Kabanata 39

12 0 0
                                        

Warning: R-18 (SPG SCENES)

Bed

Sa pag-usbong ng umaga, tanging mga kulisap sa aking tiyan ang nararamdaman ko. Hanggang ngayong umaga ay dilat na dilat pa rin ako. Nakatingala ako sa kulay kayumangging kisame, iniisip ang mga nangyari kanina lang.

Inalalayan ko pa si Gio kanina papunta sa kwarto niya, dahil mukhang naparami ang inom niya. Baka lasing lang siya kaya niya sinabi ang mga 'yun o kaya makalimutan niya ang mga pinagsasabi niya at ginagawa niya kanina. Napapikit na lamang ako sa naisip, dapat ay hindi na ako pumatol sa lasing.

Sa pag-iisip ko ay biglang may kumatok sa pinto ko.

"Chels, gising ka na?" Narinig ko ang boses ni Psyche. Binuksan ko ito dagli-dagli at sinalubong niya ako ng yakap. "Gosh you look terrible! What happened?" Hinila ko agad siya sa kama ko at umupo kami sa gilid nito.

"I can't sleep." madiin kong sabi sakaniya na ikinataas ng kilay niya.

"Kung iniisip mo yung sa pageant, you did a good job!" Sigaw niya sa akin at tinapik ang balikat ko.

Umiling ako ng mahina at huminga ng malalim.

"Teka, may problema bang iba?" Ramdam ko ang pag-aalala ni Psyche sa akin.

"Psy, sa tingin mo alam ng lasing ang mga ginagawa niya at sinasabi?" Binaling ko ang tingin ko sakaniya, habang siya ay nakangangang nakatingin sa akin?

"Oh gosh! May nangyari sainyo ni Gi-

"No, hypothetical question lang. Dumi ng utak mo!" Sigaw ko sakaniya at tumawa na lang siya ng mahina at suminghap ng hangin.

Tumingin siya ng makahulugan sa akin "To answer your question. Yes, drunk person know what they are saying and doing, and drunk person are more likely to tell the truth while intoxicated, offering up brutally honest, unfiltered opinions. Kaya nakaka putangina 'yung mga lalaking dahilan ay "lasing ako noon, hindi ko sinasadya na may nangyari sa amin" ano 'yun nabangga ng rumaragasa mong tite? Tapos hindi mo na alam bakit ka bumabayo!?" Halos makita ko ang ugat sa leeg niya sa sobrang galit. Iba rin 'tong babaeng 'to mukhang personal na.

"Oo at hindi lang hinihingi ko na sagot mo, nag speech ka na diyan." Umirap na lamang ako sa kawalan.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Iniwan na ako ni Psyche dahil may pupuntahan daw siya, hindi ko na tinanong kung ano iyon, dahil mukhang aligaga siya at nagmamadali. Pumunta lang daw siya para i-check ako.

Sinimulan ko ang araw ko ng nakangiti. Nagbihis ako ng sundress violet floral print lace up a-line at sinuot ang pearl na necklace ko.

Pumunta na ako sa kainan, dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Umupo ako sa pinakadulo para walang maingay at walang masiyadong tao.

"Aga-aga nakasimangot." Napatingin ako sa lalaking dumating sa harap ko. Naka polo ng navy blue na kapit na kapit sa katawan niya, at naka maong pants.

"Wag mo ng sirain ang araw ko, Van." Tinawag ko ang waiter upang makapili na ng pagkain. Um-order ako ng banana bread at hot chocolate.

"Hindi ko sisirain ang araw mo. Nandito ako para i-congrats ka." Dahan-dahan niyang tinanggal ang shades niya at nakita ko ang mapang-asar niyang mga tingin.

"Hindi ko kailangan, hindi ka naman parte ng pagkapanalo ko." Madiin at mabigat kong sabi at nilagay na ng lalaki ang order ko sa lamesa sa harap ko.

"I'm here because I want to tell you something." Ramdam ko ang pag seryoso ng sinasabi niya pero ayokong marinig ito dahil galing sakaniya.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon