Kabanata 38

20 0 0
                                        

Kahel na langit

Pagkatapos ng lahat ng nakakapagod na ganap. Naramdaman ko ang pagbigat ng nararamdaman ko. Lahat ng mga kasama ko sa pageant ay nag-ayos ng mga gamit habang ang iba ay binabati ako sa pagkapanalo ko, na kahit pangalawa lamang ako ay maraming tao ang masaya sa pagkapanalo ko.

Pumunta na ako sa harap ng salamin at tinignan ko ang repleksyon ko doon. Nakasuot ng magandang damit na kailanma'y hindi ko ginawa. Nakasuot ng kolorete na parang hindi na ako ang nasa harap ko.

Bagsak akong umupo sa harap ng salamin at kumuha ng wet wipes, tinanggal ko ang mga kulay sa mukha ko, pilik mata at ang lipstick na masiyadong nagpapula sa labi ko.

Sana sa pamamagitan ng kolorete maitago ko ang tunay na nararamdaman ko, pero hindi. Kahit anong takip, sumisilip pa rin ang lungkot sa mga mata ko.

Walang pumunta kahit isa sa mga magulang ko. Walang sumuporta kahit sumilip lang sila saglit para makita nila kung gaano ako katapang na wala sila. Sa isang iglap parang nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Maraming tanong sa isip ko na masiyadong nagpabigat sa dibdib ko.

"Are you okay?" Isang baritonong boses ang narinig ko, at nakita ko ang anino ng lalaking kilala ko.

Gio.

"I'm good, why are you here? Pagabi na." Tinitigan ko siya saglit sa salamin pero hindi ko na kaya , masiyadong malalim ang mga tingin niya, kaya inabala ko na lang ang sarili ko pag-aayos ng gamit ko na binigay ni Psyche sa akin.

Nauna ng umuwi si Psyche dahil may dinner sila ng family niya. Kaya kahit ayokong pakawalan siya ay hindi ko na napigilan dahil nagmamadali siya. Bibigyan ko sana siya sa premyong napanalunan ko pero hindi niya tinanggap, mas kailangan ko daw ito.

"I'll help you, wala na si Psyche. Hindi mo kayang buhatin 'yan," walang emosyon niyang sabi habang palapit para tulungan ako "you look good with that hair style." Napahinto ako sa pag-aayos ng mga make up ko. Ito nanaman yung pakiramdam na parang nagwawala ang buong sistema ko. Habang siya ay abala sa pag aayos ng heels ko.

Paano niya nagagawang kumalma pagkatapos niyang sabihin sa akin yun. Habang ako dito namumula, para tuloy akong naka make up ulit.

Tumikhim na lamang ako habang nag-aayos.

"May after party daw sa Batangas mamaya, sasama ka?" Sinara niya ang ziplock na lagayan ng heels ko habang ako ay nakatingin sakaniya habang nag iisip.

"Pagod ako, magpapahinga na lang ako." Dahan-dahan siyang tumango at kinuha ang bag na malaki at sinukbit ko na balikat ko ang bag na puno ng make ups.

"Makakapagpahinga tayo doon, overnight tayo. We have room there nakapag reserve na ako." litanya niya habang naglalakad kami papuntang sasakyan niya.

I squinted my eyes while looking at him directly.

Tumaas ang sulok ng labi niya, at nagulat siya sa realisasyon sa sinabi niya.

"I mean. Your room, may matutulugan ka doon." Hindi mapakali ang mata niya dahil mas lalo ko siyang tinitigan para asarin.

Pumasok na kami sa sasakyan niya. At naramdaman ko ang malambot na upuan sa passenger seat niya at pumikit ng mariin.

Kailangan kong magpahinga, kumalma. Para mawala ang lahat ng nasa isip ko, masaya ako dahil nanalo ako kahit pangalawa lang.

Malaking tulong ang premyo para sa panggastos ko sa araw-araw. Pero nangingibabaw pa rin ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa hindi pagpunta ng magulang ko sa first pageant ko.

Pinalis ko ang isang butil ng luha ko na kanina pa gustong tumulo. Nakita ko ang pagtitig sa akin ng lalaking katabi ko ngayon na nakangiti ng maliit.

He tapped his shoulders.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon