Chapter 3: Coincidence

262 75 27
                                    

Alanganin ng madaling araw nang bulabugin ng malakas na tunog ng alarm clock ang mahimbing na tulog ni Carys. Naaasar na kinutkot niya ang mga mata. "Bakit naka-set ang alarm?" ginulo-gulo niya lalo ang magulo nang buhok. Hindi man lang tinignan at walang gana niyang tinapik ang ibabaw ng orasan para patigilin ito sa pagtunog. Humiga siya ulit. "Hayaan mo na lang akong matulog pa, please? Maawa ka, kaunti pa lang ang tulog ko." mahina pa siyang dumadaldal ng wala namang kausap. Lumalabo na ang paningin niya buhat ng muling pagpikit nang nahagip ng mata ang kulay ubeng naka-hanger na uniporme sa tabi ng isang poster. "Anong araw nga ba ngayon?" Bumaling siya sa desk calendar na nakapatong sa side table. Napabalikwas siyang bumangon nang mapagtantong Sabado pala. "Jeez! 5 am na nga pala ang shift ko ngayon!" Iyang shift pa naman ang pinakaayaw niya dahil bukod sa peak hour iyon kahit weekend dahil sa dami ng call centers sa vicinity doon, laging kaunting oras lang ang naitutulog niya at hindi pabor kung may gig silang pinupuntahan. Dapat pa pala akong magpasalamat sa alarm clock. O kay mama dahil malamang siya ang nag-set niyan. Ayan Carys, kakapunta mo ng gigs, nakakalimot ka na.

Bumaba siya na sukblit ang tuwalya sa balikat. Sa kusina muna siya papunta para mag-almusal at nadatnan niyang naghahanda ng pagkain ang mama niya. Doon niya nakumpirma na ito nga ang nagpa-alarm ng orasan.

"Naalala kong nabanggit mo noong isang linggo na maaga ka simula ngayon. Nag-init na rin ako ng panligo mo." bungad nito.

"Opo. Thanks, ma."

"Ilang oras lang ang tulog mo, makakapagtrabaho ka ba ng maayos niyan?"

"Naman ma, opo."

"Dapat hindi ka muna pumupunta sa panonood sa banda 'pag ganyan ang shift mo."

"Okay lang po, kaya ko naman po saka hindi naman po palagi eh. Bawi na lang ng tulog pag-uwi."

Umirap ito sabay ng pagbuntong-hininga. "Gisingin ko na papa mo para mahatid ka."

"Ay ma, 'wag na po. Kaya ko naman po. Maliwanag na rin naman po oh." Ayaw lang niya talagang magising ito dahil sigurado siyang marami na namang sasabihin iyon lalo hindi niya nasagot ang mga tawag nito kagabi.

Pinasok na niya sa bag ang tinuping uniporme pagkasuklay sa basang buhok. Bago siya umalis tsinek niya kung hindi pa low bat ang phone, hindi niya kasi iyon napansin pagkauwi. Doon lang rin niya nakita na may 2 new messages.

======
From ses-Rachi

Good morning men! Gara!
Nagreply ang Zion bago siya
magsleep! Congrats!
======

======
From ses-Lorei

I bet you really have a super
nice morning today. I'm happy
for you Cas! Isa lang tweet
niya at para sayo pa yun! :)
======

Those two never fail to make her smile. Ang aga nilang nagising ah? Nag-type muna siya ng reply bago lumabas ng bahay.

======
To ses-Lorei ; ses-Rachi

Thank you gurls! Later ako
magrereply talaga ah, on the
way na ko eh. Baka malate.
Have a nice day ahead!
======

Alis na 'ko, ma!" paalam niya at humalik sa pisngi nito.
"Mm, ingat ka."

......

Malamig ang umaga ngunit masaya siyang naglakad sa mapunong kalye patungo sa cafe habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng kulay abong jacket. Nang nasa tapat na siya ng shop, natanaw niya ang perfectionist niyang boss, si Bb. Geralyn. Nakaupo ito sa isa sa mga tables doon. Hindi niya inaasahang papasok ito nang ganoon kaaga. "Good morning ma'am." bati niya nang madaanan niya ito. Mukhang doon na ito nag-breakfast, may platito kasi ng cake at tasa ng kape sa harap nito. Blanko ang ekspresyon nito ngunit dala-dala pa rin ang maotoridad na awra. Hindi ito nag-abalang tingnan siya pero kahit paano ay tinanguan naman siya nito. Ano kayang meron at nandito siya ng ganito kaaga? Dumiretso siya sa locker at para magpalit na rin sa uniform. Bago iwan ang bag, sinilip niya ulit ang cellphone. Nagulat siya sa twenty one messages pero hindi niya pa mababasa ang mga iyon lalo't nandiyan ang boss niya. Mamaya na kayo., saka sinaraduhan na ang locker.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon