Natapos na naman ang nakakapagod na gig nina Eethan pero worth it pa rin. Napuno na naman ang venue dahil sa kanila. Iyon na muna ang last gig nila para sa linggo na provincial. Habang nasa van at pabalik na sa siyudad, tahimik si Yeshua na tila malalim ang iniisip.
"Ang tahimik natin ngayon Yeshu ah? Nakakapanibago ka." pagtataka ni Suneil.
"Ah, 'yun nga eh naninibago ako. Parang may kulang kanina." sagot nito.
Nakikinig lang naman ang ibang miyembro maliban kay Kynon na may sariling mundo na naman na busy sa Nitendo 3DS XL nito.
"May kulang? Ano naman 'yun? Ayos naman ang lahat ah? Ang saya-saya nga ng mga fans niyo na hindi nakakapunta sa metro." sumingit si Euno.
"Meron eh. Hindi ko lang kasi masabi kung ano 'yun. Basta iba ang feeling ko."
Nagsikunutan ang mga noo nila at nag-isip din kaya tumahimik.
"Wala namang nakakapanibago, Yeshu." si Suneil ulit.
Kumamot ito sa ulo. "'Wag niyo nang intindihin. Baka ako lang 'yun."
"Pagod lang 'yan, kuya." nakisali na rin si Kynon.
"Tama si Kynon, bro. Pagod lang 'yan. Itulog mo muna 'yan, mahaba pa naman ang byahe." nagsalita na rin si Eethan na nagtakip na ng towel sa mukha.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi eh. Pero 'di bale na nga." saka tinignan niya ang iba bago sumandal ulit. Si Zion na nasa tabi ng bintana, nakahalukipkip at naidlip na pala at ang katabi nitong si Kynon ay busy pa rin sa paglalaro. Si Eethan naman ay nandoon sa likod katabi ang mga gitara nila. Ang katabi niyang si Suneil ay mukhang malapit na ring pumikit. Sa labas ng bintana na lang siya tumuon at minasdan ang mga dinadaanan. Maya-maya nang maburo na ay nilabas na ang smartphone at kumuha ng litrato. Hindi na naman niya pinalampas ang mag-selfie.
......
Nang nakabalik na sila sa sari-sarili nilang mga tahanan, doon lang nag-check si Zion sa twitter niya habang nakahiga na sa kama. Naging ugali na niya iyon bago matulog. Tinignan niya ang huling pinost,
@DrummerZion
@Carysme :) It was great because of you guys. Thank you and good night too. :)Bigla niyang naalala iyong babaeng nakita niya sa arcade na nagpa-picture sa kanya. Naaalala pa niya ang sinabi nito, "By the way, thanks nga rin pala sa twitter reply mo kagabi. Ako 'yun." So it's you... At dahil tinatamad siyang mag-tweet, pinatong na lang niya ang iPhone sa side table at ang wallet na nakapatong lang rin doon naman ang pinagtuunan ng atensyon. Binuklat niya ito at bumungad ang litrato ng ex-girlfriend. Napapikit siya at tinanggal iyon pagkatapos tingnan ng matagal. "I can move on. I have to..."
......
"Caffè Americano!"
"Espresso Romano!"
"Café con Hielo!"
"Pumpkin Spice Latte!"
"Soy Latte!"
"Vienna Coffee & Raspberry Mocha!"
Sunud-sunod ang bato ng mga order kay Carys kaya hindi siya magkandaugaga sa paggawa. Mayroon pang pahabol na Macchiato at Pocillo bago siya makapagpahinga sandali. "Haaay! Heavy!" buntong-hininga niya. Umupo muna siya saglit dahil nangangalay na rin ang mga binti niya.
"Paupo-upo lang tayo ah?" Siya ang unang napagdiskitahan ni Bb. Geralyn pagdating nito.
Napatayo siya bigla at kinuha ang pamunas sa coffee machine. "Sorry po ma'am."
"At kayo," nakapamewang na tumingin din ito sa iba pang nga trabador, "walang babagal-bagal, gawin niyong mabuti ang mga trabaho niyo."
"Opo Bb. Geralyn!" otomatikong sagot ng mga ito nang sabay-sabay.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Fiction généraleNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...