"Ano sis, ayos lang ba 'tong suot ko? Ang hitsura ko? Itong make-up ko? Maganda na ba ako? Ano pa ba sa tingin mo ang kulang?" sunod-sunod at natatarantang tanong ni Loreleigh kay Carys habang sinisipat ang sarili sa salamin at inuunat-unat ang plain lilac sleeveless top at navy blue skirt na abot hanggang tuhod.
Hindi na mabilang kung ilang beses na siyang namuntong-hininga. "Ano ba sis, hinay. Huminahon ka nga." umiiling na muling bumaling si Carys dito. "Maganda ka na, okay? Alam mo kung ano'ng kulang?"
"Ano nga?!" animo'y nawalan ng pasensyang pinagtaasan siya ng boses nito.
Napangiwi siya. "Sabi ko huminahon ka 'di ba?"
Ngumuso ito, "Ano nga kasi?" hinila-hila pa nito ang braso niya.
"'Yung pagkakalma ang kulang, nakakawala ng poise 'yang pagpa-panic. Saka look, nai-stress ka na rin, magmumukhang haggard ka agad sige ka."
Pumikit ito at humugot ng malalim na paghinga. "Oo nga. Tama, tama." sabay paypay sa sarili gamit ang mga kamay. "Pero sa tingin mo ba magugustuhan na niya ako?"
Tumikhim siya. "Relax. The fact na niyaya ka niyang lumabas is enough reason. I'm not saying na hindi ka niya magugustuhan, ha? Don't get me wrong. Maganda ka. But then, bakit magyayaya ang isang lalaki kung hindi niya gusto ang niyaya niya, 'di ba? Dahil lang ba aalis ka? No, I don't think so sis."
"Pa'no kung dahil lang fan niya ako?" tumamlay ang tono nito bigla.
"Hmm..." tumango-tango siya, "Pwede. Pero kung ganyan, sana marami na tayong narinig na dini-date ng celebrities ang fans."
Napangiti naman ito sa tuwiran niya.
"Kaya 'wag ka ng ano riyan. Alam kong pinangarap mo rin 'yan. Ngayong nangyayari na, enjoy the moment. Masaya ako para sa'yo. Nakakainggit ka nga eh." tapos humibi siya.
Sabay sinimangutan siya nito at namewang. "Pinagsasabi mo riyan? Aba, ilang beses mo na ngang nakasama si Zion nang solo ni kung saan na nga kayo nakarating. Anong kinaiinggitan mo sa'kin? Manahimik ka nga! 'Wag ako ha! Bruhang 'to."
......
Hindi sa kalayuan, natanaw kaagad ni Loreleigh si Eethan na nakaupo at pansin niyang pasimpleng nagmamasid sa paligid. "Hala? Nandito na siya. Naiinip na kaya siya?" sa isip niya. Nabigla pa siya nang napatingin ito sa kinatatayuan niya. Agad itong ngumiti at tinaas ang kanang kamay para kawayan siya.
Humahangos-hangos na nilapitan niya ito. "I'm sorry. Pinaghintay ba kita ng matagal?"
Nakangiting umiling ito at tumayo. "Nakahinga nga ako ng maluwag dahil nauna ako. Hindi kasi dapat babae ang pinaghihintay kaya you shouldn't be sorry." inabot nito ang bouquet na nakapatong pala sa kandungan nito.
"Oh..." Napakagat-labi siya subalit walang pag-atubiling tinatanggap iyon. Halo-halong bulaklak ang mga ito pero white roses at carnation lamang ang alam niya sa mga ito. Maganda ang kumbinasyon nitong may puti, lila at kulay rosas. "Thanks, Eethan." pagkuwa'y inamoy pa ang mga ito.
Nakangiti pa rin ito at dumiretso sa tabi niya upang ipaghila siya ng upuan. Inumwestra nito ang kamay hudyat na pinapaupo siya.
"Salamat ulit." hindi rin maalis-alis ang ngiti niya, hindi maitago na kinikilig. "Uhm, ang aga mo palang dumating?"
Sandali itong sumulyap sa relo. "Ikaw nga rin, may halos twenty minutes pa bago sa usapan nating oras. Mabuti na lang talaga na nauna ako." natatawang humawak ito sa batok.
"Hindi kaya niya iniisip na excited ako?" sa loob-loob niya. Hindi na rin niya alam ang sasabihin kundi dahan-dahang tumango na lang siya.
"By the way, you look stunning tonight." puri nito.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficção GeralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...