Kabanata 51

5 0 0
                                        

Kasama

Sa loob ng maliit naming unit, may sarili kaming mundo ni Van. Tanging ingay ng libro at haplos ng tela ang naririnig sa condo namin.

Nakatitig ako sa salamin ng aking vanity. Suot ko ang aking fitting na white corporate blouse at pencil skirt na humuhulma sa bawat kurbada ng aking katawan. Inayos ko ang buhok ko into a sleek, tight bun-walang takas na hibla, walang labis, walang kulang. Sa tabi ng salamin, nakapatong ang folder na naglalaman ng aking kinabukasan, ang aking CV.

Chelsea Hillary Ferrer
Education: Bachelor of Science in Tourism Management, Magna Cum Laude
Languages: English, Filipino, Spanish, and basic Mandarin
Physical Specs: Height: 170 cm | Weight: 55 kg

Ito ang mga detalyeng magtatakda kung lilipad ba ako o mananatili sa lupa bukas sa Open Day ng isang premiere international airline.

Pero kahit gaano pa kaganda ang credentials ko, alam kong sa industriya ng aviation, hindi lang utak ang tinitingnan. It's the whole package. It's the poise, the skin, the confidence, and that elusive X-factor na hinahanap ng mga recruiters.

"Love, you're overthinking again," ang malalim at baritonong boses ni Van ang bumasag sa konsentrasyon ko.

Ngumiti siya ng maliit sa akin.

Lumingon ako sa kanya. Nakaupo siya sa sahig, napapalibutan ng mga makakapal na reviewer, blueprints, at mga scratch paper na puno ng complex calculations.

Hawak niya ang isang mechanical pencil, at kahit halata ang pagod sa kanyang mga mata dahil sa walang humpay na pagre-review para sa Engineering Board Exam, ang tingin niya sa akin ay nanatiling matalim at puno ng paghanga-parang ako pa rin ang pinakamagandang tanawin na nakita niya sa buong buhay niya.

"Kailangan ko lang masigurado, Van," sagot ko habang sinusuri ang balat sa aking braso sa ilalim ng maliwanag na ilaw. "The grooming check is brutal. Isang peklat, isang maling tindig, o kahit konting dry skin, pwedeng maging dahilan para ma-ligwak agad. I can't afford to fail."

Tumayo si Van. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang salamin at ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang mga libro. Ang bawat hakbang niya palapit sa akin ay tila may dalang kakaibang bigat at init. Huminto siya sa mismong likuran ko. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan na tumatagos sa manipis na tela ng blouse ko.

Ipinatong niya ang kanyang malalaking kamay sa aking balikat, at ang kanyang haplos ay isang parang bola ng apoy na humahalo sa lamig ng aircon sa loob ng unit.

"Then let's do a mock grooming check," bulong niya. Ang kanyang mainit na hininga ay tumama sa sensitibong balat ng aking batok, dahilan para kilabutan ako at bahagyang nanginig. "Ako ang magiging recruiter mo tonight. And trust me, I'm very meticulous."

Humarap ako sa kanya, sinusubukang panatilihin ang aking professional na tindig. "Seryoso ba 'to, Engineer?"

"Very serious, Future Flight Attendant," he smirked, his eyes darkening with a mix of focus and desire.

Nagsimula siyang umikot sa akin, tila isang leon na sinusuri ang kanyang nagiging hapunan.

"Postures... perfect," sabi niya. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mahaba kong likod, ang kanyang mga daliri ay bumabakas sa bawat vertebra hanggang sa maabot ang aking bewang para ituwid pa lalo ang aking tindig. Ang bawat dampi ng kanyang palad ay tila nag-iiwan ng apoy sa balat ko.

"Skin... flawless. Parang porselana," dugtong niya habang ang kanyang hintuturo ay gumuguhit ng invisible na linya mula sa aking balikat pababa sa aking braso. Huminto siya sa harap ko at itinaas ang aking baba gamit ang kanyang daliri. Pinilit kong huwag maputol ang eye contact. "The smile, Chelsea. Show me the smile that can calm a turbulent flight. The one that says everything will be alright even if the airplane is shaking."

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon