Chapter 54: Cold Shoulder

82 26 1
                                    

Hindi makapaniwala si Carys na tatanggapin ng mga ito ang imbitasyon ng kanyang ina. Marahil nahiya ang mga itong tumanggi. Napakurap-kurap si Rachell nang makita ang mga itong pumasok sa dining area. Aalis na rin dapat si Don ngunit nang dumating sina Zion ay nagpasya itong manatili pa.

"Kain lang kayo ha? May mga pagkain pa." wika ni Marla habang naglalagay ng mga bagong pagkain sa mesa at katulong si Carys.

Pagkatapos paghainan ang mga ito, umupo siya sa kanina niyang puwesto sa pagitan ni Don at ang kaninang bakante ay inukupahan na ni Roxanne na kanina ay katapat niya  samantalang lumipat naman si Rachell sa kabilang tabi ni Don.

"Kayo, baka gusto n'yo pang kumain?" tanong niya sa mga katabi.

Nagsiilingan ang mga ito.

"Ang dami ko na kayang nakain kanina." sagot ni Don.

Tumingin naman siya sa mga bagong dating at si Zion ang unang nahagip ng kanyang paningin dahil katapat lang niya ito. Sumulyap din ito sa kanya tapos nagpatuloy sa pagkain. Sina Kynon at Yeshua naman ay parang gutom na gutom kung sumubo. Tumayo ulit siya nang mapansing wala pa palang tubig ang mga baso nito kaya sinalinan niya ang mga ito.

"Hindi ka puwede sa malamig, 'di ba?" tanong niya kay Yeshua.

Ngumiti ito at tumango.

Pagkasalin ng para kay Yeshua, bumaling naman siya sa iba. "Sa inyo, may gusto ba ng malamig? Tubig, juice, soda?"

"Okay na kaming lahat sa tubig, Cas." pangungunang tugon ni Eethan.

"Uuwi na kami, Carys!" may dumungaw na babae. Doon lang niya ito nakita pero pinakilala kanina itong tiyahin niya raw na pinsan ng kanyang ama.

"Sige po, ingat po kayo." at may iba pang mga kasunod na kumaway.

Silang mga nasa hapag-kainan na lang ang natitirang bisita.

"Kumusta pala ang gig n'yo?" bungad ni Roxanne pagkaalis ng mga nagpaalam.

"Gan'un pa rin naman, madam. Walang bago." si Yeshua ang sumagot tapos ay bumaling kay Rachell. "Long time, no see. Hindi ka na pumupunta sa mga gigs namin ah?"

"Naging busy na kasi." maikling sagot lang ni Rachell.

"Buti may time ka ngayon." reak ni Eethan.

"Nga pala Cas, na-mi-miss ko nang ikaw ang barista namin. Kaya nga bihira na rin kaming nadadayo sa cafe." pag-iba ni Kynon sa usapan.

"Oh? Bakit naman bihira na lang? Hindi naman nagbabago ang timpla roon." komento niya.

"Pero iba pa rin."

Napailing siya. "Ikaw naman oh."


Sa tuwing mapapatingin siya kay Zion ay naaalala niya ang sinabi ni Loreleigh at masakit pa rin iyon sa kanya dahilan para hindi niya pansinin ang binata. Hindi naman iyon naging mahirap dahil hindi naman talaga sila nito nag-uusap kapag kasama nito ang mga kabanda. Alam niyang nagmumukha siyang walang utang na loob sa lahat ng nagawa nitong pagtulong sa kanya pero sadyang nasaktan talaga siya lalo pa't hindi na rin ito sumasagot sa mga texts niya.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon