Isip
Pinapanood ko kung paano hindi mapakali si Van sa sala. Masiyado siyang tensyonado, nalalaglag ang mga gamit na inilalagay niya sa kaniyang bag.
Lumapit ako sa kaniya habang tinatasa niya ang dalawa niyang lapis. Niyakap ko siya mula sa likod, at naramdaman ko ang bahagya niyang pagtalon.
"Hey, calm down. 'Wag kang kabahan, lahat ng ni-review mo, lalabas lahat doon." Inamoy ko ang kaniyang maroon na polo shirt at sumiksik sa tagiliran niya.
"Thank you. Medyo kinakabahan lang ako. What if I fail?" sabi niya habang hindi mapakali ang ang kaniyang paa. Kinakabahan nga siya.
Humarap ako sa kaniya, at pinihit naman niya ang ulo niya sa akin.
"Don't be too negative. Laging positive dapat ang nasa isip. Baka maapektuhan ang pagsagot mo mamaya kapag hindi mo tinanggal ang malalim mong pag-iisip," sabi ko habang nakangiti. Hinawakan ko ang mahahaba niyang daliri na sobrang lamig dahil sa kaba, at pinagsalikop ko ito.
"Pumasa ka man o hindi, lagi akong nandito, proud na proud sa 'yo," taas-noo kong sabi sa kaniya. Ngumiti siya sa akin, pero maliit lamang ito.
Naramdaman ko bigla ang malamig niyang kamay sa gilid ng leeg ko. Dumampi ang malambot niyang labi sa aking noo.
"'Yung niluluto ko na adobo, baka malambot na!" Bumitaw ako sa kaniya habang natawa na lang kaming dalawa.
"Pagkatapos mo diyan, pumunta ka na sa kusina. Kakain na tayo para may lakas ka," sabi ko sa kaniya habang lumalayo.
Pinatay ko na ang electricc stove namin. Ihinain ko na rin sa lamesa ang ulam at ang bagong lutong kanin.
"Van, breakfast is re-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang maamoy ko na ang pabango niya rito sa kusina. Binalot niya ako ng kaniyang malaking ngiti.
Nilagyan ko na ng kanin at ulam ang kaniyang plato.
"Wow, para namang prinsipe ako para pagsilbihan mo," saad niya na ikinatawa niya nang mahina. Inirapan ko na lamang siya habang tumatawa.
Gusto ko siyang pagsilbihan ngayon dahil ilang taon niya akong inalagaan. Halos hindi na ako kumakain noong nangyari ang trahedyang iyon. Hinayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang lungkot at sakit.
Nandoon si Van sa pinakamahirap na sitwasyon ng buhay ko. May pagkakataon naman na umalis siya at iwan ako, pero hindi niya ginawa iyon. Nanatili siya; isinakripisyo niya ang sarili niyang kasiyahan para alagaan ako.
"Chelsea, kumain ka. Bumagsak na ang timbang mo, may pasok ka pa mamaya." Naramdaman ko ang pagpiyok ng boses niya. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya na tila may namumuong luha.
"Ayoko, Van! Umalis ka dito! Bakit ba nandito ka pa rin!?" Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang pamamanhid ng pisngi ko sa pagsigaw ko.
Nakita ko kung paano siya napaatras sa sinabi ko. Kung paano siya natakot sa akin. Kung paano nabalot ng sakit ang mga mata niya.
"'Wag mo na akong itulak palayo ulit... Chelsea. 'Wag naman ganito, tulungan mo naman ang sarili mo," mahina pero banayad niyang sabi sa akin habang hawak ang mangkok na may sabaw.
"Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo sa akin? Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayoko sa 'yo! Ayoko sa inyong lahat!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok, at tuluyan nang lumakas ang hikbi ko.
Takot akong magtiwala ulit-baka saktan lang niya ako, katulad ng ginawa sa akin ng mga taong pinagkatiwalaan ko ng buong puso.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng mangkok sa side table ng kama ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
