"Yes you, please come here." utos ng direktor kay Carys.
Tila nagkumpulan naman ang limang miyembro ng banda na parang may emergency meeting.
"Look at the camera."
Kumakabog ang dibdib niya sa kaba ngunit sinunod niya ito. Ano bang pinapagawa sa'kin? Napalunok siya.
"Okay, pwede na siya." tapos bumaling sa ilang tauhan, "I-briefing niyo siya kung anong mga gagawin niya."
"Po? Teka lang po, hindi po ako –“
"Please miss, kailangang-kailangan namin, hindi pwedeng ma-cancel 'to." pakiusap ng tinawag kanina ni direk. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanila.
May lumapit na isa pang babaeng may bitbit na vanity kit. "Pwedeng makita kung anong suot mo kanina?" tanong nito.
"Nasa locker po. Bakit po ninyo tinatanong?" pagtataka niya kahit na hindi pa rin siya nilulubayan ng kaba.
"Hindi dumating ang lead talent na napili namin kaya ikaw ang biglaang kapalit." paliwanag sa kanya ng nauna. "Ikaw ang sinuggest ng asawa ng band manager at unanimous decision naman."
"Ano po!? H-hindi naman po ako artista. Hindi ko po kaya ang ginagawa nila. Ni hindi rin naman po ako maganda." napaatras siya.
"Ay oh? Hindi mo pa nga nasusubukan eh. At simple ang ganda mo, 'neng. May mga gandang nakakasawa rin kasi, you know. May nakita rin sina direk sa'yo kaya napansin ka rin kaagad." wika ng may dalang kit.
"O siya, magpalit ka muna sa isa mong damit." sabi ulit ng isa.
Lumalim ang paghinga niya pero sinunod din ang sinabi ng babae.
"Carys! Naku, artista ka na! Galingan mo!" udyok ni Malene habang tuwang-tuwa naman si Mikki.
"Hindi ko alam ang ginagawa ko. Sumasakit pa yata ang tiyan ko." sabi niya.
"Butterflies in the stomach lang 'yan. Magbihis na dali!" excited pa si Malene.
"'Wag nga kayong ganyan. Baka mahimatay na lang ako doon mamaya."
Naka-cargo shorts na light brown at plaided three-fourths na iba't ibang shades ng yellow na siya pagbalik niya.
"Ayos naman pala ang outfit mo eh." tapos ni-lead siya ng dalawang staffs na iyon sa maliit na tent na nasa labas.
"Sigurado po kayo dito? Baka ma-disappoint lang po kayo sa akin. Hindi po ako sanay humarap sa camera." nanginginig ang boses niya.
"Hindi mo namang kailangang humarap sa camera eh. Sundin mo lang ang sasabihin ko. Kaya mo 'yan." sabi ng unang babae tapos tumingin sa pangalawang may bitbit na vanity kit, "O, simulan mo na siyang make-up-pan habang nag-i-explain ako sa kanya."
Tumango naman ang pangalawang babae saka bumaling sa kanya. "'Lika, upo ka na dito."
......
Pumasok si Eethan sa tent para kausapin daw sandali ang nagbi-briefing kay Carys. Pagkatapos ng pag-uusap, lumabas ang babae habang nagpaiwan naman si Eethan. "Cas, we're happy na makakasama ka namin dito."
Napakurap siya ng ilang beses. "Bakit ako? Wala akong experience sa mga ganitong bagay, kuya."
"Magkakilala pala kayo?" tanong ng make-up artist.
"Yeah, our favorite barista and friend." tugon ni Eethan.
Wow! Friend daw? "Actually po, fan lang talaga nila ako."
"Well, 'yun ang una naming pagkakakilala sa kanya. Maiwan ko muna kayo at babalikan ko muna sila ah." tinutukoy ang mga kabanda.
"Sige po, salamat."
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficción GeneralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...