Chapter 45: Let It Out

101 27 2
                                        

Muli silang nagbyahe nang hindi alam ni Carys kung saan sila patungo. Ang alam lang niya papunta silang norte base sa mga nakita niyang landmarks na pamilyar na sa kanya. Hindi niya matanong si Zion dahil baka mawala ang focus nito sa pagpapatakbo ng motorsiklo. Sumasabay pa naman sila sa mga naglalakihang sasakyan o mga bus kaya natatakot siya. Kinakabahan rin siya kung saan siya nito balak dalhin pero nanatili siyang tahimik lang hanggang sa maramdaman niya ang pagkalam ng sikmura niya. Wala pa nga pala kasi siyang almusal. Nabatid na lang niyang tumigil sila sa isang gas station. Nagpakarga ito ng gas. Pagkatapos niyon, pinarada muna ang motor sa gilid. Ginaya niya ito nang tinanggal nito ang helmet.

"Nawala sa isip ko na hindi pa nga pala tayo kumakain. Nagugutom na ako." pahayag nito.

Napakurap siya na para bang nahihilo siya. "Nasaan na ba tayo?"

"Basta, I want you to trust me."

Kumunot ang noo niya. "Ba't ayaw mong sabihin?"

"You don't trust me?" mahinang tanong nito.

"I do but -"

"Anong gusto mong kainin?" putol nito sa sasabihin pa niya at bumaba na ito. "May makakainan, pasok tayo." pinaling nito ang ulo sa direksyon ng convenience store.

Sinundan niya iyon ng tingin. "Uhm, sige, ikaw na lang. Maiwan na ako rito."

Humalukipkip ito at tinitigan siya. "Ayaw mong kumain?"

Umiling siya.

Humugot ito ng malalim na paghinga. "Kainin na lang natin itong muffins."

Madiin niyang pinagdikit ang labi niya bago magsalita. "Pero that's yours. Bigay ko na 'yan sa'yo, 'di ba?"

"Tig-isa tayo." inabot nito ang isa na para bang walang narinig.

Hindi niya ito pinansin. "Kung hinayaan mo na lang sana akong umuwi."

"Para ano? Magmukmok ka lang sa isang sulok ng kwarto mo? Kunin mo na ito." nakaabot pa rin ang tinapay sa kanya.

"Hindi ako gutom."

"You're lying. Nakadikit ka sa'kin kaya alam kong nagwawala na niyang sikmura mo." singhal nito.

Nag-init ang pisngi niya sa hiya pero sinikap pa rin niyang imentina ang seryosong mukha. Hindi siya umimik.

"Kunin mo na 'to and eat." naging ma-otoridad ang tono nito kaya tiningala na niya ito.

"I'm al-"

"I said eat it." umiba na rin ang timpla ng mukha nito. "We have a long ride to go."

Hindi siya nagbawi ng tingin. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Makikita mo once we get there. Now, take this." pinipilit pa rin ang muffin.

Nagtataka tuloy siya kung hindi ba ito nangangalay.

"Uhm!" untag nito at lalong inilapit sa kanya.

Napilitan na lang siyang kunin iyon saka naman nagsimulang kumagat ang binata sa isa pang hawak na muffin. Nakadalawang kagat pa lang ito nang biglang tumunog ang smartphone nito. Siya naman kahit napipilitan, sinimulan na ring kainin ang tinapay.

......

Samantala, kanina pa tapos sa agahan sina Eethan at hinihintay na lang nila na bumalik si Zion. Hindi na nakatiis si Kynon kaya tinext niya ito. "Ayan, na-send ko na. Tinanong ko siya kung anong oras niya balak umuwi."

"May isang naiinip na naman oh." komento ni Yeshua.

Napailing lang si Suneil.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Kynon nang tumunog din iyon subalit agad ding nagsalubong ang kilay. Binasa niya nang malakas ang sagot ni Zion. "Mamaya pa ako uuwi. Baka abutin ng gabi."

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon