Tibok
Bago kami umuwi sa bahay ay dumaan muna kami sa isang fast food restaurant para bumili daw ng pasalubong kay mama at papa.
"Binibiro ka lang nila Gio. Wag na." Sabi ko sakaniya habang kausap niya ang isang boses na kulay abo na kahon.
"Let me, thank you pasalubong na rin kila tito sa pagpayag na lumabas ka kahit gabi na." Ngumiti na lamang ako sakaniyang sinabi. Baka pag nagsalita pa ako ay mas lalong humaba ang usapan namin.
Pinaandar na niya ang motor niya upang kunin ang order na dalawang paper bag.
"Mukhang marami 'to Gio." Inabot ng waiter ang order namin, at agad naman niyang inabot sa akin ito.
"Ayos lang Chel. Pag nagutom ka, may extra." Napatawa na lamang ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Pinagmu mukha naman niya akong matakaw.
•••
Halos makatulog na ako sa buong byahe namin. At nangawit din ako dahil hawak-hawak ko ang bouquet na libro habang nasa byahe ako. Pakiramdam ko nagka muscle na ang barbie arms ko.
Tinignan ko ang likod ni Gio, kung may laway, pero wala.
Bumaba ng dahan-dahan si Gio, at inalalayan ako pababa.
"Be careful." Mahinang sabi niya habang inaalalayan niya ako na tanggalin ang helmet na suot ko.
"Thank you."
Pinatong niya ang helmet niya sa motor at sinamahan ako papuntang loob habang hawak ko ang mga libro habang sakaniya ang pasalubong niya sa parents ko.
"You're back!!" Bungad na sigaw ni papa pagkabukas palang ng pinto.
Umiwas ako ng tingin ng mapako ang tingin ni papa sa bouquet na hawak ko.
"Nagbalik ka anak, pero may may dalang bouquet?" Nilakihan ko ng mata ang papa dahil aasarin nanaman niya ako.
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko at pamumula habang si Gio ay humahagikgik ng mahina sa tabi ko.
"What's funny?!" Bulong na pikon ko na sabi.
"You're so cute when you are blushing." Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
Cute daw, Cute daw ako! Ano ako bata?
"Hmp!" Umalis ako sa harap nilang dalawa dahil nagkatinginan sila at tumatawa ng walang tunog.
Pumunta ako ng sala upang ilagay ang mga libro na binigay sa akin ni Gio.
"Kumpleto na." Napatalon ako sa biglaang boses na sumulpot. Si Gio, habang nakapamulsa at nilibot ang paningin sa mga libro ko.
"Hmm... T-thank you Gio." Nauutal kong sabi dahil nakatingin na siya sa akin ngayon.
"Walang anuman, Chel." Naramdaman ko ang yabag niya papunta sa akin dahilan para mapaatras ako.
Ano'ng ginagawa niya?
Patuloy pa rin ang pag atras ko hanggang maramdaman ko sa likod ko ang bookshelf ko na puno ng libro.
Para kaming magnet na dahan-dahang nagdidikit.
Naramdaman ko ang paglagay niya sa kamay niya sa magkabilaang gilid ko na ngayon ay kapit-kapit na niya ang bookshelf ko.
Unti-unti kong naramdaman ang hininga niya sa pisngi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa ngayon ay nanghihina ang tuhod ko sa bawat paghinga niya ng banayad sa mukha ko.
"About our condition. Totoo ba na kapag nanalo ka. Girlfriend na kita?" Mahinahon at malambing niyang sabi.
Inayos niya ang kwelyo ng damit niya at naamoy ko ang pamilyar na pabango niya na laging dumadampi sa ilong ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomansaSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
