Chapter 7: Caffè Latte

213 51 11
                                    

Pabalik na sana si Carys sa loob nang tawagin siya ng isang babaeng sosyaling nagla-laptop na nasa katabing table lang ng pinaghatiran niya. "Excuse me miss, can I have some extra tissue?" pakiusap nito.

"Okay ma'am, I'll get you some. Just a minute." nagmadali siyang kumuha sa counter at binigay agad iyon pagbalik doon. "Here ma'am."

"Thank you and sorry for bothering. Hindi ko kasi maiwan itong laptop."

"No problem, ma'am. Enjoy your coffee." babalik na ulit siya sa barista kitchen nang muling may tumawag sa kanya.

"Carrie!"

Nilingon niya ito at sa paglingon niya ay papalapit naman ito. "Don?" anas niya.

Nagagalak na pinisil nito ang isang pisngi niya. "Akala ko ba hanggang 2 PM ka this month?"

"Ah. Actually nakauwi na nga ako eh, pinabalik lang ako kasi look, ang daming tao. May absent na dalawa sa shift na 'to." paliwanag niya.

"So, hanggang 9 ka? Ang lupit naman! 2 shifts?" nanlalaki ang mga mata nitong sabi.

"Sshh! Hinaan mo naman ang boses mo. Hanggang 8 lang naman. Half-shift, mga 4 naman nakabalik eh."

"Okay." huminahon ito, "Walang gig ang Zion mo?" kunot-noong tanong pa nito.

Nahiya siya. "Ano ba, sshh! Kailangan na rin ako sa loob, pumila ka na lang ha. Hindi pwede special treatment ngayon."

"Teka lang!" pigil nito nang nakahawak sa braso niya.

Lumingon siya sa counter, humahaba na naman ulit ang pila. "Ano?" kinakabahan siya baka biglang lumabas ang boss nila.

"Wala nga?" tanong nito ulit.

Pinaningkitan niya ito. "Wala."

Ngumisi ito. "All right! Basta ikaw ang gumawa ng sa'kin ah?" saka ito bumitiw.

"Kung sa'kin ba tatama ang order mo eh." sagot niya bago ito iwanan.

Dinig na dinig ng lima ang usapan nila. Sa tapat lang kasi ng mga ito sila nakatigil. Tahimik lang ang mga ito at nangingiting napasulyap kay Zion nang marinig na binanggit ang pangalan nito. Hindi naman nagpaalam na tumayo si Euno at iniwan sila, mukhang mahalaga iyong tawag.

"Tama nga ako na nakita ko na siya at sa gig natin 'yun!" pagmamalaki ni Kynon.

"Cool! Barista pala siya." komento ni Yeshua.

"You said you love coffee, 'di ba? Now you got a barista." tukso naman ni Eethan.

Ngunit wala silang nakuhang reaksyon kay Zion.

"But it seems taken na siya." si Suneil naman.

"Tingin ninyo 'yung guy na 'yun?" pasimpleng nilinga ni Kynon si Don na nakapila na.

"Yeah, understanding and supportive, isn't he?" dagdag ni Yeshua.

"Buti okay lang sa kanya, baka kung ako siya lagi kaming nag-aaway. Worse is mauwi pa sa break-up."

"He's not you, Kynon. Sadyang may ganyan lang talaga at seloso ka. 'Yun lang 'yon." si Yeshua ulit tapos binalingan si Zion, "Wala ka bang comment man lang d'yan, bro?"

Humigop muna ito sa tasa. "Let them be. Kung alam ba niyang 'yun ang nagpapasaya sa girlfriend niya."

"But I don't think they're in that kind of relationship." ani Eethan. "Baka close lang sila."

Napatingin ang apat sa kanya.

Kumunot ang noo ni Kynon, "Paano niyo naman nasabi 'yan, leader?"

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon