Chapter 62: Out of the Blue

67 21 4
                                    

Kahit nakabukas ang tv, wala roon ang atensyon ni Carys. Natutulala siya sa mga pinaggagagawa ni Zion nitong mga oras na kasama niya ito. Gusto raw niya akong nakakasama... Kinikilig siya subalit maya-maya'y may namuo muling agam-agam. Ikiniling niya ang kanyang ulo, Ibig sabihin, hindi totoong sila ulit n'ung Candice? Kasi lalabas siyang cheater kung may iba siyang kasamang babae kahit na sabihing isa lang akong fan... Kaming dalawa lang eh at hindi 'yun appropriate kung may girlfriend siya. Umiling naman siya. Hays, nandito lang naman kami nang dahil sa promise ko, iba lang ang nangyari. Tumayo siya at nagtungo sa veranda. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ako pwedeng lumabas. Ay! Oo nga pala, kailangan kong matawagan sina mama. Pumasok ulit siya at dinukot sa bag ang cellphone ngunit naka-off na ito. "Hala! Dead batt pa?" Napapikit niyang inihagis sa kama ang gadget. "Lagot talaga ako neto." Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang lumabas ngunit kabilin-bilinan ni Zion na manatili lamang siya roon. Wala na lang siyang nagawa kundi ang hintayin ito. Naisip niya sanang pasukin ang kwarto nito subalit naalala niyang isang keycard lang ang iniwan nito sa kanya. Nagtaka siya, "Oo nga, bakit isa na lang 'yun?" ngunit hindi na lang gaanong binigyan-pansin. "Naninigurado rin eh para makapasok agad dito. Tsh!"


Lumipas ang isang oras ngunit hindi pa rin ito bumabalik. "Saan ba siya nagpunta? Mukhang lumabas pa ng hotel. Baka mamaya may kikitain kaya iniwan lang ako rito..." Ayaw na lang niyang mag-isip pa ng kung ano-ano. Sa kabila ng pagkabalisa, binuksan niya ulit ang glass door sa terrace. Muli siyang niyapos ng malamig na simoy ng hangin na nagdulot ng pagngatog ng kanyang katawan at paggulo ng kanyang buhok. Umupo siya sa bakal na upuan na may bilog na mesa sa harap. Bukod sa tanawin, pinanood na lang din niya ang mga turistang abala sa pagkuha ng mga litrato pati ang mga batang naghahabulan sa malawak na damuhan sa likod ng hotel kaya kahit paano ay naaliw siya. "Tsk! Ba't kasi na-dead batt pa ako. Sayang, wala akong remembrance." Nangalumbaba siya. Bumalik sa kanya ang alala ng nakalipas na gabi. Marahas niyang nailiglig ang kanyang ulo at siya'y napangiwi. "Ang dami ng nakakahiyang nagawa ko tuwing kasama ko siya." Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. 'Ba! Kung hindi nangyari ang mga 'yun, hindi mo siya makakatabing matulog, 'no? "Argh! Mababaliw na ako!" Correction Carys, matagal na.

"I'm sorry for taking this long."

Literal na napalundag siya sa kinauupuan nang marinig ang boses ng binata. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito.

"Para ka namang nakakita ng multo, okay ka lang?"

"Kanina ka pa ba nand'yan?" Kinakabahang baka narinig nito ang mga binubulong-bulong niya.

Kumunot ang noo nito. "Kararating ko lang."

Nakahinga siya nang maluwag at napanatag na rin dahil bumalik na ito. Gusto niya mang usisain kung saan ito galing ngunit pinili niyang manahimik na lang.

"I tried calling you but your phone was off. I assume you ran out of battery kaya bumili ako ng powerbank. Pwede mo ring i-charge sa kotse mamaya."

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon