Nagising siya nang may narinig na katok. Nakatulog na lang pala siya kakaisip kung bakit may ganoong ginawa si Zion. Napatingin siya sa labas, sa parteng hinawian niya ng kurtina. Umuulan pa rin. Makailang segundo ay naalarma siya nang naalalang may kumakatok. "Si Zion kaya 'yun? Anong oras na ba?" bulong niya. Tiningnan niya ang relo at doon nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang pasado alas otso na. "Hala! Six, seven, eight." bilang niya sa daliri, "Tatlong oras din pala akong tulog." May kumatok na naman. Tumayo siya at pinasadahan muna ng tingin ang sarili sa salamin. "Ayos pa naman." saka tumungo na sa pinto upang pagbuksan ito. Si Zion nga ang tumambad sa kanya at inunahan na niya ito. "Sorry, nakatulog." madiin niyang napisil ang kanan niyang braso sa hiya. Hindi niya tinatagpo ang mga mata nito.
"Naisip ko na nga. Kanina pa kasi ako kumakatok. Nag-miscall na nga rin ako."
"Oh... Sorry." nagbaba siya ng tingin.
"I really don't want to wake you up kaso malalampasan na naman sa oras ang pagkain mo."
"Hala, hindi mo naman na dapat iniintindi 'yun."
"Gising ka naman na, so let's go."
"Ugh. Hindi ko pa naaayos ang sarili ko. Puwedeng magsuklay muna?"
Nagkibit-balikat ito. "Sure."
Isasara niya sana ulit ang pinto nang maisip ang sinabi nito. "Uhm, pasok ka muna. Base sa sinabi mo, kanina ka pa naghihintay. Nakakahiya namang paghintayin pa kita ulit."
"Okay lang naman pero since inalok mo naman ako, mas gusto kong pumasok." nakangiting saad nito.
......
Inilugay niya ang kanyang buhok at nagsimulang magsuklay. Nararamdaman niyang tila pinagmamasdan siya ng binata hanggang sa matapos subalit nagkukunwari na lang na hindi niya iyon pansin. Nakapagpulbos pa siya at nang matapos ulit ay bumaba ang tingin niya sa kanyang suot upang unatin naman iyon. Suot pa rin pala niya ang jacket nito.
Naku! Kanina ko pa ito suot.
Mabilis niya iyong hinubad at lumingon sa binata para iabot dito. "Imbes na ikaw ang makinabang dito, sa 'kin mo pa pinagamit."
Inabot naman nito at iniladlad ang jacket. "Bakit mo tinanggal? Malamig." Mula sa likod niya ay ipinatong nito sa kanyang balikat. "Isuot mo uli."
"I-Ikaw ba, h-hindi giniginaw?"
Umiling ito, "Hindi, kaya isuot mo na ulit."
Sinunod niya na lang ito dahil totoo namang malamig talaga.
......
Nag-alangan siyang pumasok kung saan siya dinala nito. Mukhang fine dining kasi. Nilingon niya ang binata at napahawak siya sa braso nito. "Ay! Sorry." sabay alis sa pagkakahawak.
Kumunot ang noo nito. "Why?"
Dahil may nakaabang na staff sa kanila sa entrada, napilitan siyang tumingkayad para bumulong dito. "Masyado tayong maraming nagastos ngayon, baka puwede tayong magtipid?"
Hindi naalis ang pagkakunot ng noo nito bagkus ay humalukipkip pa. "Hindi kita pinapagastos."
"Sabi mo mamaya na lang ako magbayad ah? Kanya-kanya tayo sa room, 'di ba?" anas niya.
"I already paid both in full."
"W-What? Sabi mo mamaya pa 'yun!"
"Papasok ka o hindi?"
"Hindi." matigas niyang sagot.
"Hindi?" nakangisi ngunit malumanay nitong ulit.
"Hindi talag--"
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficção GeralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...