Pagbabalik
"Oh Lupao na po! Sino'ng bababa ng Lupao diyan!!" Kalampag ng konduktor sa tuktok ng bus, habang naglalakad sa gitna.
Minulat ko na ang mga mata ko. My eyes lighting up instantly, nakita ko ang malalaking bundok na nababalutan ng mga berdeng damo, at ang mga puno na sumasabay sa agos ng hangin.
Nasa Nueva Ecija na nga ako. Kanina ay nagtataasang mga building ang nakikita ko. Ngayon ay ang kalikasan na tila tinatawag na ako.
"Ma'am Lupao po kayo diba?" Magaan na sabi niya sa akin, na ngayon ay nasa harap ko na.
"Oo, malapit sa boundary ng Bagong Flores, pangalawang kanto. Malapit sa water refilling station." I noticed I was talking faster than usual. Excited na kasi akong umuwi. Ngumiti na lamang ako sa lalaking nasa harap ko.
"Oh, taga doon po kayo? May pamangkin po ako diyan, si Keith po." Ang kaninang nakasimangot na itsura ni kuyang konduktor ay ngayon nakangiti na siya.
"Yes po, kilala ko po siya. Crush nga siya ng pinsan ko na si Jhasmin noong bata sila." Mahinahon ko na sabi habang sinisilip ang cellphone ko.
Ala una na pala. Halos limang oras ang naging byahe ko, from Quezon City to Nueva Ecija.
Tumayo na ako sa aking inuupuan. Dahil natatanaw ko na ang tambayan namin noong bata kami sa tapat ng kalsada.
"Ano nga po pala apelyido niyo ma'am?"
"Ferrer po."
"Ah Ferrer," bigla na lamang hindi mapakali ang mata niya.
Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang epekto ng pagsabi ko sa apelyido namin.
Natatakot ba sila dahil sa nangyari sa pamilya namin, hindi ko maintindihan bakit ganon ang naging reaksyon niya. Hindi ba dapat ang katakutan nila ay ang 'Blanco' na apelyido.
Sila ang pumatay sa tatay ko, at sinira ang buhay ko.
"Kayo po ba 'yung namatayan ng tatay, tapos yung tatay niyo pinatay noon yung nanay-"
"Hoy Loreto, tumigil ka na. Malapit na bumaba si Ma'am, masiyado kang maingay." Sigaw ng driver sa kaniya.
I forced a smile that didn't quite land, my fingers tapping nervously against my leg.
Biglang tumunog ang preno ng bus na sinasakyan ko. Hudyat na tapos na ang byahe. Yumuko ako sa dalawang lalaki na nasa harap ko.
Hindi ko alam bakit nahihiya ako. Kasalanan ba talaga namin kung bakit nagdudusa ang pamilya namin?
"Salamat po." Mariing sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagbabatukan nilang dalawa habang pababa ako sa hagdan ng bus.
Unang tapak ko sa lupa ng Nueva Ecija ay nakaramdam ako ng pagyakap ng isang mahigpit na hangin. Gusto kong isipin na si Papa 'yun, na sinalubong niya ako ng yakap niya.
Isa sa mga dahilan bakit gusto kong umalis sa lugar na ito, dahil dito ako naging masaya, dito ko nahanap ang tunay na kasiyahan na gusto kong maramdaman, pero dito ko rin naranasan ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko, na habang buhay ko na pagsisisihan at pilit na kakalimutan.
Natatakot akong maging masaya, baka may malaking lungkot na biglang dumating. Dahil noong minsang naging masaya ako, naging masalimoot ang bumalik sa akin.
Pero ngayon, pakiramdam ko tanggap ko na. Tanggap ko na ang nangyari sa amin noon, isa 'yung pagsubok na kailangang maramdaman at pagdaanan. Dahil sa nangyaring iyon, mas lalo akong naging matatag, mas lalo akong lumalaban sa buhay.
Siguro ang pagpapatawad ay hindi ko pa kaya. Gusto kong gumanti sa ibang paraan, hindi sa pagkitil ng buhay. Isang paraan na, hinding hindi niya makakalimutan.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
