"Pupuntahan ko siya." Tumayo si Kynon at nagsimulang lumakad patungong hagdan.
"Hayaan mo na lang siguro sila." pigil dito ni Eethan.
"What do you mean? What they might be doing?" naalarma si Loreleigh. Nakainom nga siya pero alam niyang nasa tamang pag-iisip pa siya.
"What are you thinking then?" gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi ni Yeshua.
Binatukan ito ni Eethan na ikinagulat niya. "Zion's a good guy. He won't do anything like that, Lorei." paninigurado nito.
"Unless Cas provoke him." sabat muli ni Yeshua at hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi nito.
Sinamaan ito ng tingin ni Lorei. "Cas isn't that type of girl either."
"Hey! Nagbibiro lang naman ako. Easy!" bawi nito.
"By the way leader, did Zion tell you kung aling room ang ipapagamit kay Lorei?" singit ni Suneil.
"Ah, don't mind me. I'm fine here in the living room." aniya.
Nagpalitan ng tingin ang mga binata na para bang naghihintayan ng sagot kung papayagan iyon.
"B-bakit?" takang tanong ni Lorei.
"Uhm, dito rin kasi kami natutulog every time we stay here." Suneil voiced out.
"Oh..."
Kumibit-balikat si Eethan. "Anyway, okay lang naman kung sama-sama tayo eh. Wala namang problema." then he sat next to Lorei on the sofa. "Pero, are you sure na ayaw mo sa guestroom?"
"Yes." mabilis niyang tugon.
Saka lang napansin ni Eethan na nawala na si Kynon, na tuluyan na pala itong umakyat nang hindi nila namamalayan. Napailing na lang ito.
......
Ininspeksyon ni Kynon ang dalawang guestroom ngunit wala naman ang mga hinahanap doon. He curiously proceeded to Zion's bedroom and unhesitatingly twisted its doorknob which fortunately, it was unlocked. Maingat niya itong tinulak sa tamang awang na makakasilip siya. Nakita niyang tulog na nakasandal sa headboard si Zion at bumaba ang tingin sa kama, kay Carys na maayos na nakahiga. Umarko ang kanyang kilay sabay ng pagsingasing. "Binabantayan pang matulog eh natutulog rin naman..." bulong-bulong niya habang dahan-dahang sinarang muli ang pinto.
Habang siya ay bumababa, lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Nahihiya siyang nagkamot sa ulo. "Tulog na si Kuya Zion. Mukhang nakatulog sa pagbabantay." nakangisi niyang balita.
"Kahit kailan talaga, Kynon. Lahat na lang inaalam." komento ni Yeshua.
Napanatag si Loreleigh. "By the way, bakit nandito kayong lahat pala?" usisa niya bigla.
"Ah." sumandal muna si Eethan bago magpaliwanag. "Madalas kaming nandito pero madalas rin naman sa bihira na natutulog kami rito." tapos ay bumungisngis. "Like for instance, 'pag trip naming mag-inuman since iniiwasan nga naming mag-bar, or kapag nagre-rehearse kami. Si Zion kasi ang may pinakamalaking bahay among us and what we like the most, may sarili siyang studio. Wala pang maiinis sa amin dito."
Tumango-tango siya, "I see. So balak n'yo sanang mag-inuman pala dapat?"
"Well, that was the plan." Kynon blurted as he sat on the vacant gray long chair near the stairs. "'Yun pala nag-solo na somewhere ang hinihintay namin. 'Di man lang nagsasabi."
"Naghintay talaga kayo hanggang makauwi siya eh? Bakit, hindi n'yo tinawagan ba?" pero kay Eethan nanatili ang kanyang tingin.
"Hindi niya ugaling sagutin ang tawag namin though minsan trip niya, depends on his mood or unless it's still daytime and he knows may schedule kami. Uuwi at uuwi naman kasi 'yang si Zion eh. Now, I wonder why he went there." referring to the bar.
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Fiction généraleNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...