Kabanata 37

18 0 0
                                        

Korona

Mula sa makapal na kurtina ng stage, tanaw ko ang pulang karpet na tinahak namin isa-isa kanina. Ilang oras na lang, may bagong kokoronahan. Pwedeng ako. Pwedeng hindi.

Ito na ang araw na kinakatakutan ko. Nakakakaba mang isipin pero nananatili pa rin sa puso ko ang pagliyab na gustong masungkit kahit na sa top three lang.

Pero isa lang ang malinaw, hindi ako pareho ng babaeng nag-audition tatlong linggo ang nakalipas.

Nakaupo ako sa isang sulok ng backstage, naka-robe, habang inaayos ni Psyche ang final touches ng makeup ko.

"Konting highlight sa cheekbones. Para pag tumama ang spotlight, mukha ka nang kumikinang na parang dyamante," biro niya, pero seryoso ang tingin niya sa mga mata ko. Mukhang siya pa ang mas kinakabahan kaysa sa akin.

Napangiti ako sa kaniya. "Kinakabahan ako," bulong ko, halos hindi marinig.

"Normal lang iyan. Pero look at you," nilapit niya ang salamin. "Tingnan mo 'yan. May laban 'yan."

Tinignan ko ng maigi ang mukha ko sa salamin.

Dati, ayokong tumingin sa salamin. Takot ang aking mga mata na makita ang sarili ko, hindi ko kayang pagmasdan ang itsura ko. Lagi kong inuukit sa isip ko na kaya kong manatili sa dilim. Baka pag nasa liwanag na ako ng kasiyahan, muling sumilip ang dilim. Puro sugat at peklat ang nakikita ko sa katauhan ko, sugat na walang dugo kundi sugat sa isip na iniisip na husgahan ako ng mga tao. Ngayon lahat ng bubog sa katawan ko ay tinanggal ko na at piniling maghilom na lamang.

Pero heto ako, lumalabas sa nakasanayan ko na nakakulong sa apat na sulok ng aking kwarto.

Bigla kong naalala ang lahat ng dinaanan ko, ang tensyon kay Van, ang mga pagkakataong muntik na akong umurong, ang daming luha sa practice room, ang pagod sa mga rehearsal, at siyempre, si Gio.

"Siya nga pala, asan si Gio?" tanong ko bigla kay Psyche, habang abala sa paglalagay ng lipstick sa labi ko.

"Hindi ko alam kung nasa audience siya," sagot ni Psyche. "But he left something for you."

Kinuha niya mula sa bag ang isang maliit na envelope. May nakasulat sa gitna ng sobre na "For strength. - G."

Binuksan ko ito.

Sa loob, isang maliit na polaroid ng headshot ko mula sa photoshoot. Binaliktad ko ito at nakita ko sa likod ng picture, ang sulat kamay niya.

"The moment you believed in yourself was the moment I fell harder. You can do it. Salamat kasi naniwala ka sa sarili mo na kaya mo. Nandito ako sa bawat laban na haharapin mo, maliit man o malaki. Good luck Dagat, Wash them all."

Naramdaman ko ang mga kulisap sa dibdib ko na parang gustong kumawala. Napahinga ako ng mabigat, kahit papaano ay may mga taong naniniwala sa kakayahan ko na lumaban.

Lumapit sa akin si Psyche at inabot sa akin ang casual wear na susuotin namin. Isang flowy shirt na may fringe na silver sa laylayan at isang ripped jeans pants.

Mabilis ko na sinuot ito dahil narinig ko ang host na malapit na magsimula within 5 minutes.

Lumabas ako ng fitting room na kurtina lamang na nakapaikot.

"Sit down Chelsea," utos sa akin ni Psyche at agad ko namang sinunod ito.

"Mukha kang anghel," sabi niya sa likod ko na sinimangutan siya.

"Ayokong mag mukhang anghel Psy, gusto ko yung kasing fierce ni Maleficient." Sabi ko at dagli naman niyang kinuha ang gunting sa bag niya na napatayo ako sa gulat.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon