Other
Halos manginig ako sa mga kaharap ko ngayon. Pinipilit ko na labanan ang takot ko, pero mas nangingibabaw pa rin ito.
Makalipas ang kalahating araw. Pagod na pagod akong umupo sa isang bench sa isang park. Natapos ang lahat ng proseso, sa pag check sa physical features ko at ang final interview.
Tatawagan na lang daw ako kapag nakapasa ako at hired na ako. Gusto kong umasa na makukuha ako pero ayoko. Masakit umasa lalo na kung walang kasiguraduhan, baka masaktan lang ako.
Nandito ako sa mapunong parte ng park. Nakahubad ang heels. Nasa gilid ito, habang hinihilot ko ang sakong ng paa ko.
Minamasdan ko ang mga batang nagtatakbuhan sa malambot na damo, kasama ang kanilang nanay at tatay.
Ngumiti ako. Ganiyan din ako noon, noong bata ako wala akong problema, ang problema ko lang noon ay bakit sinusundan ako ng anino ko at ang buwan. Pero noong lumaki ako, naintindihan ko ito dahil sa siyensa.
Ngayon, naiintindihan ko na. Habang lumalaki tayo, mas lumalawak ang kaalaman natin, mas lumalaki ang sakop ng problema natin, mula sa maliit na problema, hanggang mas lumaki. Sinasanay tayo ng buhay, kung paano maging mag-isa, paano labanan ang problema, para kapag wala na ang magulang natin, kaya na nating tumayo sa ating mga sariling paa.
Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Van sa screen. Agad ko namang pinindot ang green button.
"Love, tapos na ako mag-review. Where are you, I'll pick you up." Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Nandito ako sa park, sa Yumali Gym. Hihintayin kita." Mahinahon kong sabi.
"Okay, wait for me." Namatay na ito. Kaya dagli kong sinuot ang heels ko at inayos ang sarili.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ko na ang pamilyar na kotse sa kalsada. Sinuot ko na ang pula ko na heels at lakad takbo akong tumungo sa kotse.
Binuksan ko ang pinto, inabot agad ni Van ito at inalalayan akong sumakay.
"How's your day, love." Nakaharap siya sa akin habang nakangiti. Habang ako ay tipid ngiting tumingin sakaniya.
"Okay lang naman." Sabi ko at tumingin sa labas.
"Anong nangyari sa final-"
"Tara na, uwi na tayo. Pagod ako." Sinuot ko ang seatbelt at pumikit na lang.
"Okay, may pagkain na doon. Kakain tayo." Narinig ko ang pag buntong hininga niya at pinaandar na niya ang kotse niya.
Lantang gulay akong bumaba ng kotse. Nakakapagod ang araw na ito. Dumagdag sa aking pagod ang pressure at pag iisip ng kung ano-ano.
"Nagluto ako ng bicol express na paborito mo mahal." Tinignan ko ang lamesa na may nakahain ng pagkain. At nahagip ng mata ko ang bulaklak na mirasol.
"Yes. that's my surprise. Congrats sa successful na final interview." Tumingin ako sakaniyang nakakunot noo.
"Sinasadya mo ba ito?" Medyo malakas ko na sabi na nagpahinto sakaniya habang papalapit sa bulaklak para ibigay sana sa akin.
Tuwing nakikita ko ang bulaklak na sunflower. Nakikita ko siya.
"Ang ano?" Natatawa niyang sabi sa akin "Sadya talaga ito, deserve natin mag celebrate, kasi you did a good job." Palapit siya sa akin habang hawak ang sunflower. Inaabot niya sa akin ito, nagda-dalawang isip pa ako kung kukunin ko ito.
"Para sa'yo 'yan," Kinuha ko na ito sa kamay niya at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Pikit mata akong ngumiti sakaniya.
Inaya niya akong kumain. Kahit na paborito ko ang pagkain na na nasa harap ko, hindi ko magawang maging masaya. Nasa tabi ng plato ko ang mirasol, tinitignan ko ito habang kumakain.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
Storie d'AmoreSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
