Kabanata 40

23 1 0
                                        

Tattoo

Ilaw ng mga kabahayan ang natatanaw ko ngayon, habang patuloy na umaandar ang kotse na sinasakyan ko.

"Gio, are you sure about me. I-i mean hindi ako perpekto, hindi ako yung babaeng tipo mo na mala artista ang itsura at ang katawan na mala Toni Fow-

"Shh shhh....." Tumawa siyang nakataas ang kilay sa akin, "Who's Toni Fow?" hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"What! Bakit mo hininto, nagtatanong lang naman ako," maliit na boses na sabi ko sakaniya, habang siya ay nakangiting nakatitig sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa gilid ng inuupuan ko "Hmm ako dapat ang nagtatanong niyan dahil napaka perpekto mo para sa akin." Kumislap sa mga mata ko ang ngiti niya.

"Maraming babae diyan na nagkakagusto sa'yo na model, nursing at-

"I don't care about them baby, ikaw ang gusto ko, at wala kang magagawa." pinindot niya ng mahina ang ilong ko at tumawa ng unti. "I love the whole you, i love your flaws, lahat ng tungkol sa'yo mahal na mahal ko. When i'm with you, i can actually breathe, i feel safe and understood in a way I've never felt before. You don't have to be perfect for me, just being yourself is enough to make me the happiest I've ever been. Hindi mo kailangang maging sila, para mahalin kita. Mahal kita, mismong ikaw." Hinalikan niya ang noo ko na nagpa kalma sa utak ko.

Magaan at kalmado lang ang naging byahe namin pauwi. Kantahan at kulitan lang ang inatupag naming dalawa sa loob ng sasakyan. Itong gabi na 'to ang ayoko pang matapos, sana ganito na lang lagi. Masaya at walang iniisip na problema.

"I'm sorry baby, hindi na kita maihahatid sa loob, pabati na lang kila tito at tita." Inabot niya sa akin ang dalawa kong lalagyan ng gamit ko at ginulo niya ang buhok ko at tumawa, inirapan ko na lamang siya sa ginawa niya.

"Okay lang, baka tulog na din sila, mag ingat ka sa pagmamaneho." Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at ngumisi sa harap ko. Ngumiti ako pabalik sakaniya at lumambot ang ekspresyon niya, dagli ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi niya.

"I want more." sabi niya sabay higpit ng hawak niya sa bewang ko, habang ako naman ay naka pulupot ang kamay ko sa leeg niya.

"It's getting late, baby. I just wanted to tell you again how much I love you. Sleep well my handsome hot man." pinadaan ko ang hintuturo ko sa matigas niyang dibdib.

"Ugh, don't be like that. I will lose control and fuck you here, at the side of the road." Napaawang ang labi ko at hinampas siya ng mahina.

"Shh stop ah, your mouth. Baka may makarinig sa'yo!" Pabulong na galit kong sabi. Tinawanan lang ako ng siraulong lalaking 'to.

Naglakad na ako papuntang gate, bitbit ang isa ko na bag na mga toiletries ang isa naman ay backpack. Bago ako pumasok sa gate ay nilingon ko muna siya. Nakasandal siya sa kotse niya, habang naka-cross ang mga braso at ang paa niya habang nakangiti sa akin.

Kung ganito ba naman susundo sa'yo araw-araw, sisipagin ka talagang gumala at pumasok palagi.

Tinaas ko ang isa kong kamay at iwinagayway sa kawalan.

Ganon din ang ginawa niya pero sa pagtaas ng kamay niya ay umangat ang damit niya sa baba, may nasilip ako sa bewang niya na tattoo, na parang pamilyar sa mga mata ko.

Hindi siya, hindi pwedeng siya, kasi hindi niya magagawa na takutin at pagbantaan ang buhay ko ako dahil sabi niya sa akin mahal niya ako.

***

Tatlong oras akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko, pinipilit matulog pero maraming bumabagabag sa isip ko. Hindi ko nakita ang tattoo niya sa gilid ng beywang niya, habang ginagawa namin ang nangyari sa amin noong nakaraang gabi, nakapatay din ang ilaw namin habang ginagawa namin iyon, kaya hindi ko ito naaninagan kagabi.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon