TRIGGER WARNING: This series containsstrong language, violence, suicidal ideation, self-harm, emotional abuse, physical abuse and political themes.
Confrontation
Pinilit ko na tumayo sa aking dalawang paa, kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Nararamdaman ko pa rin ang taas ng emosyon sa mga nangyari kanina.
Kinuha ko ang mga basahan at ang walis, para linisin ang mga natapong mga pagkain.
Wala ako sa sarili ko habang nagpupunas ng sahig, wala na akong maramdaman. Ubos na ubos na ang luha ko, umiiyak ako pero wala ng luha na mailabas.
"What happened here?!" Sigaw ng malaking boses na nanggagaling sa likod ko. Humarap ako sa lalaking nagsalita at nakita ko ang isa sa mga professor na ginagalang sa university namin. Yumuko ako at bumati sakaniya. Nahihiya pa ako dahil sa itsura ko. Sabog ang buhok, at namamaga ang mata sa pag iyak ko kanina.
"Uh...errr. Natapon po kasi yung ulam ko." Tumango na lamang siya, at ako ay napaiwas ng tingin dahil sa hiya.
Pumunta na siyang table niya at pinatong ang mga bitbit niyang libro at laptop.
"Bilisan mo diyan, isasara na itong room." Nagbuntong hininga siya, habang umiiling. Tinuloy ko na ang paglilinis, minadali ko na dahil mukhang hinihintay ako matapos ni Professor.
"Sir, saan po ilalagay 'to?" May biglang sumulpot sa pintuan, habang nagwawalis ako. Natapakan niya ang hibla ng walis tambo na hawak ko.
Hinihila ko sa paa niya ang walis pero hindi siya nagpatinag, Tumawa siya ng mahina sa ginagawa ko.
"Bruha, sabog ang buhok may walis pa na hawak." Tumawa siya ng malakas, hindi ko siya hinarap, nakayuko lang ako, upang matakpan ang mukha ko. Ayokong makita ako ng estudyante sa ganitong itsura.
"Diyan na lang Van sa isang lamesa sa harap!" Sigaw ng professor na para bang magkalayo lang sila.
"Okay po sir!" Umalis na siya sa pagkatapak sa walis ko, hindi man lang niya ako pinansin at nag sorry sa ginawa niya.
Mas mabuti na dahil ayokong mapikon sa lalaking ito.
"Hija ano ba'ng pangalan mo?" Napapikit ako sa narinig ko. Paalis na sana si Van pero napahinto siya sa paglabas.
Humarap ako sa professor habang nasa likod ko naman si Van.
"Chelsea po." Tipid ko na sabi sakaniya. Tumango na lamang siya at ngumiti.
Binalik ko na ang walis sa tamang lalagyan at ang mga basahan na ginamit ko. Nakita ko si Van na nakasandal sa gilid ng pintuan na parang may hinihintay.
Kinuha ko na ang mga gamit, at lumabas na ng classroom. Hindi na ako nagpaalam sa professor dahil may kausap siya sa telepono.
Akala ko nakatakas na ako kay Van, pero narinig ko siyang sumisipol ng hindi pamilyar na kanta habang nakasunod sa akin.
Ayoko pang humarap sa tao ngayon, gusto kong kausapin ang pamilya ko tungkol sa ginawa nila sa pamilya ni Gio.
Gabi na ng makarating ako sa bahay. Pero nakita ko na nakasindi pa rin ang ilaw sa buong bahay namin.
Pumasok na ako ng gate namin, at nakita ko na may maraming tao sa loob.
"Thank you sa pagpunta, bukas ulit." Sigaw ng pinsan ko na si Russel.
Nginitian ko ang mga bisita niya, na mga kaklase niya yata. Nakita ako agad ng pinsan ko, at tumakbo para yakapin ako.
"Saan ka nanggaling? You look miserable." Nginitian ko na lamang siya at bumalik sa walang emosyon ang mukha ko. Nagtaka siya sa inasta ko, kaya binitawan na niya ako. Alam niyang may problema ako.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
