Nahilo-hilong kinuha ni Carys ang phone sa bag niya. May tumatawag kasi at pagkakita niya ay mula iyon kay Ms. Amy. Hula niyang inaalam nito kung nasaan na siya. Pagkatapos niya kasing magbihis at nang malaman rin kay Ms. Amy na pwede nang umuwi, umalis na sila agad nila Loreleigh. Mahirap rin kasi sumakay kapag ganoon ang lagay ng panahon.
"Hello Ms. Amy?"
"Nakauwi ka na ba?" tanong nito sa kabilang linya.
"Ah opo, pinupunasan ko na lang po mabuti ang buhok ko para matuyo na."
"Ah... Hinahanap ka kasi nila kanina. Dapat daw hindi muna kita pinauwi."
"Oh? May gagawin pa po ba raw?" bigla siyang naalarma. Baka kasi kailangan niyang bumalik doon pero sa loob-loob niya, ipinagdadasal na sana hindi na.
"Hindi na, nagsi-uwian na rin kami. Sige, chineck lang kita kung nakauwi ka na. Tatawagan kita ulit para sa night out ah?"
"Ho? Night out po?"
"Gawain namin 'yun tuwing pagkatapos ng project. Usually, after 'yun ng post-production, kapag tapos na tapos na talaga. At syempre, kasama ka talaga dapat doon 'no."
"Uh, titingnan ko po muna."
"Naku Carys, you must be there. Oh, babye na!"
"Oh... bye po..." napakagat na lang siya sa labi nang babaan na siya nito. Nilagay muna niya sa outdoor mode ang phone at laylay-balikat na ipinatong na sa side table.
Pipikit na sana siya para umiglip muna nang makitang umilaw at nag-vibrate naman ito. Kahit maayos na ang pagkakahiga, tinatamad na gumapang siya upang abutin ito. Gumuhit ang maliit na ngiti nang makita niya ang pangalan ni Rachell.
======
From ses-Rachigm
grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa napanood ko
kanina. sa tahimik at hinhin
mong yan, may hidden talent ka
pala? at saan mo hinugot ang
ganoong klaseng emosyon? iba
eh!-men
======Sinagot niya ito kaagad kahit na nanlalambot ang pakiramdam niya. Pagkakataon na rin niya para maglabas ng hinanaing.
gm
Wala, sa mga napapanood lang
sa tv at movies. Iniiwasan ko
lang rin magkaroon ng
maraming takes kaya all out na.
Mukha nga kasing uulan tapos
ayun, mababasa rin pala. Bakit
naman kasi ang tagal i-cut eh.
>.< :vvv~Carys
============
From ses-Loreigm
hahaha nadala rin sila sayo like
us. Saka naka-dagdag sa drama
ang ulan. Let's say perfect
timing. Napanganga kaya ako
sa husay mo sis. Naku ah, pag
sikat ka na, wag mo kaming
kakalimutan. ;P.Lorei
============
gmKayong dalawa, hindi ko naman
pinangarap na maging artista.
Napasubo na lang talaga ako.
Saka siguro dahil makakasama
ko si Zion kaya grinab ko na
yung opportunity. hahaha Pero
gurls, honestly hindi ko alam
nung una na siya pala ka-pair ko
doon. Pambihirang experience
at malamang hindi na mauulit
yun.~Carys
============
From ses-Rachigm
men, wag magsalita ng tapos.
lahat kami dun napahanga mo.
nakita ko rin si direk na
kuntento at tuwang-tuwa. kaya
magtigil ka! nangigigil ako sayo
eh, kung magkakasama pa tayo
eh baka nakukurot na kita.
hahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/44860647-288-k30503.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficção GeralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...