Nagsimula na nga si Carys sa bago niyang schedule. Masaya naman siya, nanghihinayang lang na hindi ito napaaga ng ilang araw. Ipinagtataka rin niya kung ano ang nagpabago sa isip ng kanyang boss ngunit hindi na niya dapat iyon iniisip pa, pero kung ano man iyon, ipinagpapasalamat niya iyon.
Hindi muna siya nagbubukas ng twitter account. Gusto niyang palipasin pa ang ilang araw. Sa ibang salita, hinihintay pa niya ang sariling maka-get over.
........
Umpisa na ng semestral break ni Mikki kaya Monday to Friday na kung pumasok ito. As a part-timer pa rin at sa loob lang naman ng dalawang linggo.
"Haaay Ms. C., ang saya-saya ng gabing iyon. Thank you po talaga at isa ako sa mga binigyan ninyo ng passes." Buong hapon na yata siyang kinukwentuhan nito kapag may pagkakataon simula nang pumasok ito. Taliwas kina Rye at Malene na kahapon pa sana nagkwento pero hindi nila ito masyado bukambibig. Marahil inaalala nila na baka malungkot lang siya lalo.
May sandaling gusto na niyang tapalan ang bibig nito matigil lang. Naiinggit lang kasi siya subalit hinayaan niya ito at nakikinig na lang dahil ayaw naman niyang ma-spoil ang kasiyahan nito. "Naku, kay Sir Eethan ka magpasalamat, 'wag sa'kin."
"Malaki pa rin po ang part n'yo. Hindi naman po mangyayari 'yon kung hindi dahil sa'yo eh."
Nagkibit-balikat siya. "Sharing of blessings lang naman." saglit siyang ngumiti.
"Kaya po nagpapasalamat ako."
"Okay. Sige na nga, wala 'yun."
"Mikki, pahatid naman nito sa table 2." pasuyo ni Rye.
"Ah! Okay po Sir Rye." maingat nitong dinala ang tasang nakapatong sa platito.
Pag-alis ni Mikki, nilapitan naman ni Rye si Carys. "Okay ka lang ba? Ang daldal ngayon ni Mikki."
Nginitian niya ito. "Ayos lang naman, sa mga mall tour pa lang kasi siya nakakapunta. First time niya sa gan'ung event kaya hayaan mo na."
"Oh? Kaya nga siguro..."
......
Dahil nga sembreak na, gala roon at gala rito si Kennah pero nagiging paboritong tambayan na nito ang Bru Beans kapag hindi kasama ang mga kaibigan. Nakita ito ni Carys nang palabas siya para mag-lunch. Mag-isa lang at siya ang huling nag-break dahil hindi naman sila pwedeng magsabay-sabay nila Rye. "Oh, nagkita tayong muli. Musta na?" bati niya rito.
"Wala na pong pasok eh, kaya samantalahin rin 'pag may time." ngisi nito.
Tumango siya. "Sige, lalabas muna ako. Nagugutom na ako eh." paalam niya agad dito.
"Oh? Hindi ka pa po nagla-lunch? Late na po ah?" kunot-noong sabi nito nang may pagturo pa sa relo.
"Gan'un talaga eh." tumawa siya at tumuro naman sa pinto, "Alis na ako ah." saka dumiretso na sa paglakad.
Napatitig ito sa kanya bago siya tuluyang makalabas. Hindi nito napansin noong una, nang bigla itong may maalala, saglit itong napatigagal. Nang makabalik sa diwa, agad itong napatayo at lumabas rin ng cafe. Tumanaw ito sa magkabilang direksyon at kung saan natanaw ang pigura ni Carys, humabol ito.
"Ate Carys! Sandali lang po!" sigaw nito.
Lumingon si Carys nang marinig ito. "Oh? Bakit?" namilog ang mga mata sa gulat.
Hinihingal itong huminto sa harapan niya at nang makabawi na ng hangin, tinitigan siyang muli nito. Napanganga ito at nanlaki ang mga mata, "Tama! Ikaw nga!" bulalas nito.
"Ha? Ang alin?" pagtataka niya at bigla siyang kinabahan. "Anong ako nga?"
"Ikaw 'yung kasama ni Zion sa music video!" mabilis na pagkakasabi nito.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficción GeneralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...