Hindi pa rin nakakatanggap ng texts si Carys mula kina Loreleigh kinaumagahan kaya hindi na siya mapakali. Ano bang nasa isip ng mga 'to. Ayoko nang ginaganito nila ako eh. Tsh. Pinilit niyang kumalma. Wala rin naman siyang magagawa kundi ang maghintay na lang.
......
Maagang dumating si Kennah sa cafe dahil sa sobrang pagka-excite. Hindi niya alam kung anong naisipan ni Yeshua para ayain siya nitong lumabas. Hinihiling niya na sana ito na ang daan para maging katulad ulit ng dati ang closeness nila.
"Kanina ka pa ba?"
Nagitla siya nang may pumatong na kamay sa kaliwang balikat niya. Napalunok pa nga siya nang mabosesan ito. "Kuya Yeshua." Nangingimi siyang ngumiti. "Hindi naman po, sakto lang." Dumako ang mga mata nito sa mesa kaya inunahan niya na rin ito. "Hindi pa po ako umo-order, gusto ko kasing hintayin ka para sabay na tayo."
"Ahh..." kasama ang mga mata nito sa kanyang pagngiti. "Libre ko na'to. Anong gusto mo?"
"Woah? Sure ka po?"
"Ako ang nagyaya, hindi ba?"
"Hmm... Okay... Uhm, Strawberry Coffee na lang po at cheesecake."
"Okay, just wait here."
Pinagmasdan niya ito habang patungo sa counter at nang makasiguradong hindi ito lilingon, hindi na niya napigilang kiligin. "Siguro naaalala pa niya 'yung sinabi niya sa akin noon?" humahagikhik niyang bulong.
"Gusto ko sanang may puntahan pa tayo kaya lang pagka-text ko sa'yo kanina, may biglaang invite kami kaya hindi rin ako makakapagpagabi. Hindi naman kita pwedeng yayain doon kasi biglaan nga."
Halos napanganga si Kennah pero naitikom rin niya agad. "O-okay lang po 'yun. Ang laking bagay na nga po na makasama ka dito pa lang eh."
"Talaga? Natutuwa naman akong marinig 'yan. Hindi bale, may next time pa naman eh."
Lihim na napangiti ulit siya. "Mauulit pa ito! Yiiih!" hiyaw niya sa loob-loob niya.
......
Kasalukuyan nang bumabyahe si Carys na suot na ang costume. Hindi naiiba ang kasiyahang nadarama niya kagaya nang sa tuwing pupunta sila sa mga gigs. She's not really a party girl, basta gig lang ng hinahangaang banda ang dahilan ng paglabas niya sa gabi at hindi rin naman iyon palagi. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan niya, hindi siya mangangahas um-attend sa ganitong event.
Ang papa niya ang naghatid sa kanya sa naturang event kaya hindi na niya kailangang kung saan pa mag-ayos. Nakakahiya namang mag-commute ng naka-costume. Ang sabi naman ni Loreleigh, doon na sila mag-aayos sa comfort room ng venue dahil pwede naman daw iyon. Gayunman, kapwa sinigurado nilang hindi pa rin nila malalaman ang isusuot ng isa't isa.
"Mag-text ka na lang kung anong oras ko kayo susunduin." sabi ng ama na habang nagmamaneho ay tumatawa-tawa pa. Malapit na siyang bumaba.
"Opo." tapos sumimangot siya. "Pa naman eh, tinatawanan mo na naman ako eh, dapat matakot ka." pabirong angil niya.
"Eh hindi ka naman nakakatakot."
Umismid siya. "Alam mo kasing ako ito eh."
"Sige na, biro lang." saka sumeryoso ito. "Mag-enjoy kayo doon at mag-iingat pa rin sa mga nakakahalubilo."
Tumango siya. "Opo, alam ko na po 'yan, pa."
Pagkababa na pagkababa niya ng sasakyan ay nakita niya ang mga naka-costume na nag-tipon-tipon sa mga gilid-gilid ng establisyimento at may mga nagmamadaling makapasok na may malalaking bag laman ang susuotin ng mga ito. Agad niyang pinadalhan ulit ng texts ang mga kaibigan. "Hey gurls! I'm here na! Nasan na kayo?" Panay ang tingin niya sa kanyang mobile phone na hindi niya muna binabalik sa loob ng may disenyong mangilan-ngilang patches na stuff toy na inspired kay Pon. Nilagyan pa niya ito ng nakatarak na pekeng kutsilyo at may zipper ito sa gilid para magsilbing pouch. Nakahinga siya nang maluwag nang nag-vibrate na ito. "Hay! Sa Wakas!" pag-ungot niya. Subalit ganoon na lang ang pagkadismaya nang hindi pa rin iyon galing sa ni isa sa mga ito kundi kay Don.

BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...