Kabanata 35

22 0 0
                                        

Closer

Hinabol niya ako papunta sa kotse habang hawak pa rin ang mga gamit ko. Wala siyang pakialam kahit ilang tao na ang nakatingin sa amin. Binuksan niya ang passenger door at pinigilan ang pagbagsak ng pinto.

"Chelsea, please. Just get in. I'll take you home."

Suminghot ako ng hangin at tiningnan siya nang masama, pero sumakay na rin ako. Ayokong umuwi nang haggard at pawisan. Umikot siya sa driver's seat, at pumasok, agad naman niyang isinara ang pinto.

Tiningnan niya ako ng makahulugang tingin. Sumulyap ako sa kaniya at inirapan siya.

Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa isip ko-bakit binigay ko ang sarili ko sa lalaking katabi ko ngayon.

Wala pa akong karanasan sa ganoong bagay, pero hindi naman ako inosente para hindi malaman ang mga iyon.

Ibinigay ko sa kaniya ang sarili ko dahil may gusto ako sa kaniya, o nagpadalos-dalos lang ako?

Baka iwan niya ako pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sa akin. Dahil ang ibang mga lalaki, ang gusto lang nila ay ang virginity ng babae. Tapos kapag nakuha na, tatakbo na, at pagkatapos sasabihing hindi ka na niya mahal.

Pero alam kong hindi ganoon si Gio, kaya nagpaubaya ako kanina. Naging marupok ako dahil gusto ko siya, at alam kong gusto niya rin ako.

"Gio. Tara na, umuwi na tayo. Napagod ako." Isinandig ko ang likod ko.

Tahimik ako habang nakatingin sa bintana. Hindi pa siya umaandar. Nakatingin lang siya sa akin.

"Do you want anything? I can buy you food." Tumango na lamang ako sa kaniya, at hindi na rin siya umimik.

Habang nililibot ko ang paningin ko sa labas, nakita ko ang mga batang palaboy na nagbebenta ng mga kandila at sampaguita sa daan. Ang iba naman ay humihithit ng sigarilyo na akala mo ay isang don na may-ari ng isang mansyon.

"Alam mo, minsan naiisip ko," simula niya habang inaayos ang seatbelt niya. "Kung tama lang ang ginagawa ng mga taong nakaupo, walang mga kabataan ang nagtitinda sa kalye para buhayin ang pamilya nila."

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang biglaang shift ng usapan. "Bakit mo naman biglang gustong pag-usapan 'yan?"

Nakita ko ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa daan habang sumusulyap sa akin.

Pinaandar na niya ang kotse at dahan-dahang pinatakbo ang sasakyan sa tapat ng isang mansion na bahay.

"Wala naman. Ayan oh, ayan ang bahay ng gobernador natin. Naalala ko lang 'yung mga pangako niya na ilang taon na pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari."

"Ang mga Razmino?" tugon ko sa kaniya.

Tumahimik ako saglit. "Lagi naman ganiyan, 'di ba? Pangako lang kapag eleksyon, tapos wala na."

"Exactly," sabat niya. "Tapos tayo pa rin ang mag-aadjust, tayo pa rin ang magtitiis. Pero 'yung mga dapat nagsisilbi, sila pa ang unang nangungurakot."

Binilisan na niya ang pagpapa takbo sa sasakyan. Nakita ko kung gaano kapayapa ang kalsada habang lumalalim na ang gabi.

"Nagpatayo sila ng sabungan at mga poultry. Ano namang mapapala ng mga tao roon?" Bakasyon sa boses niya ang lungkot. Umirap na lang ako sa kawalan.

Napabuntong-hininga ako. "Nakakainis nga, eh. Ang daming problema ng lugar natin, miski ng Pilipinas, na dapat bigyan ng pansin. Samantalang 'yang mga politiko, may bagong sasakyan, may bagong bahay, may pa-party pa."

"Alam mo, gusto ko silang ipag-drive," biro niya, pero halatang may halong inis. "Tapos ihatid ko sila doon sa mga lugar na pinabayaan nila. Gusto kong makita nila 'yung mukha ng mga taong binigo nila."

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon