Kabanata 56

5 1 0
                                        

Nakaraan

May kung ano sa nararamdaman ko na galit sa kaniya, pero may lukso ng damdamin na pumipigil. Alam kong mali itong nararamdaman ko, kaya nandito ako sa probinsya para makapag isip ng maayos, at alamin ko kung ano ang gusto ko.

Nilinis ko ang plato ko, walang tirang kanin at ulam. Dahil bata palang ako ay tinuro na sa akin na wag magsayang ng kanin, dahil magsasaka ang mga magulang ko.

Dahan-dahan kong nilapag ang kubyertos ko sa ibabaw ng plato ko. Sumandig ako sa upuan at nakita ko ang dalawa na tahimik na kumakain.

Napahawak ako sa tiyan ko. Parang hindi yata ako makakalakad sa dami ng kinain ko.

"A-anak tapos ka na?" Nag-aalangang sabi ni Mama, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Opo, tapos na ako. Nabusog ako." Tumawa ako ng peke, dahil ramdam ko pa rin ang konting tensyon kanina.

"Kunin mo ang bukayo sa sa refrigerator anak, panghimagas natin." Tipid niyang ngiti sa akin, habang hinahawi ang ampalaya sa plato niya.

Tumayo ako ng mabilis, dahil bata pa lamang ako ay ito na ang binibili sa akin ni Mama tuwing linggo ng umaga.

Ito ay ang coconut strip na minatamis. Ito kadalasan bakit sumasakit ang ngipin ko noon.

Kinuha ko ang nakasupot na bukayo sa transparent na plastik at nilapag ito sa kulay kayumanggi naming lamesa.

Kumuha ako ng isang piraso. Bumalik ako sa inuupuan ko, habang binabalatan ang plastik ng bukayo.

Binuksan ko ito, umilaw ang mata ko, nakakatakam, bawat kagat ko dito ay nararamdaman ko na sumasabit sa ngipin ko, pero hindi ko alintana ito, dahil sobrang sarap.

Taste like childhood, and I can feel the nostalgic feeling.

"Ano pa lang pinunta mo dito. Bakit biglaan?" Biglang tanong ni Russel sa gitna ng pagkain ko.

Tumingin ako sa kaniya, agad ko namang iniwas ito. Naramdaman ko sa mata niya ang pang-aasar.

"I-i just want to rest. Ipahinga ang sarili dahil dalawang buwan akong naghahanap ng papasukan ko." Maliit na tinig na sabi ko sa kaniya.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. I shrugged. Gusto kong magsinungaling sa harap ng pinsan ko pero mukhang nahahalata ako. Alam niya ang lahat kapag may kinikilos akong hindi sang-ayon sa kung ano'ng gusto ko.

Tinulungan ko na si Mama sa pag-aayos ng pinagkainan namin.

"Ako na maghuhugas, magpahinga ka na muna."

"Ay hindi, doon ka na sa sala. Mag bonding kayo ng pinsan mo doon." Hinawi niya ang kamay ko, kaya nabitawan ko ang kulay dilaw na sponge sa mga daliri ko.

"Kung may iuutos po kayo, nasa sala po ako." Sabi ko sakaniya at niyakap siya sa likuran niya. Hinalikan ko ang pisngi niya, na siyang nagpangiti sa kaniya.

Naglakad na ako patungo sa sala. Maaliwalas na ang itsura nito, tila nakikisabay sa amin. Noong nawala si Papa, laging nakasara ang bintana at pintuan namin, dahil natatakot kami sa liwanag. Liwanag na baka pag nasilayan kami ng ibang tao ay kami ang sisihin sa lahat.

Dahil kami ang nagmukhang masama noong namatay si Papa. Deserve daw namin ang mamatayan, dahil ang mga magulang ko daw ang nagsimula ng kaguluhan.

Iwinaksi ko na lahat ng nasa isip ko. Habang patungo ako sa sala. Bigla ko na lamang narinig ng hindi sinasadya ang usapan ni Russel at ang kausap niya sa cellphone niya.

"Fuck you! Get lost, ayoko sa'yo. Isang gabi lang nangyari lahat ng 'yun, and besides you're not even big." Padabog niyang pinatay ang cellphone niya at humugot ng malaking hangin sa kawalan. Paharap na siya sa akin ng biglang humakbang ako paatras at nakayuko sa sahig habang tinititigan ang mga paa ko.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon