Nakaraan
Alas-onse na ng gabi nang makauwi ako sa unit namin. Pagbukas ko ng pinto, ang amoy ng lavender air freshener at ang mahinang instrumental music ni Arthur Nery ang sumalubong sa akin. Pero higit sa lahat, ang amoy ng kape, matapang at barako-na alam kong kay Van nagmumula.
"I'm home," mahina kong sabi, halos hindi na lumalabas ang boses ko.
Mula sa maliit naming dining table na ngayon ay punong-puno ng mga blueprints, scientific calculators, at makakapal na civil engineering reviewers, nag-angat ng tingin si Van.
Inalis niya ang kanyang salamin at hinilot ang tulay ng kanyang ilong. Kahit pagod ang mga mata niya, ang ngiting sumilay sa kanya nang makita ako ay sapat na para mabawasan ang bigat ng balikat ko.
"Welcome home," tumayo siya at sinalubong ako. Hindi niya ako hinayaang makalapit, siya ang lumapit para kunin ang bag ko at ang mabigat kong coat. "How was the assessment? You look like you just survived a turbulence."
"More like a hurricane," biro ko habang dahan-dahang tinatanggal ang 3-inch heels ko.
"My feet are screaming, love. Parang hindi na sila bahagi ng katawan ko kasi hindi ko na sila maramdaman."
Hinila niya ako sa sofa. "Sit down. Don't move. I'll get the water."
Habang hinihintay ko siya, napatingin ako sa paligid. Ang aming munting condo ay naging saksi sa pangarap naming dalawa. Sa isang sulok, ang vanity mirror ko ay puno ng mga post-it notes tungkol sa aviation terms, emergency codes. Sa kabilang sulok, ang mesa ni Van ay punong-puno ng mga formula at mga equations.
Bumalik si Van bitbit ang isang palanggana ng maligamgam na tubig na may konting salt at ang paborito kong iced coffee. Madalas niya itong ginagawa kapag masakit ang binti at paa ko, ang Epsom Salt, nag search pa daw siya kung paano pagaanin ang sakit ng paa ko kapag nagsusuot ako ng heels.
Lumuhod siya sa harap ko-isang posisyon na kahit kailan ay hindi niya ikinahiya basta para sa akin.
Ngumiti ako ng konti. Napakagaan ng taon na ito, dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"The Assessment Day was brutal, Van," panimula ko habang dahan-dahan niyang inilubog ang mga paa ko sa tubig. "The Group Discussion was the hardest part. May isa doon, sobrang dominant. Halos ayaw magpasingit ng opinyon ng iba. Gusto niyang siya ang bida sa harap ng recruiters."
"And what did Chelsea do?" tanong niya, habang sinisimulang masahehin ang mga binti ko. His hands were rough from drafting but surprisingly gentle on my skin.
"Naalala ko 'yung sinabi mo. 'Don't be the loudest, be the smartest.' Hinintay ko siyang huminga," natawa ako nang konti. "Noong tumahimik siya sandali, pumasok ako. I used my 'active listening' face. Sabi ko, 'That's a great point, however, considering our limited resources in this survival scenario, shouldn't we prioritize the collective safety over individual speed?'"
Tumigil si Van at tumingin sa akin, may halong paghanga. "And the recruiters?"
"I saw them scribbling something on their tablets habang nakatingin sa akin. Feeling ko, na-impress sila na hindi ako nakipag-away pero hindi rin ako nagpatalo. I stayed as a team player. Balanced lang."
"That's my girl. Hindi lang kasi ganda at talino ang hinahanap nila, kundi 'yung composure sa gitna ng pressure. Engineering is the same way, Love. Kapag may nagkamali sa site, hindi pwedeng magsisihan. Kailangan ng solusyon."
Pagkatapos ng Epsom Salt na ginawa niya sa paa ko. lumipat kami sa dining table. Kahit pagod, kailangan ko pang i-review ang CV ko para sa final interview bukas. Binuksan ko ang folder ko. Nandoon ang lahat-ang pagiging Magna Cum Laude ko, ang mga foreign languages na pinagpuyatan naming i-memorize ni Van, kahit na madalas ay nauuwi kami sa tawanan dahil sa accent ko sa Mandarin, at ang mga credentials ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
