Sa Park na kaagad dumiretso si Carys pagkaalis ng coffee shop. Gaya ng mga nakaraan doon na niya hinintay si Don, sa madalas niyang upuan na bench. Mabuti na lang at lagi niya rin itong natityempuhang bakante. May isang oras at mahigit pa siyang palilipasin kaya inilabas niya ang kanyang earphones at nakinig sa music player sa phone niya. Binuksan niya rin ang mobile data para makapag-twitter rin muna. Naaaliw naman siya sa mga tweets at nire-retweet sa timeline niya. Matapos ang humigit-kumulang na sampung kanta, nag-post din siya na hango sa lyrics ng kasalukuyang nagpi-play.
Carys @crayisme
I hear the beat of my heart getting louder whenever I'm near you...🎧 But I see you with him slow dancing
Tearing me apart 'cos you don't see
Whenever you kiss him I'm breaking
Oh how I wish that was me 🎧Matamlay siyang nakangiti habang nakatingin sa kawalan dahil sa loob-loob niya ay nakaka-relate siya sa kantang iyon.
"Malalim ang iniisip." Eksaktong narinig niya iyon dahil natapos na ang kanta.
"Oh! Nandito ka na pala." nabigla pa siya nang makita itong nakaupo na sa tabi niya. Tinanggal na niya ang nakasukblit sa tainga bago pa tumugtog ang susunod na kanta. In-out na rin niya ang app at ipinasok na sa bag ang mga gamit na iyon.
"Okay ka lang ba?" tanong nito na matamang nakatitig sa kanya.
"Oo naman!" takang tiningnan niya ito.
Marahang tumango si Don na may sandaling pagpikit. "Ready ka na sa Tex-Mex foodtrip natin?" saka ngumiti ito.
"Push!" malapad ang ngiti niyang tugon.
Tumayo si Don at nilahad ang kamay para alalayan siyang tumayo na rin.
Malugod naman niya itong tinanggap at nagsimula na nilang lisanin ang lugar ngunit natigilan siya nang may mapagtanto. "Saan pala tayo pupunta? Eh wala nga pala akong alam na Tex-Mex na kainan dito?"
Ngumisi si Don at marahan siyang hinila. "Nakahanap na ako. Meron sa mall malapit dito. One ride away lang naman."
Napangisi na rin siya at siniko ito. "Bilib na talaga ako sa'yo. Lagi kang handa."
"Gan'un talaga dapat. Nga pala, ako na ulit ang bahala ah."
Kumunot ang noo ni Carys at tumigil ulit sa paglalakad. "Wuy! Ikaw na lang lagi ang nanlilibre. Ibalato mo naman sa akin 'to." protesta niya.
"No. Remember 2nd prize ako sa Best in Costume? Dahil 'yun sa'yo." sabay akbay nito sa kanya.
"Bakit? Ako ba ang gumawa ng costume mo?"
Lumipat ang braso nito sa may leeg ng dalaga na animo'y sinasakal ito. "Ayos ka rin ano? Hindi gan'un!" tapos muling ibinalik ang kamay sa balikat. "Hindi naman ako pupunta r'un kung hindi dahil sa'yo."
"Pero –"
Itinaas nito ang hintuturo sa kabilang kamay malapit sa bibig niya dahilan para tumigil siya sa pagsalita. "Sshh! Wala ng pero-pero."
......
Hapo na inihagis ni Carys ang sarili sa kama. Pagod man pero hindi niya pa gustong matulog kaya bumangon siya para buksan ang Wi-Fi. Ilang saglit lang ay tumunog ang notification niya sa twitter. Nakita niya agad ang mga tagged photos ni Don mula kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...