Nakatitig na si Loreleigh kay Eethan habang mistulang tumigil sa paghinga ang binata. Nag-aatubili kung paano sasabihin ang nais niyang iparating. Uminom ulit siya ng tubig.
"Bakit ka nag-so-sorry?" hindi napigilang tanong ni Eethan.
"K-kasi nga you have to travel pa."
"Wala namang kaso 'yun sa'kin eh. If there's a will, you'll find a way. And to prove to you I'm true to my words."
Nangiti siya. "Hindi mo naman need i-prove eh. 'Yung you find time to talk to me online is more than enough."
"Kung kailan naman malayo ka saka ko pa na-realize kaya mas ginusto ko lalong puntahan ka and honestly, nainggit din ako kay Zion."
"I feel the same for Cas. Ka-swerte ng babaeng 'yun." Natigilan pa siya dahil bigla niyang nasabi iyon pero hindi naman siya nagsisisi. Ayaw na rin naman niyang magpakipot pa.
Ang binata naman ang tumitig ulit sa kanya. "So we're in the same boat."
Nagkibit-balikat si Lorei.
Pinisil ni Eethan ang kamay niya. "I like you, Lorei."
Sinalubong na niya ang titig nito. "Ang daya lang, matagal mo nang alam 'yung akin eh."
Lumapad ang ngiti nito. "Does this mean..."
"Yes." putol niya rito.
Napatayo nang di oras ang binata. "Talaga?!"
Nahiya naman si Loreleigh at napatingin din sa mga taong nakatingin na sa kanila. Hinila niya ang kamay nito para muling maupo.
Dumukwang ito. "Gusto ko lang linawin, tayo na ang ibig mong sabihin, 'di ba?"
Nangingiti siyang tumango. "Yes, oo."
Inangat ni Eethan ang kamay niya upang halikan. "You don't know how happy I am at this very moment."
"Ikaw lang ba?" naiiyak na kinikilig niyang sambit.
......
Kinabukasan, bago siya umalis ay nasurpresa siya nang madatnang kausap ng mama niya sa sala si James, ang kapatid niya.
"James!"
"Ate!" humalik ito sa pisngi niya. Nagtaka ito nang makita siyang maraming dala. "Kararating ko lang, ikaw naman aalis? Saan ka pupunta? At para saan 'yang damit na 'yan?"
"May kasal na dadaluhan ang ate mo." ang mama nila ang sumagot.
"Teka, sabi mo hindi ka uuwi ngayon?" tanong ni Carys.
"Joke lang 'yun, gusto ko kayong i-surprise eh. Nga pala, may isa pa akong surprise sa inyo. Nagpa-book ako ng flight bukas. Sa probinsya tayo magpapasko ah? Gusto ko ring makita sina Lolo at Lola."
"Naku! Matutuwa sila niyan." nasasabik na sabi ng ina.
Nag-alangan naman siya dahil babalik si Zion bago magbagong taon.
"Hindi ka ba masaya, 'nak?" tanong sa kanya nang hindi siya umimik.
"Masaya po siyempre! Pero Ma, James, pag-uwi ko na lang po mamaya natin pag-usapan."
"Ay oo nga pala! Sige, baka may nakalimutan ka ha? I-check mo mabuti."
Nang masiguradong wala na siyang naiwan ay binitbit na niya ulit ang malaking bagpack, paper bag at ang gown niyang naka-hanger at nababalot ng clear plastic. "Ma, James, alis na ako. Baka ma-traffic pa ako." paalam niya.
"Tamang-tama, nandiyan na ang papa mo oh. Ipapahatid na lang kita para isang sakayan ka na lang pa-hotel. Magtatatlong sakay ka pa niyan eh, ang dami mo pa namang dala."
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficção GeralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...