Kape
Naglalakad ako sa mahabang kalsada. Isang klase lang ang pinasukan ko ngayon, dahil 'yun lang ang nasa schedule ko.
Nagpapasalamat ako dahil, hindi na masiyadong mainit, kaya hindi ko na nilabas ang payong ko. Kinuha ko na lamang ang ear buds ko at sinalpak sa magkabilaang tenga ko habang pinapatugtog ko ang nasa opm playlist ko.
Malapit na ako sa pedestrian lane, kaya kailangan ko ng tumawid para makapunta sa palengke. Gusto ko sanang bumili ng palamig at turon sa loob, dahil kanina pa ako nagugutom.
Habang tumatawid ako sa pedestrian lane, may biglang sumulpot sa harap ko, kaya muntik na akong ma out of balance sa ginawa ng kotse na iyon.
Hinablot ko ang earbuds ko sa tenga ko at padabog na nilagay sa shoulder bag ko.
Napangiti ako sa ginawa ng mga traffic enforcer, dahil hinarangan agad nila ito.
Nakangiti akong pumunta sa lalaki na nasa labas na, nakikipag usap pa ito sa mga traffic enforcer, mukhang nilalaban niya ang sarili niya kahit na mali siya.
Nasa likod ako ng lalaki, nakataas ang kilay ko dahil nanggigigil ako.
"Sir, ang bagal niya maglakad, kaya pinaandar ko na agad!" Sigaw ng lalaki sa mga kaharap niya. Habang ako ay pinapanood ko ang bawat kilos niya.
"Sir, mali niyo, hinintay niyo muna sana siya bago kaya nagpaandar, pedestrian lane po ito." Mahinahon na sabi ng isang lalaking mukhang may edad na.
"No, her fault, ang kupad kupad niya, siya ang pagalitan niy-
Buong pwersa ko na hinampas siya ng bag ko. Buti na lamang ay naka dumaplis ito kundi tatagos itong bag ko sa pagmumukha niya.
"What the fu-" Nakahawak siya sa pisngi niya at hinarap ako, nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Habang ako ay halos manlisik na ang mga mata.
May humawak sa aking isang enforcer, kaya iwinaksi ko agad ang kamay ko.
Gusto ko lang turuan ito ng leksyon.
"Ikaw na nga ang muntik makapatay, ikaw pa ang nag aastang biktima?!" Sumandal siya sa kotse niya habang nakasalubong ang mga kilay. Pero ang mga mata niya ay blangko.
"Kung hindi ka maka paghintay sa mga naglalakad na tao, lagyan mo ng pakpak ang kotse mo, at lumipad ka, para walang sagabal sa'yo!" Sunod-sunod ko na sabi sakaniya, hapo-hapo ang hininga ko pero hindi ko iyon ininda, dahil naiinis ako sa lalaki na ito.
Bumuntong hininga siya at napasapo sa noo niya habang nakangisi.
What the hell, sinigawan ko na nga, nginitian pa ako?
Lalo akong napikon sa pagmumukha niya. Parang wala siyang balak mag patawad at magpakita man lang ng pag-aalala na muntik na niya akong napatay.
"Mabagal ka miss, tama ba ang makinig ng kanta habang nasa kalsada. That's a violation sir!" Turo niya sa akin habang nakatingin sa isang enforcer.
"No, mali ka. Pwede kitang kasuhan ng reckless driving!" Tumango ang isang enforcer na mukhang sang-ayon sa akin. Taas noo akong tumingin sakaniya habang nakangisi.
"Ma'am at Sir, pag usapan natin ito sa office. Nasa sainyo kung magkakasundo kayo o kakasuhan mo siya ma'am." Pumagitna sa amin ang matandang enforcer habang nakangiti sa aming dalawa.
"Sundan niyo na lang po ako, malapit lang naman ang office dito." Sabi ng enforcer, at tinuro ang daan papuntang mobile ng pulis.
Sumakay ako at tinignan ang nakasunod na kotse ng lalaking asungot. Sa dami ng makakabangga ko, siya pa talaga.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
