Kabanata 43

11 0 0
                                        

Betrayal

Hindi ko alam bakit dinadala na ako ng mga paa ko sa sasakyan pauwi ng bahay, tanging naramdaman ko lamang ay manhid sa buong katawan ko. Wala na akong maramdaman, tuyong-tuyo na ang mga mata ko. Kahit banggain siguro ako ng truck, hindi na ako papalag.

Isang linggo ang Intrams, isang linggo din akong nasa bahay. Pinapalista ko na lamang ang pangalan ko sa attendance sa isa sa mga medyo close ko na kaklase.

Naglibang ako sa bahay, ginawa ko ang mga magpapa abala sa akin, upang makalimutan ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Nakalimutan ko na rin ang meron sa amin ni Gio, kahit wala kaming maayos na hiwalayan, unti-unti na akong humihiwalay pero hindi rin mawala sa isip ko ang dahilan bakit bigla na lamang siyang nawala na parang bula.

Bumalik sa normal ang araw, natapos ang ganap sa University. Inayos ko ang sarili ko at naglakad na sa sakayan para pumunta na sa klase ko.

Magaan ang naging klase ko nitong mga nakarang buwan. Napahilamos na lamang ako sa mukha sa dami ng gagawin na pinauwi na pinauwi ng professor namin.

Konti na lang matatapos na ang 1st year. Konting pagtitiis na lang, malapit na akong matapos sa pag-aaral.

Inayos ko na ang mga gamit ko, patakip silim na, baka wala ng byaheng jeep. Dinalian ko ang pag aayos. Hinila ko na ang shoulder bag ko ng biglang sumulpot sa harap ko si Gio. Seryosong mga mata at walang emosyon ang hinarap niya sa akin.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Kahit na parehas lang kami ng pinapasukan na University ay miski anino niya ay hindi ko nakikita.

"Kumain ka muna." Inaabot niya sa akin ang paper bag na puti na may mga lamang tupperware.

Gusto ko siyang yakapin, gusto kong umiyak dahil miss na miss ko na siya, pero nangingibabaw ang galit sa nararamdaman ko at mga tanong na bumabalot sa utak ko. Lahat ng naramdaman ko noon, bumalik nanaman dahil nakita ko siya.

Bumalik siya na parang wala lang, na parang ganon na lang kadali na humarap sa akin.

Suminghap ako ng hangin dahil parang kakapusin ako ng hininga sa nararamdaman kong tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Busog ako. Wag ka ng mag-abala." Dumaan ako sa gilid niya para lagpasan siya at paalis na pero narinig ko ang malakas na dabog sa loob ng classroom.

"Ganiyan ka na ba ka desperada?" Madiin niyang sabi sa akin habang nakatalikod ako sakaniya.

Na-miss ko ang boses niya, lahat ng tungkol sakaniya miss na miss ko na.

"Dala-dalawa kaming lalaki mo, para kapag naghiwalay tayo may isang sasalo sa'yo?" Marahas akong humarap sakaniya, nakita ko ang mga nagkalat na ulam at kanin sa sahig.

Nakita ko ang matalim niyang mga titig sa akin.

Ang dati niyang mainit na pagtingin sa akin na nagpapakalma sa pagkatao ko. Hindi ko na maramdaman ito ngayon.

Alam ko ang tinutukoy niya, noong gabing muntik na akong magahasa sa mga kamay ng mga lalaking manyak noon. Doon dumating si Van. Siya ang nagtanggol sa akin, siya ang kasama ko noong punong-puno ng problema ang isip ko.

Hindi ito ang taong minahal ko, hindi niya ako ganiyan titigan. Lumambot ang mga mata ko, at agad na tumulo ang mga luha ko.

"Napaka emosyonal mo. Lahat na lang ba iiyakan mo para maawa sa'yo lahat ng taong nasa paligid mo?" He roared. Halos sumakit ang tenga ko, kasabay ng masakit na pitik sa puso ko.

"Gio.... let me explain," agad akong lumapit sa kaniya, pero tinaas niya ang kamay niya. Isang hudyat ng paghinto, isang hudyat ng pagsuko.

"Explain what? Na tama ang hinala ko? Ganiyan ka ba talaga, nilalandi mo lahat ng lalaki na napapalapit sa'yo?" Sabi niya ng diretsahan sa akin na may pandidiri. Nakatitig lamang ako sakaniya habang umiiyak, nagmamakaawa na tumigil na siya.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon