Kabanata 57

2 1 0
                                        

Sampal

Mabilis akong tumayo, at inalalayang maglakad ang pinsan ko. Hindi pa rin tumitigil ang lakas ng ulan. Bawat hawak ko sa katawan ni Russel, sunod-sunod ang kulog at kidlat, at bawat dampi ng patak ng ulan sa balat ko ay sobrang sakit. Para silang humahadlang para hawakan ko ang babaeng nasa harap ko.

"U-uuwi na tayo. Ihakbang mo ang mga paa mo!" Bulyaw ko sa kaniya habang siya ay nakatulala lamang sa kawalan at lumilinga kung saan-saan.

Para kaming galing sa bar, parang inaalalayan ang lasing na kasama ko. Halos matumba na kami sa putikan dahil nawalan ako ng balanse sa biglaang pagluhod niya.

"Anak! Russel! Nasaan na kayo!" Narinig ko ang malakas na boses ni Mama. Napahinga ako ng maluwag dahil mas magiging mabilis ang pag-uwi namin.

"Ma! Nandito kami." Ikinumpas ko ang kamay ko at tumalon-talon ng mahina.

Nagulat si Mama sa nakita niya. Dala niya ang kulay lila na payong na gamit niya at isang kulay asul na bitbit niya sa kabilang kamay niya.

"Jusko kayong mga bata kayo. Hindi ito ang oras para maligo, bagyo ito. Magkakalagnat kayo sa ginagawa niyo!" Inis na galit niyang sabi, kasabay ng dahan-dahan niyang paglalakad dahil sa maputik na daan.

Habang papalapit si Mama. Biglang bumigat ang bitbit ko. Pinihit ko ang ulo at nakita ko ang walang malay na si Russel.

Tinapik tapik ko ang kaniyang pisngi, pero hindi ito magising.

Pinahiga ko siya dalawang hita ko habang yakap ang kaniyang basang-basa na ulo.

"Russel. Wag naman ganito, gumising ka! Gising!" Sigaw ko sa gitna ng bukid. Nanginginig ko na hinawakan ang kaniyang mukha.

Parang mauulit ang nangyari sa Papa ko. Ayokong mawalan ng mahal sa buhay, masakit na masiyado.

Naramdaman ko naman ang presensiya ng nanay ko sa harap ko. Wala ng ulan ng pumapatak sa amin dahil sa malaking payong ni Mama na sumasanggi sa malakas na ulan.

"Ano'ng nangyari?" Lumuhod siya sa harap ng pinsan ko at hinawakan ng dalawang daliri niya ang pala pulsuhan nito. "Buhay siya anak." Dumampi ang mainit na palad ni Mama sa aking mga balikat na nagpakalma sa nararamdaman ko.

"Pumunta ka kay Kuya Romeo. Humingi ka ng tulong. Hindi natin mabubuhat ang pinsan mo dahil parehas tayong babae, baka tumama pa ang ulo niya sa lupa." Mahinahon niyang sabi sa akin, habang nakasalikop ang aming mga kamay.

Paulit-ulit akong tumango, habang tumutulo pa rin ang mga luha ko. Ayokong pati ang pinsan ko mawala sa amin.

Kinuha ni mama ang ulo ng pinsan ko at niyakap gamit ang isang kamay niya, habang ang isa ay hawak ang payong.

Hinubad ko na ang sapin na tsinelas sa paa ko. Sinimulan kong tumakbo sa damuhan na puno na ng mga kulay tsokolateng putik. Bawat bagsak ng paa ko sa lupa ay tumatalsik ito sa paligid. Hindi ko alintana ang sakit na tumutusok sa paa ko. Tumakbo ako na parang nakasalalay ang buhay ko rito.

Huminto ako na hapo ang hininga. Naramdaman ko na ang talampakan ko ay nakatapak na sa kongkretong kalsada.

Lakad takbo ang ginawa ko para mas mabilis akong makarating sa kapitbahay namin na si Kuya Romeo.

Nasa tapat na ako ng kulay pulang gate nila.

Kumatok ako sa bakal na tarangkahan nila.

"Kuya! Tulong, kailangan po namin ng tulong niyo!" Hinampas ko ng paulit-ulit para marinig ako. Hindi yata nila ako marinig dahil sa lakas ng ulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon