Chapter 44: Insulted

102 27 6
                                    

Mahigit kalahating oras ang nilakbay nila patungo sa bahay nina Carys. Pasalamat siya na bentaha sa motorsiklo ang nakakalusot sa matitinding trapiko. Buong byahe pa siyang kabado dahil kapag nakita sila ng kanyang mga magulang na magkasama ni Zion ay tiyak mahaba-habang paliwanagan ang kailangan niyang paghandaan. Nang nagtanong siya ng oras sa binata kanina ay iyon ang mga oras na nasa byahe na ang mga ito papuntang eskwelahan. Palaging hinahatid ng kanyang ama ang kanyang ina pagkatapos ay simula na ng pasada nito. Ipinagdarasal niyang sana ay hindi nagpa-late ang mga ito para lang mahintay ang pag-uwi niya. Kung bakit ba naman hindi ko muna pala sila tinext. Ngunit nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang nakakandado na ang kanilang pintuan. Doon na siya nag-text na nakauwi na siya at aalis din ulit para pumasok.

"Zion, salamat ha? Ingat ka pabalik." hindi siya makatingin dito habang binibigkas ang mga salitang iyon.

"Hihintayin kita. Dito lang ako."

Pilit man niyang iwasan itong tingnan ay napatingin siya dahil sa sinabi nito.

"Ayaw mong mapag-initan ng boss mo, 'di ba? Look at the time." tumuro pa ito sa relo, "Yes, late ka na pero mas lalo kang male-late pa, mahirap sumakay, heavy traffic din kaya ihahatid na kita."

Lumiwanag ang mukha niya sa narinig. Gusto niya itong yakapin subalit hindi niya magawa dahil nahihiya siya. "S-sigurado ka riyan?"

"Mm." na kasabay ng pagtango nito.

"Wala nang bawian ah?"

Bahagya itong natawa. "Bilisan mo at kumilos ka na."

"Uhm, i-posisyon mo muna 'yang motor dito." tinuro niya ang bakanteng espasyo na pinaparadahan ng pampasadang SUV nila. "Tapos dumiretso ka na lang sa loob, doon ka na maghintay." hindi na niya hinintay na sumagot ito dahil nagmadali na siyang pumasok.


Hamon sa kanya ang maligo nang mabilis. Halos isang oras kasi ang iginugugol niya rito at kalahating oras na ang pinakamabilis sa kanya. Pagkapasok sa kwarto, hinatak niya agad ang tuwalya sa likod ng pinto at mabilis na hinubad ang damit at tinapis ang tuwalya sa katawan. Tumakbo na siya pababa dahil nandoon ang kanilang banyo. Hindi na niya inalintana kung makita siya ni Zion. Ang mahalaga ay makaligo na siya.

......

Ilang minuto lang ang pagitan mula sa pag-alis nina Carys nang nagising si Loreleigh. Napakislot siya nang unang bumungad sa kanya ang natutulog pang si Eethan sa sahig. Ang aga-aga konsensiya na ang naramdaman niya.

"Good morning, Lorei."

Nagitla siya sa pagbating iyon ni Suneil na nandoon pa rin sa pwesto nito mula kaninang madaling araw. "G-good morning rin, Suneil." alangan siyang ngumiti rito pero lumapit siya rito para hindi niya malakasan ang boses. "Nakakahiya naman kay Eethan na dahil sa akin, diyan siya natulog."

"Wala 'yun sa kanya, don't worry. Kumusta tulog pala?"

"Okay naman. Dapat namamahay ako eh pero nakatulog ako. Dala siguro nang nakainom ako." tapos mahina siyang tumawa.

"Siguro nga. Nga pala, nakaalis na si Cas."

"Ha?!" napalakas ang boses niya sa pagkabigla sabay takip din sa bibig.

Natawa si Suneil. "Kailangan daw niyang umalis at late na raw siya. Pasensya na raw, sana maintindihan mo." inihilig nito ang ulo at tumingin sa taas, "Sana tama ang pagkakatanda ko." bumaling ulit ito sa kanya saka ngumiti.

Nahimasmasan din naman si Loreleigh at tumango-tango. "Nag-iingat siya sa boss niya."

"Bakit naman?" nagtatakang tanong nito.

"Alam mo na, siya ang laging nakikita roon eh." iniangat niya ang braso para tingnan ang oras. "Baka stuck pa siya sa traffic." nag-aalalang sambit pa niya.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon