Chapter 39: Odd and Curious

114 30 3
                                    

"Hay naku, Lorei. Kung ano-ano naman 'yang pinag-iisip mo. Tara na nga sa loob." aya ni Carys.

Pagpasok naman nila ay patuloy pa rin ito sa pagbanggit tungkol dito. "Come to think of it Cas, palagi siyang nand'yan para sa'yo."

"He's just being a good friend to me. 'Wag na nating bigyan ng ibang kahulugan 'yon."

"Pa'no magiging walang ibang meaning 'yun sa'kin kung nahuhuli ko siyang malagkit ang mga titig sa'yo? 'Yung look na in love, girl."

"Lorei, enough. Aware ka naman about sa kinuwento kong bata pa lang siya, may nagustuhan na para sa kanya ang mom niya, 'di ba? At gusto iyon matupad ng dad niya."

"Eh bakit, nakita na ba nila? Hindi naman, 'di ba? I doubt na mahanap pa nila 'yun sa kakulangan ng information at lalo na wala naman na silang communication sa parents ng gurlaloo na 'yun."

Pansamantala silang nanahimik habang umaakyat sa ikalawang palapag patungo sa kwarto ni Carys.

"Nag-e-effort ba si Don sa paghahanap?" dugtong nito nang nakapasok na sila.

Napabuntong-hininga si Carys dahil ayaw tumigil ng kaibigan. "I think he is. Para sa dad niya." tinanggal niya ang black hooded cloak at sinabit iyon sa likod ng pintuan saka naupo sa kama.

Sumunod naman si Loreleigh at tumabi sa kanya. "Cas, hindi natin mapipigilan ang feelings. If tama nga ako sa hinala ko, hindi na niya bibigyan-pansin 'yung kagustuhan ng magulang niya. May tama na sa'yo eh."

"Lorei—"

Pinatong nito ang kamay sa kamay ni Carys na nakatukod sa kama. "Cas, look. Si Zion, kahit na may connection na tayo sa kanila, mahirap pa rin silang maabot. Oo, pinapakilig nila tayo at kaligayahan natin 'yon pero panandalian lang 'yon. Paulit-ulit lang nila tayong sasaktan sa katotohanan. Tulad nang na-witness mo 'di ba, noong may kasama siyang babae. May mga sariling mundo at pakiramdam din ang mga 'yon. Nai-in love rin sila. Ang masaklap lang, hindi sa atin. Mga hamak na taga-hanga lang nila tayo eh. Sa feelings kasi natin sila nabubuhay kaya kailangan rin nilang itago ang mga ganoong bagay."

Marahan siyang tumango at napalunok. "Alam ko naman 'yan pero bakit bigla mo 'tong sinasabi sa'kin? Nakakapanibago ka."

"'Cos I guess it's about time na pansinin mo ang mga nasa paligid mo. Busy tayo sa kakapantasya sa iba, may mga bagay tayo na pwedeng ma-miss." sa likod ng nakakakilabot nitong costume at make-up, makikita ang pagkaseryoso nito. "Hindi ko sinasabing tigilan na natin ito, wala namang masama eh kasi buhay natin ito pero ang sa'kin lang, pansinin mo rin ang mga nagpaparamdam sa'yo. Malay mo si Don pala ang totoong makakapagpasaya sa'yo."

Tinitigan niya ito nang makahulungan bago bumaba ang mga mata sa sahig.

"Casy, may gusto pa sana akong sabihin sa'yo."

Muli niya itong tiningnan. Hindi na siya nagsalita kundi hinihintay na lang na magsalita ulit ito.

"Nag-decide akong mag-abroad ulit." sabay iwas ng tingin sa kanya.

Natuwid ang likod sa pagkakaupo si Carys. Hindi niya ito inaasahang marinig.

"Biglaan eh. Nasa hospital ako nang tumawag ang dati kong agency na nagha-hire na raw ulit sa Dubai. Grinab ko na ang opportunity."

Napamaang at diretso lang ang tingin ni Carys sa pader at dahan-dahang tumango at yumuko.

"Kaya pasensya na, hindi na ako makakasama sa mga susunod na gigs."

Malalim ang hinugot niyang paghinga. "Expect the unexpected talaga, ano? Kaya rin pala walang texts ng mga nagdaang araw. Anyway, hindi ko mapigilan maging malungkot pero gusto mo 'yan eh. Gusto kong maging masaya ka."

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon