Chapter 64: Wary

67 18 2
                                    

Mag-a-alas kwatro na ng hapon nang sila'y makabalik sa Manila. Pinilit ni Carys ang sarili na huwag makatulog sa byahe dahil nakakahiya rin naman kay Zion. Kailangan din naman niyang sanayin ang sarili upang hindi na siya mailang dito. Subalit nagkaroon sila ng pagtatalo nang sabihin niyang huwag na siyang ibaba sa tapat mismo ng bahay nila, na sa malapit na sakayan na lang siya bababa.

"Why do you care so much about what others are going to say? I don't want to hide us away." bwelta nito.

"Zion naman eh, hindi --"

"I said no."

"Zion,"

"Carys." seryosong bigkas nito.

"Naman oh!" bulong niya at napapikit sandali. "Sige na nga, may dadaanan pa kasi ako."

Kumunot ang noo nitong bumaling sa kanya. "Dadaanan? Ano naman 'yun?"

"Uhm, actually noong isang araw pa kasi dapat tapos naging kahapon sana, eh ang kaso nag-extend tayo, 'di ba? Kaya ngayon na kami magkikita."

"Nino? Sino ba 'yan?"

Bumuntong-hininga siya. "Si Ate Eva, 'yung nag-ayos sa'kin n'ung nag-shoot. Naaalala mo?" Bago kasi sila umalis, nag-text siya kay Eva para ipaalam na pwede na silang magkita mamayang hapon.

"Ah..." tumango-tango ito, "Saan ba kayo magkikita? Ihahatid na kita."

"No, no. Kanina ka pa nagda-drive. Nakakapagod kaya 'yan. Dumiretso ka na ng uwi at magpahinga."

"No. Hindi ako pagod." pakli nito.

"Zion, sige na. Please?" pakiusap niya rito.

Ngunit wala itong balak magpatinag. "I want to make sure you're safe. I'm not going home nang hindi kita nahahatid sa inyo."

Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Pinipigilan niya ang sariling huwag mapangiti sa harap nito. Mga ilang segundo pa bago siya nakasagot ulit. "Baka magkakwentuhan pa kasi kami at baka matagalan pa 'yun. Sige ka, ikaw rin ang mabo-bored."

"Hindi naman ako mangingi-alam sa kwentuhan n'yo. Saan ba kayo magkikita?"

Bakit ang kulit nito? Bumuntong-hininga ulit siya. Ayaw na niyang humaba pa ang pagtatalo. "Sigurado kang gusto mong gawin 'yan? At hindi ko ba mapapabago ang isip mo?"

"Oo at hindi." at tipid itong ngumiti.

Nagkibit-balikat na lang siyang sumuko. "Okay, fine."

"Good."

......

Sa isang coffee shop sila nagkita, bagong bukas lang daw ito at malapit-lapit ng kaunti sa bahay nila kumpara sa Bru Beans.

"Oh ano, dito ka na lang muna?" tanong niya kay Zion bago siya bumaba.

"Naiintindihan kong ayaw mo munang may iba pang makaalam." sabi lang nito.

"'Wag ka nang magalit."

"Oo na, hindi ako galit." pero hindi siya nito tinitingnan man lang.

Bumaba na lang siya pero bago niya isara ang pinto, "Kung nabo-bored ka na, pumasok ka na lang."


Napaaga siya nang dating kaya mga kalahating oras pa siya maghihintay. Pinili niya ang upuan kung saan natatanaw niya ang sasakyang nakaparada at siyempre para nakikita rin niya ang binata mismo. Sinugurado rin niyang ang mapupwestuhan naman ni Eva ay nakatalikod dito. Bakit nga ba hindi ko naisip na mapilit nga pala ang lalaking 'yun? 'Di sana hinayaan ko na lang muna siyang ihatid ko sa bahay. Hindi sana siya maghihintay. Ramdam niyang nakatingin ito sa kanya. Natawa na lang siya at napailing tapos kinuha niya ang smartphone para i-text ito.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon