Kabanata 29

26 0 0
                                        

029.Motorsiklo

"Tada! I bought ramen for you. Nakita ko kasi notes mo sa Instagram na 'yan ang comfort food mo," hapon na nang makarating si Gio sa bahay dahil malala daw ang naging ensayo ng team nila.

"Thank you, hindi mo kailangang gawin 'to," ngumiti ako sa kaniya at tumitig nang mariin sa mga mata niya.

"Mukhang hindi ka ayos. Alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi." Napaiwas ako ng tingin sa mga mata niyang puno ng pag-aalala at saya.

"You are here, ayos na ako," sabi ko nang walang preno.

"What?" Tiningnan ko siya at ayan na naman siya sa mapang-asar niyang mga ngiti.

"Huh? Wala." Tumalikod ako sa kaniya at hinigop ang sabaw ng ramen na kanina pa naghihintay sa kutsara.

Nararamdaman ko pa rin sa likod ko ang pagngiti niya.

"Can I hear it again?" Halos mabilaukan ako sa magaspang at malalim niyang boses.

"Wala, wala kang narinig!" Agad kong kinain ang noodles habang pulang-pula na ako sa kahihiyan.

Naramdaman ko ang palad niya na dumampi sa magkabilang balikat ko at pinihit ako papaharap sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang ginawaran ako ng yakap. Nagitla ako sa ginawa niya-para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"I know you're not okay. I can feel it. Please rest... magpahinga ka sa akin kahit saglit lang." Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi niya. Ang kanina pang luhang nagbabadya ay tuloy-tuloy nang umagos sa pisngi ko.

"Shh, I'm here. Cry until you feel better." Marahan niyang hinaplos ang likod ko na siyang nagpakalma sa aking lungkot na nadarama.

Sa bawat pangungusap na binibitawan niya, lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Ngayong yakap niya ang katawan kong kailangan ng aruga, para akong hinehele sa mga bisig niya na siyang nagbibigay-kalma sa aking nararamdaman.

Kumalas ako sa yakap niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ko at ngumiti nang bahagya na siyang nagbigay ng pag-asa para magpatuloy.

"Tara?" pagbasag niya sa katahimikan na namamagitan sa amin.

"Saan? Hindi ako pwede, Gio," sabi ko at iniligpit na ang ramen na hindi ko naubos. Mukhang nabusog ako sa mga sinabi niya.

"Don't worry, ipapaalam naman kita," aniya habang ipinagkrus ang dalawang hita at tumingin sa akin.

Nahiya tuloy ako, kaya kailangan kong maging mahinhin sa mga mata niya. Baka kapag nalaman niyang clumsy ako gumalaw ay ma-turn off siya.

Naglalakad na ako sa lagayan ng plato nang biglang tumama ang hinliliit ko sa paa ng lamesa.

Napabalikwas si Gio sa kinauupuan niya at tumingin sa akin nang may pag-aalala. Ngumiti ako sa kaniya na parang walang nararamdamang sakit at lakad-takbo akong pumunta sa kabilang side ng kusina na natatakpan ng pader.

Doon na ako ngumiwi sa sakit at sumigaw nang walang tunog habang nakaupo at hinihilot ang daliri sa paa.

"Anak! Nandito na ako. Pakidala nga mga pinamili ko sa kusina. Oh, Gio, nandiyan ka pala!" Narinig ko na ang mala-speaker na boses ni mama.

Bumalik ako agad sa sala at naabutan ko nang nagmamano si Gio kay mama.

"Ako na po diyan, Tita," kinuha niya sa mga kamay ni mama ang mga supot na pinamili nito sa bayan.

"Hmm, ba't nandito si Gio?" paninimulang tukso ni mama sa akin habang nang-aasar ang mga tingin niya.

"Ah, kasi-"

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon