Kabanata 36

15 0 0
                                        

Nick Jonas

"O gusto mo halikan na lang kita para masabi mong close na tayo?"

Nakita ko kung paano dumilim ang awra niya. 'Yung dati niyang pilit na ngiti, ngayon isa nang mapanganib na ngisi.

Parang baliw. At 'yung mga mata niya, halos kainin ako nang buo. Ramdam ko ang intensyon niyang halikan ako.

"Pwede bang tigilan mo ako?" dagdag ko, hindi nagpapakita ng takot pero totoo niyan, nanlalamig ang batok ko.

Lumapit si Van sa akin nang walang hinto, halos idikit ang katawan niya sa akin. "Pwes kung ako lang ang masusunod, ayokong tumig-"

"Ano bang problema mo, Van?" singit ng isang pamilyar na boses. Napatigil si Van at lumingon.

Nakita ko ang pagliliyab ng mata ni Gio sa 'di kalayuan. Napaatras ako sa pwesto ko dahil masyadong malapit ang katawan ko sa katawan ni Van. Muli akong lumingon sa lalaking nakatayo.

Si Van ay nakangisi sa kaniya at umiiling.

Nakatayo si Gio sa may gilid, may hawak pang bottled water na tila kakabukas lang, na halos malukot na sa paghigpit ng kapit niya. Inilapag niya ang tubig sa sahig.

"Tangina mo, Gio. 'Wag kang makisali sa usapan naming dalawa ni Chelsea," balik ni Van.

Bumaling ang tingin niya sa akin at tiningnan ako nang mariin.

Halos lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin na sa amin na parang may shooting ng movie.

"Wala kang karapatang guluhin siya sa oras ng pahinga niya. You're invading her privacy," Gio said. Lumapit na rin siya at humarang sa pagitan namin ni Van.

"Bakit, sa 'yo ba siya?" Tumawa nang mahina si Van habang hawak-hawak ang tiyan niya.

"Hindi ko kailangang maging akin siya para protektahan siya," mariing sagot ni Gio.

CLICK!

Tumahimik ang paligid. Napatingin ang ibang mga estudyante sa nakatayong si Prof kasama ang mga cameraman.

Isa-isang nagsialisan ang mga estudyante sa cafeteria at pumunta sa gawi namin si Prof habang isa-isa kaming tinititigan nang masama.

"Enough!" Halos mapatakip ako sa tainga sa sigaw ni Prof. "Ikaw Chelsea, sumunod ka sa akin. Magsisimula na ang photoshoot." Para akong maamong tuta na nakasunod sa likod ni Prof.

Tahimik.

Tahimik si Gio. Tahimik si Van. Pareho silang nakatingin sa akin, pero hindi ko sila pinansin.

Diretso ako sa dressing area. Hinubad ko ang uniform ko dahil may t-shirt ako sa loob, saka tumingala sa salamin. Nanginginig ang kamay ko pero hindi ko papayagang sirain ng kaba na ito ang moment na 'to. Hindi ngayon. Not when I'm this close.

Kaya ko sigurong mag-makeup sa sarili ko. Hindi ko ito forte, pero pipilitin ko.

Ang basic make up lang ang alam ko, blush at lipstick lang ang kaya kong i-apply sa sarili ko.

Pag-upo ko sa makeup chair, biglang may sumulpot sa likod ko.

"Guess who's back?" sabay takip sa mga mata ko ng malambot na kamay.

"Psyche?" Halos maluha ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ano pa, siyempre ako ang gagawa ng winning look mo! Hindi ako papayag na hindi ako maging part ng history mo, girl."

Niyakap ko siya nang mahigpit. She's been my rock ever since last week.

"Let's give them a look na hindi nila makakalimutan," bulong niya habang inaayos ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil dati hindi ako lumalabas sa comfort zone ko, pero heto ako, may mga taong naniniwala sa akin.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon