Chapter 48: Dilemma

83 25 1
                                    

"Ma'am Roxanne?"

"Carys! Good to see you, hindi kami lately nagagawi sa cafe. Napapadalas kasi overtime ko. At nga pala, nandun ang asawa ko sa car. Kasusundo lang sa'kin."

"Oh, eh teka po, baka po mamaya ma-ticket-tan naman po si sir n'yan?" nag-aalalang luminga-linga siya sa paligid. Baka kasi may nakabantay.

"Kaya nga nagmamadali ako. Please sumabay ka na sa amin. I have something to say to you. Sasabihin ko while we're on the way. We're gonna send you home. And look," tumingin ito sa mga nag-aabang at dumadaang jeep, "rush hour. Punuan kaya matatagalan ka rin bago makasakay."

"The boys have gig tonight, 'di ba po? Baka naman ma-stuck po kayo sa traffic lalo." she reasoned.

"Okay lang 'yun. Maaabutan namin 'yun kaya tara na." sabay hatak nito sa kanya papunta sa kotse.

Agad niyang binati si Euno nang makapasok siya. "Good evening, sir."

"Good evening din sa'yo, Carys." bating nakangiti nito sa kanya.

......

"Sino ba 'yung kausap mo kanina sa phone?" tanong ni Yeshua kay Zion habang nasa byahe na sila.

Walang emosyong tinignan lamang siya nito.

"Dalawa lang naman ang naiisip ko kung sino." sumingit si Kynon na naglalaro sa gadget ni hindi man lang nag-abalang tignan sila.

"Pwede ba tantanan niyo muna si Zion." malumanay na saway ni Eethan.

"Okay lang 'yan, Zion. She's gonna be okay." sabi naman ni Suneil na ikinakunot ng noo ng mga kasama. Alam niya na kasi kung sino iyon. Tatawagin na niya sana ito para maghanda na sa pag-alis nila nang hindi niya sinasadyang marinig nang mabanggit ni Zion ang pangalan ng kausap kaya hinayaan niya muna ito at umalis nang hindi pa rin siya napapansin.

......

Naibaba na ng mag-asawa si Carys sa tapat ng bahay nito. Mabuti na lang na hindi kumain ng mahabang oras ang paghatid ng mga ito sa kanya kung hindi ay nakakahiya iyon.

"Salamat po talaga Ma'am Roxanne at Manager Euno." muling sabi niya bago isara ang pinto ng kotse.

Tinanguan siya ni Euno habang si Roxanne ay animo nakikiusap ang hitsura at tinig. "Pag-isipan mo ang sinabi ko ah."

"Opo ma'am, tawagan ko na lang po kayo. Salamat po ulit. Ingat po kayo sa daan." nang ngumiti at tumango ang mga ito saka na niya tuluyang sinara ang pinto. Hindi man niya aninag ang mga ito sa loob, kinawayan niya pa rin ang mga ito habang papalayo.

......

Kinabukasan, naghahanda na si Carys sa muling pag-stay ni Loreleigh sa kanila. Nilinis niyang mabuti ang kwarto, pinalitan ang kubre at mga kurtina. May activities na naman sa eskwelahan ang mga estudyante ng kanyang ina kaya mag-isa na naman siya sa bahay. Halos magtatanghalian na nang dumating si Loreleigh, saktong naiayos na niya ang lahat at nakabili na rin siya sa labas ng maiuulam. Gahol na rin kasi kung magluluto pa siya saka ang totoo, hindi naman siya magaling sa pagluluto.

"Tara at kumain na muna tayo. 'Tsura mo oh, hindi halatang pagod na pagod at gutom na gutom ka na." biro niya rito.

"Sobra sis." pinapaypay nito ang kamay sa sarili.

Bumaba ang tingin niya sa mga bitbit nitong bag. Isang malaking backpack at malaking tote bag lang naman. Natatawa niyang ibinalik ang tingin sa kanya. "Hindi ka naman siguro maglalayas, ano? Dala mo yata buong bahay niyo eh."

"Sobra ka naman. Mga importanteng bagay kaya ang laman ng mga 'yan." mabilis na katwiran nito.

"Oo na, oo na." inabot niya ang tote bag at inilapag sa sofa, ganoon rin naman ang ginawa nito sa backpack. "Hindi ba nanakit ang likod mo d'yan?"

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon