Hindi man laging magkakasamang pumupunta sa Bru Beans ang magkakabanda, naging routine na nina Zion ang pagpunta rito. Hindi rin pare-pareho ng araw at oras ngunit mahina na ang tatlong beses sa isang linggo. At nagiging ordinaryo na ang mga araw na iyon kay Carys. Lumipas na naman ang isang buwan kaya nagbago na naman ang iskedyul niya. Napunta na naman siya sa panghapon, ang shift na pinakaabala at nakakangarag. Hindi na naman sila nagkapareho ni Rye dahil sa morning shift naman ito ngunit nagpapang-abot sila bago ito umuwi. Ikinatutuwa niyang magkasabay na ulit ito at si Malene. Umaasa siyang magkakaroon na ng progreso sa mga ito at isosorpresa siyang sa mukat-mukat ay sila na.
"Nagkita tayong muli, Mikki. Kumusta na?" bati niya paglabas nito ng locker room.
Nagkibit-balikat ito. "Mabuti naman po."
Ngayon lang niya ito nakitang walang sigla. "Hmm, bakit parang hindi naman?"
"Okay po ako, Miss C..." ngumiti ito.
"Masama ba ang pakiramdam mo? Hala, dapat hindi ka na dumiretso rito. Tinawagan mo na lang sana kami."
"Ay hindi po." inaabot nito ang kabilang tali ng apron para itali na.
Ngumiti siya at tinulungan ito sa pagtali. "Ayy, si Kynon lang ang katapat niyan."
Sandali lang itong gumanti ng ngiti. "Thanks po sa pagtali."
"Ano ba, be happy. Ano na lang ang magiging kape niyan, mas mapait na?" biro niya.
Natawa na ito kahit paano. "Ay, hindi naman po sana."
"Kaya dapat, i-release mo 'yang bad vibes. Nga pala, nakakanood ka ba ng gigs nila lately?"
"Ugh, hindi po. Twice pa lang akong nakapunta po eh."
"Ah... hindi ka ba pinapayagan?"
Tumango siya. "Ayaw po ng late akong umuuwi."
"Oh? Sayang naman. Yayayain ka pa naman sana kita."
Namimilog ang mga mata nitong bumaling ulit sa kanya. "Niyayaya niyo po ako?"
"Kaso hindi ka naman pinapayagan..." ngumuso siya.
"Gagawan ko ng paraan saka minsan lang naman po eh."
"Hmm... Sige, sabihan mo lang ako." tapos tumalikod na siya.
"Uhm, Miss C? May itatanong po ako..."
Humarap siya ulit dito. "Yes?"
"Uhm..." Mukhang nag-aalangan itong sabihin.
"Ano 'yun?"
Lumapit ito upang marinig niya ang pinahina nitong boses. "May girlfriend po pala si Kynon?"
Hindi siya nakakibo kaagad. Naalala na naman niya si Zion. "Hmm... May rumor na ganyan pero hindi naman kasi inaamin. Ang alam ko si Suneil ang meron."
"Nakita ko po kasi siya last week dito na may kasamang girl at ang sweet nila..." matamlay nitong saad.
Mataman niya itong tinitigan. Huminga siya nang malalim. Naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang awra nito at naiintindihan niya rin ito dahil naramdaman din niya iyon noong nakaraang linggo lang rin. Wala siyang sinabi kundi hinawakan niya ang kamay nito.
"Fan pa rin naman po ako eh." pilit itong ngumiti.
"I feel you, Mikki." Ikukwento na rin niya sana ang nasaksihan niya kay Zion nang biglang dumating si Bb. Geralyn kaya para silang naihipan at naghiwalay at nagpaka-busy sa kanya-kanyang istasyon.
......
"Nakatanggap ako ng request na may gustong mag-shoot dito." panimula ni Bb. Geralyn matapos silang tipunin nito.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
Ficção GeralNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...