Chapter 29: Come In Out of the Rain

142 35 6
                                    

Mabilis na nakapa at nahugot ng isa niyang kamay ang kanyang payong sa bag. Pagbukas, pinayungan niya rin si Zion.

"Alam mong tag-ulan tapos gala ka nang gala. Wala ka man lang bang dalang payong?"

Hindi pa rin siya sinasagot nito.

"Malapit lang ba rito ang pupuntahan mo? Ihahatid kita." alok niya.

"I was just about to go in the cafe nang makasalubong kita sa daan. Binangga mo ako then there, sinusundan na pala kita."

Kinunutan niya ito ng noo. "So ako pala ang may kasalanan?"

"No, no." kinuha nito ang payong sa pagkakahawak niya siguro dahil sumasayad sa ulo nito. "Ako na ang hahawak."

"Pasensya na, maliit lang kasi ako."

"Bakit pati ba naman 'yan hinihingan pa ng pasensya?" umiling ito.

Umismid siya, Matangkad kasi ang type mo. "Oh, malapit na ulit tayo sa cafe."

"I'm not going there anymore."

Huminto siya sa paglalakad kaya nabasa nang kaunti si Zion dahil nauna ito ngunit umatras rin para bumalik sa tabi niya. "Sana sinasabi mo agad. Saan ba, nang makauwi na rin ako." mahinahon niyang sabi.

Subalit hindi na naman siya binibigyan nito ng sagot at nananatili silang nakatayo roon.

"Hindi mo alam kung saan ka pupunta? Pareho tayong mababasa n'yan." May tono na ng pagkainis sa boses niya.

"Pwede mo naman akong iwan na lang."

"Sigurado ka? Pero parang nakakakonsensya naman 'yun. Parang ang walang puso ko 'pag gan'un. Magkakilala pa naman na tayo. Next time kasing aalis ka, magdala ka ng payong. Or may kotse ka naman, 'di ba?" sermon niya rito.

Nahuli niya itong ngumisi.

"Anong ningingisi-ngisi mo riyan?" Kumunot na naman ang noo niya. "Kung iniisip mong sinasamantala ko ang pagkakataong ito na kasama kita, nagkakamali ka. Gusto ko na rin kayang umuwi."

"Defensive ka naman." bulong nito.

Sumingasing siya dahil narinig niya ito. "Totoo lang ang sinasabi ko, anong oras na naman ako makakauwi nito." nailing siya tapos bigla siyang may naisip, "Ah! Tawagan ko na lang kaya si kuya Eethan? Siguro naman hindi ka –"

"No. Okay lang ako."

"Why? Or baka doon ka sa condo pupunta?" hindi na niya napigilang itanong.

"Hindi ko siya pupuntahan." mabilis nitong tugon. "Wala kaming relasyon ng nakita mo roon."

"Sino ngayon 'yung mas defensive?" anas niya.

"Totoo rin naman kasi ang sinasabi ko."

"Gaya-gaya at sige, deny pa more." sunod na bulong niya pa.

"What?!"

"Wala! Alam mo para kang itong panahon eh. Unpredictable. Nakakainis na." nang bigla siyang napaisip, "Lately pala 'pag nakikita kita, bigla na lang umuulan."

"So, isinisisi mo sa'kin ang ulan?"

"Hindi gan'un ang ibig kong sabihin, sinasabi ko lang. Ano ka, may kinalaman sa atmospheric condition?" tapos tumikhim siya, "Ano na? Natatagalan na kaya tayo rito."

"Then let's just wait for the rain to stop. Doon muna tayo." Marahan siyang hinatak nito para makasilong sa entrance hall ng isang building doon na wala ng katao-tao.

"Ano?! Eh kung iwan na lang kita sa cafe?"

"Sasagasain mo ang ganyan kalakas na ulan?" sinara na nito ang payong.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon