Kahon
Halos matunaw ang puso ko sa kung paano niya tanungin kung ayos lang ba ako o kung ano ang nararamdaman ko.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko at humarap sakaniyang nakangiti. Sinakop ng dalawang palad ko ang pisngi niya, habang siya ay nakasimangot sa akin. Natawa ako ng mahina dahil sa pagiging isip bata nanaman niya.
"Okay na ako, pinaliwanag mo na. Pakiramdam ko kasi hindi pa kita kilala, samantalang ikaw, alam mo na kahit mga katiting na detalye sa buhay ko. Maging bukas ka sa akin, sa nararamdaman mo, sa problema mo, sa kahit saan. Wag mong ipagkait sa akin ang mga bagay na gusto kong malaman." Hinalikan ko ang noo niya na nagpabago sa ekspresyon niya, unti-unting kumurba ang labi na nagpaaliwalas sa mukha niya.
"Ihahatid na kita." Sabi niya sa akin, papayag na sana ako pero tinignan ko ang oras ay mahuhuli na siya sa klase niya, samantalang ako, may twenty minutes pa ako bago ang klase ko.
"No, mauuna ka dahil mahuhuli ka na, bababa na ako." Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinawakan niya ang baba ko at tinungo palapit sa mukha niya.
"Wala bang goodbye kiss?" Matalas ko siyang tinignan ng nakangisi. Habang siya ay nakakagat labi habang taas-baba'ng tingin sa akin.
"Alam ko na mga tinignan mong ganiyan. Kaya tumigil ka," mas nilapit niya pa ang mukha niya at naramdaman ko ang paghawak niya sa beywang ko ng napakahigpit.
Dinampi niya ng marahan ang labi niya, at gumalaw ito. Habang ako ay sinabayan ko ang ritmo ng bawat galaw ng labi niya. Humaplos siya bigla sa hita ko at naramdaman ko ang amba niyang pagtanggal ng butones sa pants ko.
Umalis ako sa halik niya at hinampas ang kamay niya.
"Shhh behave! Mahuhuli ka na!" Bumuntong hininga siya ng napakalalim at sumuko na lang siya sa sinabi ko.
"Fine. Meet me here okay? May dadaanan ako mamaya, at susunduin kita dito." Tugon niya sa akin. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.
Umalis na ako sa kotse niya bitbit ang bag ko. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko si Gio bago pumasok sa loob ng campus.
Halos antukin ako sa paglalakad dahil mahangin, mapuno at tahimik. Kaya pinili ko rin ang CLSU dahil maraming puno, sariwa ang hangin at pag gusto mong mag isip, umupo ka lang sa isang bench, magiging payapa ang isip mo.
Sa paglalakad ko sa napakahabang pathway papunta sa room kung saan kami magka-klase. Isang napakaraming grupo ng mga lalaki ang makakasalubong ko kaya nailang ako ng konti.
Kaya habang naglalakad ako ay nakayuko ako sa sobrang hiya.
"Chelsea?!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang nasa harap ko ang napakaraming mga lalaki. Naka white long sleeve polo silang lahat.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Van na nakangiti sa akin, naka white polo long sleeve habang nakatupi hanggang siko niya at nakabukas ang dalawang butones sa dibdib niya at malinis ang buhok niya, mukhang naka spray net.
Ngayon ko lang siyang nakita na presentable ang itsura dahil kapag nasasalubong ko siya ay mukhang geng geng sa kanto na mukhang mamanyakin ka.
"Kilala mo?" Tanong ng lalaki sa gilid niya na nakahawak ng papel.
"Uh yeah Wilson, kakilala ko." Maayos niyang sabi habang nakangiti.
Mukhang ayos 'to ngayon ah, walang sapi.
"One of your girls?" Biglang sumulpot ang babae sa likod niya. May babae pala silang kasama hindi ko napansin kanina.
Nakita ko ang mahigpit na kapit ng babae sa braso ni Van. I guess babae niya 'to or girlfriend.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
