming dalawa...
Pero, paano? Malabo 'yon, Pristine. No matter how much you try to avoid it, someone will still get hurt.
Napabuntong-hininga ako.
Kung iisipin, umpisa pa lang, hindi na nga nadadaan sa maayos na pakiusap ang Lolo Yago. And Elijah knew that—he's also at the verge of his patience. Naniniwala naman ako na ako na lang rin ang iniisip niya kung bakit h-hindi siya gumagawa ng hakbang para gantihan ang ito. Natatakot rin ako, kasi sa pagmamahal ng papa sa lolo, b-baka sa huli, ito pa ang maging hadlang sa amin ni Eli. Na siyang inaasahan ko na magiging kakampi ko ang maging makalaban namin sa huli.
"Ayokong pumili..." nanginig ang paghinga ko sa naisip ko. Napapikit ako at napalunok habang patuloy na naiisip ang maaaring mangyari.
"Hindi ko kayang isa sa kanila ng papa ay bitawan ko... p-pareho silang mahalaga sa akin."
After I told my father the cruel things lolo did to me, I felt the pain lessen. Tama nga, na pag inilabas mo ang sakit at bigat sa dibdib mo, nababawasan—medyo gumagaan. And Elijah helped me feel better after releasing all the pain I've been through for years. Mas nakaramdam ako ng kaluwagan, lalo pa at mas pinanatag niya ang loob ko na hindi niya ako iiwan at pababayaan. Na hindi niya hahayaan na basta ako mapunta sa ibang lalake tulad ng gusto ng lolo.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...