Matamlay siyang umuwi. Mabigat ang bawat yabag ng mga paa niya patungo sa kanyang kuwarto.
Girl, kung 'yung iba niyan, pinatos na 'yung chance. Ngayon ka pa nag-inarte. Ay hindi, it's already your second time pag-iinarte.
Nanghihinayang na naman ang isang bahagi niya habang may sagot naman dito ang kanyang isip.
Tama lang 'yun, baka hanap-hanapin mo lang kapag tinanggap mo. Tiyak mababaliw ka n'un lalo. Tama rin 'yang dumistansya ka sa kanya.
Marahas niyang pinilig ang ulo niya. "Tapos na okay?" inis niyang bulong saka sumalampak na sa kama. "Pero paano mag-move on?" Napako ang mga mata niya sa kisame at maya-maya'y dinala siya sa kawalan.
......
Thank God it's Friday na naman sa karamihan ngunit para sa cafe, ito ang pinakaabalang araw sa buong linggo. Dumadagsa ang pinakamaraming customers pagsapit ng hapon. Maging ang mag-asawang sina Euno at Roxanne ay nandoon din. Buong hapon ding nandoon si Bb. Geralyn at tumutulong ito sa kanila. Nararamdaman ni Carys na minamasdan nito ang bawat kilos niya kaya buong araw siyang kabado. Malamang dahil hindi na naman nadayo si Don ng araw na iyon.
"Carys, isabay mo na rin ito sa paghatid, sa table 8." utos nito nang makitang natapos na niya gawin ang tatlong Macchiato.
"Okay po." maikli lang niyang sambit at inabot na ang tasang hawak nito. Kahit na may iba namang maaaring utusan, siya ang laging nakikita nito. Maingat niyang dinala ang tray papunta sa mga may-ari ng orders . Wala naman siyang reklamo roon pero hindi pa rin maalis sa isip niya na baka may kung anong binabalak na naman ito tulad ng kahapon.
"Wala pa si Don ah?" pasimpleng tanong nito pagbalik niya.
Shoot! Tama nga ang iniisip niya, inaabangan nito si Don. "Ah, may mga araw po na hindi siya dumadaan. Siguro po marami siyang ginagawa ngayon." The truth is, kapag nakita ni Don na maraming tao, madalas hindi na ito tumutuloy. Hindi na niya iyon sinabi dahil ayaw niyang ma-disappoint ito at maging sanhi pa ng pag-iba ng timpla na naman nito.
"Gaano kayo ka-close ni Don?" tanong ulit nito kahit na nakikita nitong hindi siya magkandaugaga sa mga gagawin pa niya gayong ayaw na ayaw nitong may mahuhuling nag-uusap habang may ginagawa.
"Tamang close lang po, like Rye."
"Wala ka namang gusto sa kanya?"
Napaawang ang bibig niya at gustong niyang ikunot ang noo subalit hindi na niya pinakita, "Ho?"
"Never mind, continue your work." saka tinalikuran na siya nito.
Lihim na lang siyang napailing habang tinatapos ang pangalawang tasa.
Mistulang magkakaaway sila dahil sa kawalan ng kalaayang makapag-usap sa takot na mapagalitan. Isang beses, batid niyang lalapitan siya ni Mikki ngunit umatras din ito at nag-busy-bisihan nang bigla-biglang sumulpot ang boss nila hanggang sa makauwi na lang ito. Hindi talaga sila nagkausap, ni kumustahan man lang. Kung mayroon mang magandang nangyari sa araw na iyon ay natapos ito ng walang pahiyaang naganap o ano pa mang malala sa kinatatakot niya.
......
Kinabukasan, habang papasok siyang muli, naabutan niyang may isang babaeng umaaligid sa labas ng coffee shop na panay ang masid sa paligid pati sa loob ng cafe. Tatanungin na sana niya ito nang mamukhaan niya ito.
Siya 'yung estudyanteng humarang kina Yeshua noong isang araw ah? Hindi lang naka-uniform.
"Hello? May hinahanap ka ba?" nilapitan niya ito.
Halos mapatalon ito sa pagkagulat sa kanya. "Ugh, eh..." kumamot-kamot ito sa bandang likod ng tainga, halatang nahihiya.
"Hmm?" Kulang na lang ay dumukwang siya para marinig nang maigi ang isasagot nito.
BINABASA MO ANG
Just Another Fangirl Story ✔
General FictionNaging instant fan siya simula nang mapanood ang banda na tumugtog sa telebisyon. They'd even stolen her heart especially the drummer. Natuto siyang pumunta sa mga live performances ng mga ito kasama ang dalawang kaibigan makita lang ang binata. Lik...