Chapter 30: Restrained

136 36 9
                                    

Nabigla siya sa pagsagot ni Zion subalit hindi na lang niya masyadong pinansin iyon. "Don, okay lang. Igagawa ko na lang muna sila bago tayo lumabas." sabi na lang niya rito tapos humarap siya kay Yeshua, "Sige, hintayin n'yo na lang." saka tumungo na sa kitchen.

"Yeshua, Zion, bakit naman inistorbo niyo pa si Carys? Doon dapat kayo sa counter umo-order." mahinang saway ni Euno.

"Pasaway rin kayo eh. Hindi pa oras ng trabaho niya." dagdag ni Eethan na umiiling.

Kapwa napayuko ang dalawang pinagsabihan.


"Oh, iniwan mo na rin pati si Don?" takang tanong ni Rye nang pumasok siya.

"Nag-request kasi si Yeshua ng Latte sa'kin."

"Oh? Eh pwede namang ako ang gumawa?"

"Ugh, oo pero nakakahiya rin naman kasing tanggihan ko at papuntahin na lang dito. Alam nga naman kasi nilang ito ang trabaho ko."

Lumaylay ang balikat nito, "Baka naman hindi nila gusto ang gawa ko..."

"Hindi gan'un. Kararating lang ng dalawang 'yon. Baka akala lang nila nakikipagkwentuhan lang ako d'un."

"Oh..."

"Hayaan mo na, dalawa lang naman 'to eh. Tapos lalabas muna kami ni Don. Babalik ako after 30 minutes or less ha?" sabi pa niya habang sinisimulan na ang paggawa sa Latte.

Ngumisi ito nang nakakaloko at nagkibit-balikat. "Okay."

She sighed as she shook her head. "'Yang iniisip mo ha."


"Okay, heto na ang dalawang Latte." Nilapag na niya ang mga tasa mula sa bitbit na tray. Nang inilalagay na niya ang para kay Zion sa tapat nito, mahinang nagsalita ito na para bang sa kanya lang pinaririnig, "Sorry, Cas."

Tiningnan niya ito at nginitian. "Okay lang." saka naman siya tumingin sa mga nauna sa kanila, "Kayo po manager at Kuya Eethan, baka may gusto pa po kayong ipadagdag?"

"Ugh, wala na. Pagpasensyahan mo na ang dalawang señorito, Carys." ani Euno.

Tumawa siya nang mahina, "Okay lang po, manager. Nandito rin naman lang po ako eh. Kung wala na po kayong kailangan, aalis na po ako."

Tumugon lang ng pagtango sina Eethan at Euno.

"Carys, pasensya na ha." nahihiyang pahabol ni Yeshua.

Nginitian niya rin ito at tinanguan saka lumakad na para ibalik ang tray sa counter. Pagkatapos, sinenyasan na si Don na okay na at pwede na silang lumabas. Agad namang tumayo ito.


"Kaya nasasanay ang mga 'yun kasi pinagbibigyan." pabulong na reklamo ni Don.

"Hindi ko maintindihan kung bakit parang nangngingitngit ka sa kanila. Isyu pa rin ba 'yung last encounter mo kay Zion?" bulong rin niya.

Ngumibit ito.

Siniko niya ito. "Move on na tayo r'un. Ang tagal na rin n'un eh."

Palabas na sila nang makasalubong naman nilang papasok ang boss niya. Kitang-kita ang abot-tengang ngiti nito nang makita si Don.

"Oh hi! Saan kayo pupunta?" wika nito at napako ang tingin kay Carys na tila may ibig sabihin.

"Diyan lang po kami sa labas saka pabalik na rin naman ako sa office." tugon ni Don.

"Ha? Bakit pa kayo lalabas? Diyan na lang kayo sa loob oh." may lambing sa boses nito.

Naalangan na si Carys kaya kinumbinsi na lang niya si Don na manatili na lang muna sa cafe hanggang bumalik siya. Wala rin naman itong nagawa kundi pumayag na lang.


Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon