Tagumpay
Dumating ang araw na pinakahihintay at pinakakatakutan ko. Ang unang hearing sa trial court. Pagpasok pa lang namin sa gusali, ang dami nang reporters. Nakakasilaw ang mga flash ng camera, at ang mga tanong nila ay parang mga kutsilyo na sumasariwa sa sugat ng nakaraan ko.
Naging usap-usapan ito sa lugar namin, isa ito sa mga pinaka malaking kaso sa kasaysayan ng lugar namin. Kaya mabilis na kumalat na parang apoy ang balita, na wala na si Papa.
Maraming nagalit kay Gio, marami ding sinisi si Papa. Dahil lumabas na ang katotohanan sa media, na si papa ang sinisisi sa pagkamatay ng mama ni Gio.
Marami na din akong nakitang content sa YouTube. Kinakalkal nila ang kaso ni Papa, at ang pagkamatay ng Mama ni Gio.
Nakasuot ako ng puting damit, at pinaresan ko ito ng black eyeglass.
Halos dumugin na kami ng mga media. Ang mga tanong nila na hindi ko na maintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita, at ang ingay ng pindot sa camera.
Sa loob ng courtroom, napakalamig. Ang amoy ng lumang kahoy at aircon ay humahalo sa kaba na nararamdaman ko. Naupo kami sa bandang harap-ako, si Mama, at si Russel na inaalalayan ni Van.
Maya-maya, bumukas ang pinto sa gilid. Pumasok si Gio, nakaposas, suot ang dilaw na t-shirt ng mga preso. Pagkakita ko sa kanya, biglang uminit ang buong katawan ko. Gusto kong tumayo at sugurin siya, pero pinigilan ako ni Van.
"Calm down, hindi ngayon ang oras Chel." Mariin akong umupo sa inuupuan ko. Parang gustong manakit ng palad ko. Gusto kong gumanti at lumabag na lamang sa batas.
Ang kapal ng mukha ni Gio. Nakatingin siya sa akin, hindi bakas ang pagsisisi. Sa halip, may tipid pa siyang ngiti na parang sinasabi niyang, 'Tignan natin kung sino ang mananalo"
"Tumayo ang lahat," sabi ng bailiff nang pumasok ang Judge.
Nagsimula ang hearing.
Ang prosecutor namin, si Atty. Ramos, ay matapang na inilatag ang mga nangyari. Hinayaan namin siyang sabihin ang lahat ng katotohanan.
Napahinga ako ng malalim, dahil sa mga palabas ko lang ito napapanood. Hindi ko akalaing ako na mismo ang nasa sitwasyon na ito.
Pero ang abogado ni Gio, si Atty. Villafuerte, ay kilala sa pagiging matalas magsalita at magaling magbaliktad ng kwento.
"Your Honor," simula ni Atty. Villafuerte. "Ang kliyente ko ay biktima lamang ng sirkumstansya. Isang gulo ang nangyari, at ang pagsaksak ay isang aksidente sa gitna ng pagtatanggol sa sarili. Hindi planado ang pagpatay."
Nanginig ang kalamnan ko. Nagkuyom ang mga kamao ko. Hindi ko maatim ang pag depensa niya sa isang mamamatay tao.
Gusto kong sumigaw ng 'Sinungaling' at tumutol sa sinasabi ng abogado sa kabilang panig, pero kailangang magtimpi, hindi ngayon ang tamang oras.
Tinawag si Russel sa witness stand. Pinilit niyang tumayo mula sa wheelchair at dahan-dahang lumakad papunta sa harap. Ang bawat hakbang niya ay halatang masakit, pero mas bakas ang determinasyon sa kanyang mga mata.
Tinitigan niya ako, maliit siyang ngumiti sa akin, at tumango naman ako sakaniya upang magbigay ng suporta.
"Ms. Hermion, maaari mo bang sabihin sa korte kung ano ang eksaktong ginagawa ni Gio Blanco sa oras ng krimen?" tanong ni Atty. Ramos.
Huminga nang malalim si Russel. Tumingin siya kay Gio, nang masama. "Nagulat kami, may lalaking nakaitim na humila kay tita, nagkagulo kami sa bahay dahil nakatutok na kay tita ang- ang kutsilyo sa leeg niya... Pinaluhod niya kami, agad naman kaming tinali, kami ni tita. Pero si tito... nagmamakaawa siya para sa buhay ko sa buhay namin ni tita. Pero si Gio, tumatawa siya. Sabi niya, 'Tapusin na natin 'to.' Pagkatapos, nanlaban si Tito, naghabulan sila sa labas. Hindi po 'yun aksidente. Sinadya niya 'yun." Halos manginig siya sa pag kuwento niya, gusto kong tumakbo at alalayan ang pinsan ko, dahil muntik na siyang matumba.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
