We're having breakfast right now. And I felt a little bit awkward after coming in this dining area. Mukhang bawat parte ng bahay niya ay ikabibigla ko. I just know that from looking outside, this place is huge, pero mas malaki pala siya sa loob. At itong dining room, mas malaki rin sa nasa mansion namin. Napansin ko pa na 12 seats itong lamesa. Ang laki. Kung mag-isa lang naman siya dito sa bahay na 'to ay bakit ganito naman pang malakihan na pamilya.
"Why are you not eating? Didn't you like the food, princess?" tanong ni Elijah nang mapagawi sa akin ang tingin niya. Napailing naman ako agad dahil. Masarap naman sa tingin ko ang pagkain at ito ang usually na inihahanda sa akin sa mansion.
"Okay ako. M-Masarap, Eli," sagot ko dahil nakadalawang subo naman na ako. Siguro dahil lang rin sa nagugulat pa rin ako.
Pagkapasok namin kanina sa bahay pagkatapos niya na magjogging ay nagpaalam rin siya sa akin na maliligo muna siya. Ako naman ay sinabi ko rin na magsa-shower rin ako dahil nasanay ako na bago lumabas ng silid ko ay nakabihis at maayos na ang itsura ko. I felt embarassed also, nun ko lang rin narealize na wala akong hilamos o toothbrush nang salubungin niya kanina.
Tapos na-naghalikan pa kaming dalawa! Nabother ako!
"I thought you didn't like the food. Magpapaliuto ako kung ano ang gusto mo," pagkasabi niya non ay sunod-sunod akong umiling.
Kumakain naman na ako. Ayoko rin kasi na mag-isip si Kaji dahil nga ito ang nagluto ng pagkain at... napatingin ako sa gilid ko. Narito kasi siya at nakaantabay kung may iuutos si Elijah. I don't want to upset him just because I am not in the mood to eat a lot--pero alam naman ni Eli na hindi ako malakas kumain.
"May kulang ba sa mga gamit na dinala ni Kio?" tanong niya pa. Tapos na siyang kumain ngayon at humigihop na lang ng kape.
Hindi ko alam kung anong oras dumating si Kio kagabi pero inutusan nga niya itong kumuha ng mga gamit ko. Actually naalala ko ang papa, kasi imposibleng hindi nito malalaman 'yon. Pero nang maalala ko rin ang aking ama ay napaisip ako kung alam ba niya na ganito ang klase ng buhay ni Elijah... na ganito... kayaman.
"Wala naman. Saka, ilang araw lang ako dito, Eli," sagot ko at tumingin sa kaniya. He doesn't look surprised. Pakiramdam ko rin naman kasi ay hindi rin niya gusto na manatili ako ng matagal dito at iniisip rin niya ang papa. Also, because that would caused more trouble. Baka... b-baka kung ano ang gawin sa kaniya ng Lolo Yago.
Even if I know he can fight for himself, ayoko pa rin na ako ang maging dahilan pag may nangyaring masama sa kaniya. Pero kung iisipin... Elijah is making me feel right now what he can do for me... that he won't back down. Ilang beses niya sa akin ito ipinaramdam nung unang beses pa lang na sinabi kong ayokong magpakasal sa lalakeng gusto ng Lolo Yago para sa akin.
"Kapag si Elijah ang nagtago sa 'yo, hinding-hindi ka na makikita ng lolo mo."
And those words from Kio, I now understand why...
Dahil ang mismong bahay na ito ni Elijah ay pakiramdam ko hindi basta-basta matutunton ng kung sino kahit pa isang maimpluwensya at makapangyarihan na tao. Isa pa, iyong mga napansin ko na mga CCTV sa mga puno na nadaanan namin bago makarating dito, ang dami non at pakiramdam ko may iba pang mga nagbabantay sa palibot ng lugar na ito.
Lalo na ngayon na nandito kami.
"Hindi pa ba... nalalaman ng lolo na umalis ako?" tanong ko. Umiling naman siya at ibinaba ang tasa niya.
"His spies are no longer in your mansion. All the personnel are now from us, so no one can tell your grandfather what's happening. But if he asks your father, that's when he'll find out that you've left. With me."
BINABASA MO ANG
My Billionaire Bodyguard
RomanceSi Pristine Felize Vera Esperanza ay nag-iisang anak ni Pierre Vera Esperanza, isang bilyonaryo na kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Maraming tao ang nag-aakala na namumuhay siya tulad ng isang prinsesa, na mabait sa kaniya ang lahat at minama...