Heavy
Ilang araw akong hindi makausap ng mga taong malalapit sa akin. Si Gio hinayaan niya akong mag-isip at magpahinga, hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sakanila na may isang taong gustong patayin ako o sila?
"Kung may problem ka, magsabi ka lang ah. Kung hindi ka pa ready ngayon, you can tell to me anytime." Hawak-hawak ni Psyche ang kamay ko at pinisil ko ito ng marahan, habang nakatingin sa mga mata niyang nag-aalala.
Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon sakaniya.
"Mauuna na ako, i have class pa, bye loveyaa!" Niyakap niya ako bago siya nawala sa paningin ko.
Hindi pa ako handa sabihin sa kanila, hanggang kaya kong sarilihin ito, titiisin ko. Kapag sinabi ko sakanila, mawawalan sila ng kalayaan na lumabas, magiging paranoid sila sa paligid nila. Ayokong sirain ang katahimikan ng isip nila.
Naglalakad ako sa mahabang pasilyo. Napahinto ako dahil may dalawang professor na inaalalayan ang isang lalaking magulo ang buhok at tila namamaga ang mata sa kakaiyak.
"Tulungan niyo ako, nandiyan na siya-
Bakas sa boses ang takot ng lalaki na inaalalayan nila. Nawala na lang bigla ang boses ng lalaki dahil pinasok ito sa isa sa mga room. Hindi ko alam bakit pumasok sa isip ko na pumunta sa tapat ng pintuan at tinapat ang tenga ko rito.
"Ano ang nangyayari hijo?" Isang boses ng matanda na lalaki. Isa yata sa mga guidance counselors.
"Nandiyan na si papa, huhubaran na niya ako." Nanginig ako sa narinig ko, hindi ko maisip na sariling tatay niya ang gagawa sakaniya ng kahayupan.
"Ginahasa niya ako habang tulog s-si mama." Nagtakip ako ng bibig ko, nangilid ang mga luha sa mata ko.
"S-sabi niya normal daw kasi tatay at kadugo ko siya. Nagsumbong ako sa pulis, pero hindi sila naniniwala, dahil lalaki ako, dahil ginusto ko daw 'to. Walang naniniwala sa akin." Humagulgol ang lalaki, gusto ko siyang yakapin, at saktan ang taong gumawa sakaniya nito at sabihing naniniwala ako sa lalaking biktima ng panggagahasa.
Narinig ko ang mga yapak palapit sa pintuan. Tatakbo sana ako pero huminto sila sa tapat ng pinto.
"Isusumbong natin? Malaki ang naitulong sa atin ni Mayor Gregor." Bulong ng isang professor sa kasama niya.
Nakakadiri, nakakasuka kung paano nila balewalain ang biktima ng karahasan.
Maraming biktima ang nananahimik dahil sa kasarian nila o sa estado ng buhay. Kapag wala kang kapangyarihan at pera, magbibingi-bingian sila sa boses mong nagmamakaawa.
Ang mga biktima ay nakakulong sa madilim na nakaraan, habang ang mga suspek na nasa taas at may kapagyarihan ay malaya pa rin. Men in power are protected, abuse is covered up. May karma does its thing and hunt those rapist, abusers for the rest of their lives, i hope even in the afterlife.
Tulala akong lumabas ng building, hindi pa bumababa sa utak ko ang narinig ko. Ang nararamdaman ko lamang ay lungkot at galit sa mga taong demonyo na kayang gumawa ng kahindik-hindik na hindi gawain ng normal na tao.
Sumakay ako ng bus, para isang sakayan na lang at diretso na. Pumwesto ako sa bandang bintana, iba ang nabibigay kalma ng pag-upo sa pwesto na ito. Sinandal ko ang ulo ko sa salamin na bintana, pinanood ko ang tubig na gumuguhit ng linya dito, kasabay ng pagguhit ng tubig dito, gumuhit na rin ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko lahat, ang takot na baka may mawala sa akin na miyembro ng pamilya, kaibigan o si Gio.
Halos dalawampu't limang minuto ay hindi ko namalayan na huminto na ang bus.
"Miss nandito na po tayo." Ngumiti at tumango sa konduktor. Hinablot ko na agad ang bag ko, at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
Storie d'AmoreSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
